Skip to main content

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife..

pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron..

pano ba to naganap??

mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut!

so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko..

sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun..

umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. paglabas nya lahat ng papasok sa pinto e hindi na tatangapin importante daw kasi yung time pag nagaaply..so tama naman sya..

kawawa naman yung mga sumunod sakin na 1min o 2mins late lang.. napauwi na.tsk tsk buti nalang buzer beater ako!!! woooohooo..

so ayun mga ilang oras din nagsalita yung engliserong employer, ang dami nya sinabi tungkol sa papasukin namin.. habang nagsasalita sya..gutom lang ang nasa isip ko di pa kasi ako nagalmusal.. buti nalang at pinalabas nya kami para sa 1 hour break..

una ko syang (si happiness) nakita sa may elevator.. nagkakapampangan may kausap na isa pang aplikante.. e dahil nga sa gutom na gutom na ko dedma lang ako, at nakahanap naman ako ng friend nung time na yun..dahil sa friendly talaga ako..

sa mini stop ako kumain nakitabi sa table nung new friend ko.. busyng busy ako kumain..gutom eh!

bumalik na din kami uli sa office matapos kumain dahil baka kami naman ang masaraduhan ng pinto.. hahaha..

tapos nun.. isa isa na kaming tinawag.. para sa one on one interview na sa employer.. nkakatuwa lang kasi inarrange kami sa kung sino ang unang dumating.. so ako ang huli! ako ang huling maiinterview.. napaisip ako kung anong petsa pa ko matatapos.. gusto ko na sana umuwi..pero sa di inaasahan, e ang pangalawa sa late e ang magpapasaya pala ng pasko ko!..

nagsimula ang interiew ng alas 12!! 1pm..2pm.. 3pm.. di ko namamalayang na pumapatak ang oras! ugali ko na di marunong maghintay lalo na kapag ganyan sa pila at mga inaayos na papel.. pero sa mga oras na yan.. aliw na aliw ako sakanya, napakadami ng napagkwentuhan namin..sobrang gaan ng loob ko sakanya..nagawa kong mag open, magshare...

aaminin ko una ay wala naman talaga ako nararamdaman sa kanya, lalo  nung moment na kausap ko sya.. hanggang sa tinawag na sya mga bandang 4pm.. at ako nalang magisa na naghihintay..

pagkatapos na matawag ako.. e medyo may kumalabit sa puso ko kasi nakita ko sya na hinintay ako umuwi.. as in big smile.. e pinaayos pa skin ang resume ko, kaya natagalan pa. pero parang jollibee lang willing to wait sya..

so ayun na nga, lumabas na kami ng agency na yun,well pasado naman.. at isched nalang daw skype interview para sa bansang pupuntahan namin..

habang naglalakad kami,, wala paring hinto ang kwentuhan, tawanan namin, kahit medyo naligaw kami kasi mali mali yung underpass na nadaanan namin (kasalanan ko) e enjoy parin ang paglalakad.

hanggang sa bus na.. late na late na ko ng araw na yun sa trabaho pero okey lang. gusto ko naman to. at wala na ko magagawa late ako dumating eh..toinks! kung maaga lang sana ko..

at ayun na nga sa bus. di kami magkatabi nung una kasi punuan na.pero nung nagkaron ng bakanteng upuan e lumipat kami.. kwento kwento..hanggang sa bumaba na ko ng bus.. at sya papauwi sa pampangga..

nagkuhanan kami ng no. bilang tanda ng pagkakaibigan.(charot) at dahil nakuha na namin no, ng isat isa ay nagkaroon na kami ng komunikasyon..na ang dating ako na di maruong magreply e di na matigil sa kakatext..

nagkwento sya na una nya daw ako napansin kasi late ako.. tapos pangalawa sa mini stop.. nakaktuwa kasi ako dedma lang..saka ang takaw takaw ko sa ministop.. nakita nya siguro yun.. hahaha..

at para paikliin ang kwento na to..

dahil off ko,, naisipan kong pumunta sa kanila bilang kaibigan (chos).. ginala nya ko sa lugar nila, ang astig nya magdrive.. ang dami nyang kwento. ang saya. nakilala ko parents nya, kapatid nya na makulit, lola nya tita nya pamangkin nya.. ang saya! kumain pa kami sa jollibee kaya be happy ako nung gabi na yun! halos opposite kami sa ibang bagay.pero pag dating sa foods gusto nya din ng sweets, kaya pareho kami pareho din kami ng favorite songs.(kungwari compatible):)

pero pinaka sweet na moment e nung nakaupo kami sa labas ng bahay nila nakatingin sa langit..(ang korni) .. e napatanong ako sa langit.. ''sya naba??'' sya naba ang regalo Mo?? (ang korni talaga) this is not me! nahahaluan ng kabadingan ang blog ko.. pero eto na nga.. wala naman sensored moment eh haha..

mas lalo ko syang nakilala nung napunta ako sakanila.. nakilala ko na may halo syang kaartehan.. matagal mag ayos ng gamit.. pero nalaman ko din na sweet sya.. oo!! sweet sya.. bakit?? kasi first time na may naglagay ng toothpaste sa toothbrush ko! first time na may nagtimpla ng coffee sakin na hindi 3 in 1!! hahaha.

first time na may isang taong pumilit na painumin ako ng pineapple juice na hindi ko naman talaga gusto ang lasa (pero ininom ko pa din) hahaha..


all in all?!

