Skip to main content

lasa ng tunay na pagibig..

ano nga ba ang lasa ng tunay na pag ibig??

matagal na ng huli kong natikman ang lasa ng tunay na pagibig, dumating ang sandali na naumay ako sa sobrang tamis..

ang tamis ay dahan dahang naging mapakla..hanggang sa nawalan nalang ng lasa..

pero pinilit ko pa ring tikman, akala ko ay mababago o babalik sa tamis ang lasa nya.. pero hindi! naging mapait..sobrang pait..
na sa sobrang pait ay nanindigan ako na di na muling titikim na baka sa huli ay isuka ko lang ulit..


pero bakit ngayon..sa tinagal tagal ng panahon bakit muli ko syang hinahanap hanap? ang tamis ng tunay na pag ibig..

kaya lang natatakot ako..dati kasi ay sinubukan ko pero gaya ng nauna naumay at nawalan uli ako ng gana..hanggang sa pumakla..at sinuka ko lang..

ngayon??

wala pa kong lakas ng loob..

marahil wala pa rin ang tamang timing, tamang tao, na magpapatikim ng lasa ng tunay na pagibig..

bigla akong nagising sa katotohanan nasa harap ako ng isang malaking tindahan ..natawa saking sarili.. at umalis na may dala dalang kapirasong matamis na chocolate cake mula sa tindahan na yun..

''eto nalang muna siguro ang tamis na kailangan ko sa ngayon..''


credits to google










Comments

  1. Mabuti marami ako chocolates ngayon, yun na lang din muna magpatamis sa buhay ko.. haha!

    ReplyDelete
  2. hahaha..natawa ko sa comment mo ha.. ikaw na ang may nagpapadala ng chocolates..pahingi!!!

    ReplyDelete
  3. mukhang inlove ah hehehe may pinaghugutan hehehehe

    minsan ganyan nga... hinihintay mo pero minsan natatakot ka na baka hindi maging okay....

    sana muli mong matikmam ang tamis ng pag ibig hehehe

    ReplyDelete
  4. yung nalasahan mo yata noon ay lasa ng palaka :)

    ay cheenee, atin munang tanungin, iyon ba talaga ang tunay na pag-ibig? Paano ba natin masasabing tunay nga ang ating pag-ibig na nararamdaman? Siguro masasabi nating tunay kung ito'y panghabang buhay? ang tunay na pag-ibig ay hindi pumapakla, hindi pumapait, hindi nawawalan ng lasa. Ang pag-ibig na iyong naramdaman noo'y kumbaga sa prutas ay hindi pa hinog, na sa sobrang excitement nating kainin kahit na mapakla ang lasa nati'y matamis...

    ay wala lang.. kumoment lang hehehe.. pasasaan bat darating tayo dyan :)

    ReplyDelete
  5. di ko pa natikman ang tunay na pag-ibig...ano bang lasa nyan? masarap? gaano kasarap ba? :D

    ReplyDelete
  6. Inlab? :)) Huwag matakot na magmahal pero maging matalino sa lahat ng desisyon. Basta enjoy life muna sa pinakamasayang magagawa mo dito :))

    ReplyDelete
  7. Tamis tamis wag sana maalis, kung ikaw ay aalis mayroong hinagpis. Henny waste, ganyan talaga yan, nararanasan ng sino man ang ganyan yun nga lang kung sakali mang may dumatin at naramdaman mo ang chuvachuchu eh try mo din malay mo di ka maumay sa susunod hihihi.

    ReplyDelete
  8. haha hugot na hugot sa kaibuturan ang post moparekoy ahh

    ako kahit wala nang lasa masaya pa din naman hahaha

    ReplyDelete
  9. Natawa ako sa comment ni joanne. lol

    Nandito naman kami Ms. Cheenee kung di man maging matamis ang pag-ibig mo gawin nalang naming masaya.

    Minsan ang pag-ibig ay hindi lang nasusukat sa tamis kailangan din natin matikman ang ibang lasa. Kaya tikim na ng ibang potahe. lol

    Gow Cheenyron! I push talaga. dyuk!

    ReplyDelete
  10. gays.. ituro nyo nga sakin pano gagawin yung magrereply akong isa isa?? haha..di ko kasi alam yung may reply button..

    jondmur: di po ako inlove.. naumay lang ako kaka tunay na pagibig ni pablo (isa sa member ng BMIM)

    lakas: ay parang mahaba pa ang commnet sa post ko..award! hahasana ay makita ko na yang pagibig na yan.. at kung di pa nakatadhana,ae ayos lang..

    empi: di ko din alam eh.. hahaha

    anthony: di po ako inlab.as in,. promise!

    mecoy: oo malalim pinaghugutan ko..tagos sa langs..
    at wala na talagang lasa?? haha

    arhcie: at kailngan i push ang labteam na yan?? hahaha. kinalimutan na nga eh.. hahaha..
    tama.. madami naman kaibigan magpapasaya..

    ReplyDelete
  11. keribels lang..enjoy mu muna ang sarili mo.. darating din ang tunay na pag-ibig na yan :)

    ReplyDelete
  12. @ Pakner: hayaan mo pakner gagawin natin uli matamis yang pag-ibig na yan.


    Settings -> Posts and Comments -> Comment Location -> Embedded

    ReplyDelete
  13. ndi mag lalaho ang tamis ng pag-ibig KUNG marunong magpahalaga ang taong pinaglalaanan mo...icpn mo nlng n hinahayaan k ng pagkkataon n matikman ang ibat-ibang uri at lasa ng pag-ibig pra pagdating ng taong nkalaan syo ndi kna magkakamali s "tunay n lasa ng pag-ibig"

    ReplyDelete
  14. kebs sa truelove na yan! hindi yan hinahanap dumadating yan! NAKS!

    pero natawa ako sa chocolates ha. ako kahit arnibal papatulan ko na mapatamis lang ang lablayf ko. CHAROTS.

    hindi ba mapakla ang lasa ng pagibig? or iba yun? hahaha.

    ReplyDelete
  15. pink line: patikim nalang ng mga cupcake mo..mas matamis yun sa tunay na pagibig.. hahaha


    pakner: pano ba natin gagawin yan?? haha salamat...

    anon: ikaw na.. hahaha..opo opo..

    nyabachoi
    : arnibal talaga?? hahahaha.. oi matamis daw yun.. hahahaha.iba ata yung natikman mo..

    ReplyDelete
  16. ayee! ang cornix nanaman. hahaha. nag baback read nalang ako. wala pa kasi akong internet sa bahay/.

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...