Skip to main content

hindi na to panaginip!!bday part 2!

2nd celebration of my bday..or 3rd na ata..puro nalang celebration.. yesterday 01/16/11..
ang aga aga, nagriring phone ko..pupungas pungas pa ko nung sinagot ko to, si joy pala, AKA panget.. sya yung super friend ko na para ng kapatid.. inaaya ako sa MOA, nagabsent daw sila ng bf nya para icelebrate bday ko..as if naman naniniwala ako?!, nagabsent lang talaga sya kasi tamad talaga yun mag work..''sige tingnan ko kung makakapunta ako sa MOA..inaantok pa kasi ako,galing ako work kanina,saka ala na din ako pera..pero txt ko kayo'' yan sinabi ko kay panget.. at parang ayaw nya naman maniwala sakin, at pinipilit nya parin ako.. pero dahil sa napansin nya siguro na inaantok pa talaga ako,pumayag na sya na itetex ko nalang sya..sabay natulog ako uli..


may tumatawag nanaman bandang 1pm..unknown no. di nakasave sa phone book ko.. nung sinagot ko, si KUYA pala.. kapatid ni PALAKA na x ko..na lagi nalang laman ng blog ko.. nanakakasawa na alam ko..(bakit ba?! di ako mkagetover eh..hahaha)

ako: hello sino to?
kuya: para kang tanga..kay j**** na no. to di mo alam?!
ako: sorry naman binura ko na yan eh..o bakit? napatawag kayo?
kuya: punta ka sa bahay ngayon.. celebrate natin bday mo..
ako: may pupuntahan ako eh..sa MOA puntahan ko si joy..
kuya: wag na, para naman di ka kapamilya dito ka nalang pumunta..
ako: sige try ko..text nalang ako..


at yun na nga natapos ang paguusap namin sa pamimilit na pumunta ako kila palaka.. actually di ko naman talaga alam kung san ako pupunta ng mga oras na yun..madami din kasi nagaaya, gaya ni yats na pupunta daw ng pandacan..ni joy na pupunta ng MOA, ng pinsan ko na pinapapunta ko sa Fairview at trinoma..haiiisssttt..ayoko din kasi pumunta kila palaka, dahil ayaw ko syang makita..as in AYAW ko!!kasi naman after break up.. di pa uli kami nagkikita, saka nahihiya ako, at MASAKIT dahil unang una..may iba na sya..gusto ko pag nagpunta ako kila palaka eh yung may bago na ko at maipagyayabang ko sakanya..


pero dala narin ng pagkasabik ko sa pamilya ni palaka..at syempre miss ko na din si palaka ayaw ko lang talagang iadmit..ayun pinili kong pumunta sa kanila..pero naglaba muna ako, at nagpa ikot ikot ng ilang beses..dahil di ko alam ang gagawin ko, natetense talaga ako..sinama ko din ang aking kaibigan na si mariz..

dumaan muna kami sa simbahan at dun ko na din pinuntahan ang pamilya ni palaka..namiss daw nila ako..saka nakita ko narin si palaka,na hinintay pa namin dahil nagpaprint sya ng resume..so ayun!! pagkakita ko.. muntik ng maghiwalay ang katawang lupa at katawang langit ko..kaba..takot..saya..lahat ata naramdaman ko na...mix emotion..

namili kami ng pizza, chicken, pansit, alak..saka umuwi sa bahay nila..pagkatapos kumain, ayun inuman na..di na namin pinagusapan ni palaka ang mga nagyari at pati pamilya nya, mas pinili nalang na wag ng buksan ang issue na yun.. pero nabalitaan ko na pumupunta na din sa bahay nila yung bago nya..pero keri lang..masakit pero di ko pinapahalata..


