Skip to main content

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko


NAME: KRAS
  
sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang)

so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha..

then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga!

pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet..

ako: kuya..may size 7 or 8 po kayo nito??
kuya: ah check lang po namin mam..
(at umalis na si kuya dala ang shoes na size 6.. medyo kinakabahan na ko, at pinagpapawisan ng malapot at naginginig na rin (oa lang) hahaha.. pero nag pray ako na sana may size 7, ok na yun kahit medyo masikip luluwag din naman.. at ok lang basta may  8 kahit medyo maluwag..di naman mashado halata..

nang biglang dumating si kuya..

kuya: mam size 7.5 po meron!

napa gangnam dance ako sa tindahan ng sapatos ng marinig ko yun!!sakto!! 7.5 talaga ang paa ko!! ang saya saya! feeling ko nanalo na din ako ng miss universe at natalo ko pa si miss USA..

so binayaran ko na agad as in agad agad!! at sa wakas.. napasakin na si crush kong shoes!!at pinangalanan ko syang KRAS!

lesson learned:
kapag may gusto ka.. wag ng patagalin pa kung pwede naman makuha agad.. baka pag pinatagal mo pa e mawala pa o makuha na ng iba..at mahirapan kang hanapin o kunin..hahaha. chos..maiconnect lang!!


***********************************************************

christmas update!!

sa office nagkaron ng kidilets visit.. so dinala lahat ng kaofis ko ang mga anak or pamangkin nila.. para saan? ewan ko.. basta ang alam ko e magbibigay daw kami ng something sa mga bata.. parang xmas treat or trick..

at dinala ni joemar ang pamangkin nya na si CAMI..

super ganda ng bata.. medyo hawig nga kami diba??? hahaha.. commercial model sya ng red ribbon..


kamukha ko diba???

with baby cami
 at eto pang isang makulit na bata.. si baby evo! na wala naman ibang ginawa kundi kumain ng kumain ng candy..kinukuntinti ko namna..diba halata? hahaha



kain lang tayo evo..haha
 
 
so sabi nga nila.. ang pasko ay mas importante para sa mga bata.. well pero pwede mo namang enjoyin din ang pasko.. simple lang.. mag isip bata ka din..haha.
 
so advance Merry Christmas mga kapatid..para sa mga magreregalo sakin..isa lang po masasabi ko.. KAHIT ANO.. hahahaha. chao!
 
 
 
 

Comments

  1. huwaw yan ang dedikayshen nyahaha.

    ReplyDelete
  2. huwaw ang ganda ng aral na ating nakuha sa iyong paglalakbay patungo sa pag-abot ng iyong pangarap.... ang mapasaiyo si Kras.... gujavey!

    cute ng mga kids at para sa kanila talaga ang pasko... sila ang dahilan kung bakit mga kagaya lamang ni Kras ang pwede nating iregalo sa sarili... ang mga bata na dapat din nating paglaanan ng budjey.... buti na lang kaka-happy ang presence nila....

    sarap magpaka-feeling bata... light lang lahat....

    happy holidays po

    ReplyDelete
  3. kahit ano kapatid??? cgecge...

    basta ang sakin gusto ko katulad ng kay crush mo :))) hahahaha!

    ReplyDelete
  4. wow.. happy for U!

    sana ako din makuha ko din ang KRAS ko hehehe... kaso mukhang matatagal pa bago ko mabili hehehe

    Merry Merry christmas!

    ReplyDelete
  5. Congrats at naging kayo na ng kras mo.

    Happy holidays Ms. Cheenee :)

    ReplyDelete
  6. Akala ko si *toooot ang makikita ko dito. HAHAH! ;)

    Buti ka pa nakuha na ang kras mo!

    ang ganda ni CAMI! :)) Madami yang mapapatumbling na boys. HAHAHAH!

    ReplyDelete
  7. haha ako wang pang gift kahit sa sarili ko hahaha
    hirap pag wang job sa panahon ganto hahaha

    anyways ganda ng lesson na ntutunan mo
    haha it makes sense

    ang sexy at ang cute naman ni girl

    ReplyDelete
  8. Wow magkapaa tayo. Lol. 8. Ang tinuran mong iyan ay aking dadalin sa isapan at gagawin kong patnubay upang sa susunod na may bibilin akong isang bagay ay hindi ko na ito patatagalin pa. Lol. Ang kyut naman nila CAMI at baby evo. Merry Christmas Cheenee!

    ReplyDelete
    Replies
    1. echusme.. 7.5 po sa pambabaeng size.. hindi sa panlalaki.. hahaha..=) slamat.

      Delete
    2. ahaha, ay sori, :p Pero merry christmas sa iyo! :) godbless!

      Delete
  9. Ako, pinatatagal ko talaga ng 3-6 months kapag may gusto talaga akong bilhin. Para alam ko talaga kung gusto ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..3-6 months!!! grabe naman ako gang 2 buwan lang.. haha

      Delete
  10. "kapag may gusto ka.. wag ng patagalin pa kung pwede naman makuha agad.. baka pag pinatagal mo pa e mawala pa o makuha na ng iba..at mahirapan kang hanapin o kunin.."

    supeeeeer like and nakakarelate! :)
    hehe congrats nakuha mo na ung shoes.

    Merry Christmas :)

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. tungkol sa lesson learned part ng post mo...di kayo nagkakalayo ng paniniwala ng mahal mong coach ah! pumasko ka na rin kaya sa bisnes bisnesan nila para hindi lang isang pair ang mabili mo...handa ka na bang yumaman? bakit ka magtitiis sa pagtratrabaho kung pwede namang kumita habang pa easy easy ka lang sa buhay? bwahahahaahhaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..bex naniniwala parin ako,, na kapag ang isang bagay ay ginamitan ng tyaga at pagod mas masarap ang bunga.. hahaha..

      Delete
  13. parang hindi naman pamangkin ni joemar si cami...parang kapitbahay lang niys yan eh....hindi talaga ako naniniwalang kadugo yan ni joemar....si evo ba yung supling ni coachy? kakyut naman...malusog ang pisngi at halatang busog na busog....hehehehehh merry krismas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo bex..pamangkin nya DAW.. hahaha,pagbigyan na natin.. paresign na si joemar eh.. oo si evo na yun.. ang taba diba?? hahaha

      Delete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...