di ko pa masabi kung mahal ko sya. ambilis naman kasi..pero wala naman daw tinakdang time para mainlove.. basta kinikilig ako lagi pag kausap sya.. at pag katext at kasama sya.. at nagpapasalamat ako kay God kasi may rason ang padala nya sakin sa agency na yun. lahat ay may dahilan, ang pagkalate ko, ang pagkakatabi namin.. di ako naniniwala sa sign..pero naniniwala na ko sa kapangyarihan ng pag ibig.. (ang bading talaga ng post na to)..e bakit ba kinikilig ako eh.. walang basagan ng trip..


kung maging kami man.. o hindi.. e nagpapasalamat parin ako..kasi naranasan ko maging masaya ulit.at maramdaman ang ganito. shet na feeling na may pa mwah mwah hugs and kisses pa.. shet ang bading talaga..

o pano.. more kwento nalang pag katapos ng pasko..

eto ang tinatawag na MERRY CHRISTMAS!!! ang MERRY talaga! pak na pak!!

at dahil dyan kakanta ko..:                 


 "Shake Up Christmas"

Shake up the happiness
Wake up the happiness
Shake up the happiness
It's Christmas time

There was a story that I was told
And I want to tell the world before I get too old
And don't remember it, so let's December it
And reassemble it, oh yeah

Once upon a time in a town like this
A little girl made a great big wish
To fill the world full of happiness
And be on Santa's magic list

Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Ho, ho, ho,
Ho, ho, ho,
It's Christmas time

At the same time miles away
A little boy made a wish that day
That the world would be okay
And Santa Clause would hear him say
I got dreams and I got love
I got my feet on the ground and family above
Can you send some happiness with my best
To the rest of the people of east and the west

And maybe every once in a while
You give my a grandma a reason to smile
'Tis the season to smile
It's cold but we'll be freezing in style

And let me meet a girl one day
That wants to spread some love this way
We can let our souls run free
And she can open some happiness with me

Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time

I know you're out there
I hear your reindeer
I see the snow where
Your boots have been

I'm gonna show them
So they will know then
Then love will grow and
They believe again

Shake it up (shake it up), shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Ho, ho, ho,
Ho, ho, ho,
It's Christmas time

Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time
Shake it up, shake up the happiness
Wake it up, wake up the happiness
Come on all, it's Christmas time

Ho, ho, ho,
Ho, ho, ho,
Ho, ho, ho,
It's Christmas time



let's open the happiness!!

..merry christmas bloggers!!sana ay mahawahan ko kayo ng happiness..


=============================================
commercials:

1.blogmoipasuot mo ikalimang sabak official post from jaypee click here

2. regalo mula kay rix.. .. salamat!!!!




Comments

  1. Merry Christmas CheeNee!! Ang cute ni Kras mo from previous post! :)

    ReplyDelete
  2. oh sige ako na ang kinikilig sa short na story na itey :D from interview to meeting the parents to pagtingala sa langit, ayieeee! :) Malay mo, siya na.. pero ika nga ng iba, huwag madaliin ang mga bagay. Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. share the happiness nga.. shre the kilig moments.. hahaha

      tama.. were taking ut slow..

      Delete
    2. updates? ano na ang lagay? :D

      Delete
  3. virtual ang gift ko sayo nasa recent entry ko :)

    ReplyDelete
  4. Maniniwala ka ba na habang patapos ko ng binabasa ang post mo eh nakangiti at kinikilig din ako?

    Ang mas nakakakilig ay ang aspetong hindi pa kayo at hindi pa sigurado na pagmamahal na ba talaga... Sana may lagay din ng toothpastemsa toothbrush ko...

    Kakilig much... at pag nakakakilig, bading na? herher

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.wala lang.. kasi naman kinikilig ako, feeling kong ang bading tingnan..perstym uli..

      talaga kinilig ka? haha.share the happiness nga diba?? hahha

      Delete
  5. HONGHABA NG HAIR!!

    nagexpect ako ng nakakabading na post. hahaha. iba ata definition mo te? pero fine. ibibigay ko na sayo nakakakilig nga siyaaa! :) sya na yan sana!

    ReplyDelete
  6. haha, happy christmas cheenee!

    ang kulet nung story mo tungkol sa crush mo :D

    ReplyDelete
  7. haha cheezymas ba to? pbb teens,
    ayiieh naman talag ohh
    anywasy merry christmas sayo
    keep loving hehe

    ReplyDelete
  8. kahit sa mga post mo napaghahalatang madaldal ka sa totoong buhay....hahahahah di yan matutuloy dahil may ''bisor'' na puputolsa ugnayan niyo?...mapait pa naman ang kape....wahahahahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag kang basag trip bekibells.. wala na si bisor. ok na yun. mapait talaga ang kape e kaya lang may sukal.. hahaha

      Delete
  9. Maligayang kabadingan este kapaskuhan sayo Cheenee :)

    ReplyDelete
  10. Yun eh! Sa wakas lumalablyf ka na! At short version na talaga 'to? Pano na kung buo? Lol. Gudluck sa bagong pagibig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sarap kasi magkwento pag happy thought! hahaha

      Delete
  11. nagseselos ako pakner. amfufu lang.. anyhoo... maligayang pasko pakner. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha.. may pagseselos talagang effect!

      Delete
  12. Eto ang perfect example ng everything happens for a reason.. I am so kilig for you sis! Ang landeee!! Haha, katuwa lang! Ramdam na ramdam ko kilig habang nagbabasa ako. So mukhang naging super merry ang Christmas mo, e di ikaw na, haha! Hope you'll have an equally kakakilig at masayang bagong taon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..o masaya talaga.. kumpleto nag pasko.kahit ako hanggang ngayon kinikilig.. hahaha

      Delete
  13. Blog hopping here. Kahit napaka-haba binasa ko pa rin, love story kasi. Merry nga ang Christmas at napangiti ako sa ganda ng pagka-salaysay ng iyong kuwento. Magbabalik...

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!