pinili ko din manahimik at wag ng buksan ang issue na yun.. umarte ako ng normal..at habang nagiinom napagusapan namin ang BLog ko na nominado,sabi ko kay palaka na iboto nya ako.. dun sya nagtanong kung paano, binigay ko ang link.. pero dahil na rin sa pagkacurious nya kung ano ang blog.. binuksan at binasa nya ang blog ko..na feeling ko naman hindi nya maintindihan..si palaka kasi ang tao na wlang hilig magbasa at mag aksaya ng panahon sa mga ganitong bagay dahil tamad sya..hahaha

pero napansin ko, habang binabasa nya yung blog ko.. na 24HOURS.. napapangiti sya..at dahil nga sa tamad sya sa mga ganito saglit nya lang tiningnan ang blog ko.. buti nalang!!kundi patay ako..patay talaga..pano baka sabihin nya chinismis ko na sya dito sa blog ko..aaminin ko, kahit papano gusto kong mabasa nya to as in lahat ng sinulat ko, kasi para sakanya to lahat.,pero kahit naman mabasa nya, may mababago ba? wala naman diba..at iyon na nga tumigil na syang magbasa, tinamad na, at sabi ala daw kwenta..(BALIW TALAGA YUN)..haaaayyyy...


medyo lasing na din ako ng mga oras na yun..napadami na kasi ako ng inom,, ang sarap kasi ng ginawa ni mariz sa the bar nilagyan nya ng condense at milo..so parang milo lang..nahihilo, at nasusuka ako..kaya nahiga na ko sa kwarto nila.. dun naman ako dati nakatira so feel at home na talaga ako..at ang kapal ng mukha ko..hehehe..naiwan sila sa labas ng kuya nya, si mariz at 2 pang kapitbahay..


pagkatapos ng ilang minuto ay sumunod na sya sa kwarto..at dahil sa isa lang ang kwarto nilang matino..dun din sya matutulog sa kwarto na kung saan eh nakahiga na ko kasama ang momy nya..sabi nya itabi ko nalng daw si mariz matulog sa isang kama at tatabi sya sa momy nya..sabi ko okey.. pero tumabi ako sakanya..makikipagkwentuhan sana..pero ang kwentuhan na yun ay nauwi sa isang sweet na pangyayari..oo sweet.. AT HINDI AKO NANANAGINIP O NANGANGARAP NG MGA ORAS NA YUN..
nagkatitigan kami.. at alam nyo na ang sumunod na nangyari..oo naglapat nag aming mga labi..na animoy sabik na sabik .. namiss talaga namin ang isatisat..ramdam ko yun, alam ko hindi epekto ng alak yun..dahil di naman kami lasing nakakaantok lang talaga ang ininom namin..at..kilala ko si palaka, kapag nakakainom sya, dun lumalabas ang totoong sya..sinubukan kong kurutin sarili ko..di talaga ako nananaginip sa mga oras na to.. gising ako.. at kasama ko si palaka..


kagaya ng panaginip ko nung bday ko..wala uling lumabas na salita sa min dalawa.. magkayakap kaming natulog..at hanggang pagising..alam ko may gf na si palaka pero anong magagawa ko??unang una, ako ang inagawan..diba tama lang na hiramin ko kahit saglit kung ano ang akin??at naging akin dati??gumising kami ni palaka.. pinagluto nya ko.. kumain.. at pagkalipas ng ilang oras eh kailangan ko ng umalis kasi may pasok pa kami ni mariz ..


aaminin ko sa mga oras na yun, katext nya yung GF nya..nasasaktan ako, pero mas minabuti kong wag nalang magsalita.. ok na ko ng ganun kami..atleast nakasama ko sya..sa mga oras na kasama ko sya, bumalik sya sa dati, sweet ng unti, may care, at nagbibiruan tulad nung kami pa dati, alam ko matatapos din ang mga sandaling yun..kaya sinulit ko na.. at gaya ni cinderella dumating na ang oras na kailangan ko ng umuwi at iwanan ang lugar na nagbigay ng sandaling kasiyahan sakin..

nagpaalam na ko sakanya, sa momy nya at kuya nya..sabi ko may pasok pa ko.. at iyon hinatid ako sa gate ni palaka..at bago ko lumabas ng gate..naglapat uli ang aming mga labi.naxs!.saka sinabi ko sa kanya..''i loveyou po''..di na ko naghintay ng sagot,dahil alam ko di nya rin kayang sagutin..umalis na ko ng may malaking katanungan..

