Skip to main content

takbooooooooo!!!

SUKO NA KO!
----> yan sabi ng utak ko..

KAYA PA YAN!
----> yan sabi ng puso ko..

pero ano nga ba dapat sundin?!pero kung titinganan ang human anatomy, wala naman pakialam ang mga organs na yan sa pagmamahal.. oo nga naman..NAKPUCHA naman oh! sino dapat sisishin ko?? siguro ang sarili ko mismo na hinahayaan na ganituhin ako..

gusto kong SUMIGAW hanggang sa maubusan ako ng boses..ng di ko na mabanggit ang pangalan mo..
gusto kong BUMYAHE hanggang makarating sa lugar na kung saan malayong malayo ako sayo..
gusto kong MATULOG kasi alam ko sa pagtulog ko panatag ako, at di kita kailangan problemahin..
gusto kong UMINOM ng maraming marami.na tipong sa sobrang pagkalasing ko di na kita maalala..
gusto kong PUMATAY..OO!! GUSTO KITANG PATAYIN sa isip ko!para wala na kong iniisip..

bakit ba ko ganito ngayon? siguro nahihirapan lang ako sa sitwasyon na pinasok ko..di ko naman masabi sayo na nahihirapan ako, kasi sa tuwing kausap kita wala ka naman matinong sinabi kundi  ''MAY GAGAWIN KA'' at sa mga oras na to malamang magkasama kayo..naiisip ko tuloy tama na.. para matapos na ang lahat..sana ganun kadali ..sana pedeng takbuhan lahat ng bagay na ayaw mo..

di ko na alam kung san dapat lumugar..unti unti akong kinakain ng pagmamahal ko sayo..pagmamahal na alam kong walang patutunguhan na dapat at dapat ng tigilan..tama sila kung mahal mo talaga ko ikaw mismo gagawa ng paraan para bumalik at hanapin kung asaan ako..siguro kailangan ko ng tumakbo..tatakbo palayo sayo..kailangan kong magisip..kailangan kong ibalik ang sarili ko na nawala nung nasaktan mo ko..

haay ang daling sabihin..sana kayanin ko..sana..kasi TAO LANG AKO..MARUNONG MAPAGOD..MAY BUHAY DIN AKO.. (di ko pa din alam gagawin ko..huhuhuhuh)

FUNYETANG LIFE TO!!!!
(at talagang F..hahahaha)

''eto nga pla yung surprise ko sa kanya nung wala akong pasok , kaya kami nagkaayos uli at kaya ako nging no.2..''

one wenesday evening..sinurprise ko siya..pag uwi ni palaka..eto ang bumulaga sakanya..



adobong chicken feet..nakakapagod magluto!

white roses sa bed nya..first time nya makarecvd ng flowers..
 .. ang saya saya nya, nung nakita nya yung flowers sa kama nya first time kasi na may nagbigay ng flowers sakanya..kaya nagulat sya..tapos saka ako nagpakita sakanya, kaya bigla nya ko niyakap..ang higpit sobra..sabay sabi thankyou..at hindi pa yun kasi pinaghanda ko din sya ng fav. nyang adobong paa ng manok at sinangag..saka kami kumain.. at napag usapan ang tungkol samin..at dun na nga ako pumayag na no.2 ..alam ko naman di nya pa kayang iwan bago nyang GF..MHAL NYA EH.at wala din syang sinabi na kaya nyang iwan yun...ayan lang ang mashashare ko ngayon.. ala ako sa mood..

Comments

  1. dahil dito, di talaga natin kung ano ang dapat sundin, ang isip ba o ang puso.... at sana nga madali lang talagang takasan ang ganito...

    pero kahit ano pa man sabihin ng ibang tao, kahit ano pang pagsuporta ang gawin ng ibang tao sayo, IKAW LANG DIN ANG NAKAKAALAM NG DAPT MONG GAWIN. It is your decision.. you know what will makes you happy!.. ^^,

    *smile*

    ReplyDelete
  2. bakit ganon? parehas na naman tayo ng sitwasyon! pero yoko nmang agawan ka ng spotlight,blog mo to eh, hehe..

    ReplyDelete
  3. tama ka jan leonrap! hahaha...apir!
    bongga ka gurl!natatawa ako, nadadala na ko ng emotion mo sa umpisa...tipong nagmumura tapos biglang banat ng kakikiligan...hahaha... pareho talaga tayo, tipong "ayuko na" tapos sabay "Mahal na mahal kita".. Shet! tara mag inom na tayo nila leonrap at nito ni iamsuperlisa! mga brokens! hehehe

    ReplyDelete
  4. ang daming tanong diba marekoy? at ang hirap sagutin?

    pero sa totoo lang, alam natin ang sagot sa bawat tanong, hindi lang natin matanggap ang tamang kasagutan. like sa sitwasyon mo, alam mo kung ang mali at tama. pero dahil hindi mo matanggap ang tamang kasagutan, ayun at take natin ang mali. and eto ang result diba?

    ah baste marekoy, tama ung unang comment, sarili din mismo ang tututlong sa yong sarili, hindi si isip oh hindi si puso, kundi ang buong sarili mo mismo..

    smile always marekoy... chhheerrrzzz

    ReplyDelete
  5. @rap: at dahil dyan sarili ko ngayon ang sinusunod ko..againts all odds..kami ngayon..:)

    @lisa: pede mo naman isahre dito yun..welcome ka magshare..:)

    @jheng:parang gusto ko ang idea na yan!tara inuman na..kelan???

    @parekoy: sama ka inom nalang tayo..nga pala gusto ko yung post mo na ''much better''

    ReplyDelete
  6. cheenee: ngaun ko lng nbsa toh ahahah aun andito lang aman kmi para basagin helmet mo eh kaso di pa nababsag cguro susuportahan nlng kita sa ngaun kasi alam mo din aman sitwasyon ko pero wag mo lng kmi sisihin pag may nangyaring di maganda dhil do kmi nagkulang sa pagpayo sayo pero lam mo aman ung lagi kong sinasabi db?? basta be happy and control lng wag ibigay ng todo todo hanngat walang kasiguraduhan kasi bka madurog ka na tlga.. at kumakanta ka pa ng i swa=ear ngaun?? lol

    ReplyDelete
  7. NAGDADRAMA BA ANG PALAKA??? TSK! TSK!

    ReplyDelete
  8. hahaha! go na go ha! cge tara! hahaha...

    ReplyDelete
  9. @carmi: salamat naintindihan mo ko.. kaibigan ka talaga,,syempre alam mo namn hobby ko na ang kumanta..

    NERO: MUKHA MO!!haha

    jheng: hahaha..san at kelan punta kami ni jobo..

    ReplyDelete
  10. hahaha..sabi na nga ba babalik-balikan ko ang page na toh! hahaha.... ano? seryoso?

    ReplyDelete
  11. @jheng: oo seryoso..walang halong biro..kelan nga?!go kami dyan..

    ReplyDelete
  12. nuh fb mu? hahaha... go din ako! sama daw si leonrap at clai...

    ReplyDelete
  13. sige.. saan ba tayo.. cheenee011589@yahoo.com

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...