Skip to main content

bekibells!

warning: this post is so nakakaumay

me and my friend JOBO.. ang taba mo bex! hahaha


well.. matagal ng nasa draft ko to..but i dont have time to post it. pero kailngan ko ng ipost dahil baka sampalin na ko ng marshmallow hanggang sa ikamatay ko ni JOBO aka JOBOLOGY101 my ever loyal friend/BFF/ at magiging ama ng mga anak ko.. chos!! hahaha..  dahil gusto nya mag volunteer na magdonate ng kanyang pagkalalaki.. kasi di naman nya magagamit. chos ulit..so alam nyo naman kung bakit. hahaha

so etona.. after like 8 months of not seeing each other cus he resigned in our company para magtayo ng carinderia.. pero nalaman ko nalang na nasa sykes na pala sya..

kaya nag arrange kami ng meet up. na kaming dalawa lang naman. at as usual. LATE nanaman po ako..
wala ng bago dun..








so wala naman ngyari.. mega kwentuhan lang kami as in walang humpay na update ng buhay..


 
naisipan namin na magcoffee.. namis namin to..

at naisipan namin na gumawa ng trading card/ trading art on the spot.. exchange of card so eto ang finish product..nag palit kami after so akin na ang dalawang hubad sa katotohanan na drawing ni jobo.. ang galing nya diba????



upper one: my trading art
lower one: jobos trading art


ang aarte.

after namin mag inARTe sa kung ano ano.. e nagpaalam na kami sa isat isa. dahil may pasok pa sya. pero sabi nya minsan daw ay gumawa kami ng event na all artist.. kahit saang coffee shop tapos on the spot gagawa ng art.. then exchange.. so yan ang i pupursue namin kapag di na busy sa xmas at new year..sana makasama ang marami..


namiss ko talaga ang bex ko. hope well meet again.. andyan lang naman sya sa tabi tabi.. hahaha. this post is for you bekibells..
at eto nga pala ang doodle for jobo..


ps:

kailngan talaga may p.s?? haha.. gusto ko lang namn sabihin na naging matagumpay ang BLOGMOIPASUOT mo event namin last sunday sa bulacan.. em so happy seeing those kids wearing our blog logos and url at nagenjoy sa mga games at foods.. medyo late nga lang ako.. hahaha.. walang bago dun!

sana sa susunod na sabak mas maraming makasama.. next sabak: anniversary na ng BMIM mas malaki at mas maramig bata na to.. hehehe..

maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa.hanggang sa muli. pictures to follow!! :)


-end

Comments

  1. active pa sa blog noon si jobo, naalala ko naman bigla haha.. ang alam ko tatlo kayong blogger sa inyong company. ikaw, si jobo at isa pang hindi ko na matandaan, ung mga post nya eh puro sama ng loob ahehehe (joke lamang)

    ang galing naman ng iyong kamay cheenee :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. si carmi yuun.kaya lang di na active yun eh.. hehe

      salamat..

      Delete
  2. isang gelpen lang instant doodle art na. ang gagaling niyo :))) pwede din sa cups ng SB niyo idoodle yun :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. pede nga po..kaya lang gel pen gamit namin.. kakalat.. wala kami dalang sharpie eh.. hehehe

      Delete
  3. ang saya, pareho kayong artsy ni friend mo! really nice to catch up with friends no? :)


    sayang di kami naka sama sa blog mo pasuot mo, will wait for your post about it :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo.. lalo na kapag matgal ng di nagkita.. hehe

      sana sa susunod zai makasama kayo ni joanne sa BMIM

      Delete
  4. wow kayo na ng doodlelan on public
    PDD- publis display of doodling haha

    anyways ganda talaga ng doodle nu
    nagtry na ko nyan panget lumabas

    ReplyDelete
    Replies
    1. pdd.. natawa ko dun ha.. hahaha..benta!

      try and try nga daw.. haha

      Delete
  5. pwede kayo! hehehe


    hang galeng galeng naman ninyung dalawa. isa kapehan lang yan ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..pwede kaming ano?? haha. di kami talo ni bekibells..

      haha..oo isang kape lang yan.. yabang. haha

      Delete
  6. Malay mo naman e kayo talaga para sa isat isa. :) Chos din. HAHAHAH! galing ng doodles :) at talagang may nakaemboss (sideways) sa boobs ni SB. HAHAH! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha.. yan ang mga trip na art ni jobo eh.. hahaha.. pngarap nya kasing magkaron ng ganyan.. haha

      di kami para sa isat isa.. luluhod ang mga tala..:)

      Delete
  7. Knucks nman ang galing mag doodle :)

    ReplyDelete
  8. hello cheenee :D galeng ng doodles, makasali sana ako sa on the spot drawing project ninyo balang araw, gud lak sa proyektong iyan. nag-aabang pa rin ako ng pics galing sa latest BMIM activity hehe maligayang Pasko :D

    ReplyDelete
  9. infairness pwede ngang kayo. dyuk! kayo na dumudoodle :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaoffend and joke....kunwari lang bwahahahhaha

      Delete
  10. galing nyo namang magdoodle..nakakatuwa yung hubad na doodle ni jobo..bakit kalahati lang? sana next time buo na chos!

    congrats sa success ng BMIM :)

    ReplyDelete
  11. angdami mong alam sa buhay chini dapat nagteacher ka. bwahahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. sapak gusto mo jobo?? hahaha.. natouch ka lang eh..ahahaha

      -cheenee

      Delete
    2. naman! oi panalo ka pala dun sa pokontest nung babaeng blonde...naibili mo na premyo mo?

      Delete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...