PAKSHET?!ano naba?ano na kami? bakit ganun?may gf sya..bakit naramdaman ko na mahal nya pa ko, pero di nya masabi..magulo.. at hanggng ngayon nagiisip ako.. tinext ko sya kanina, pero wala akong makuhang matinong sagot mula sakanya, siguro ay mas gusto nya narin wag magsalita..pero ang hirap mangapa..san ako lulugar? kailangan ko nabang kalimutan ang ngyari kagabi at kanina?tama bang isipin ko nlang na namiss lang nya ko at hanggang dun lang yun?napakaraming tanong.. sabi ko sakanya nung tinawagan ko sya kanina..na hindi na uli ako manggugulo..kasi alam ko mali..at lulugar ako sa dapat lugaran..ang sabi nya lang magusap daw kami mamaya dahil di din daw nya alam..

ANO BA YAN!!!!!!
at hanggang ngayon sa mga oras na to.. hinihintay ko na itext nya ko..kaya lang WALA!..hayy..ano ba gagawin ko??maghihintay nalang ba ko 4ever?!o kalimutan nalng ang mga nangyari..naisip ko, mas okey pala kung panaginip nalang lahat atleast madali makagetover..ngayon umaasa nanaman ako..SHIT!
tanggap ko na..at kailangan ko tanggapin..yun ang mahal nya..at hindi ako..at hindi nya kayang iwan yun para sakin oo siguro mahal nya ko pero mas matimbang ang pagmamahal nya sa bago nya..aray!..buti nalang may mga tao lagi sa tabi ko na handang umalalay..
salamat..

wag naman sana akong maging ganito..(ang pangeeett)hahahaha
ngayon para kong  adik na naghihintay sa wala!!!!

Comments

  1. Happy birthday muli sayo marekoy.. at naku, sarap mong kurutin sa singit hahah.. juk.. naman kasi, alam mo na kung saan ang lugar mo diba? so dun ka na lang, now kahit sabihin mo na tanggap mo na, aminin mo man o hindi eh nageexpect ka pa din after ng nangyari or sa tingin ko eh, kahit hindi nangyari yan eh still nageexpect ka pa din.

    wag masyado hehehe.. sakit kaya nyan...

    ReplyDelete
  2. haay..naku partner!!!kahit hindi mo aminin at kahit ideny mo umaasa ka pa rin kay palaka???
    pero dapat alam kung hanangang kelan kasimay hangan ang lahat ng paghihintay kasi kung maghihintay ka na wala naman dumating..pero basta kung saan ka happy doon na din ako basta happy ka supportahan kita...

    ReplyDelete
  3. bilib ako sayo!
    your'e true to yourself
    and confident to let others know what you feel
    iba talaga naggawa ng pAgibIg

    kung sakin lang, hindi nko maghihintay sknya
    maghihintay ako sa susunod na magmamahal skin..
    at mamahalin ko..♥

    ReplyDelete
  4. @clai: hehehe..salamat..dito ko lang kasi naeexpress eh..mas nakakabuti ng pakiramdam..

    sana ako nalang ikaw, para hintayin ko nalnag yung susunod na magmamahal sakin..pero di pa siguro panahon..gusto ko buo na uli ako pagnagmahal..:))

    naxs drama..:))hehehe

    ReplyDelete
  5. ngayon ko lang nabasa... ahaha.. ang tagal na eh noh...

    oo bilib nga din ako sayo. ang tapang mong gawin lahat ng iyon. kung sa iba siguro yan, iiyak ng iiyak nlng.. pero kaw, TAPANG MO TE! ahahaha

    at dahil jan, mataas magiging mataas metrics mo sa work! ahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...