Skip to main content

BOY BAWANG :))

''minsan kailangan lang natin tanggapin na walang permanente sa mundo, lahat nawawala, lahat nababago, nauubos, napapalitan,naluluma,nasisira para maging masaya''


best example:

1. parang pagkain lang yan..sa isang hainan, mauubos ang lahat,pero wag nating isipin na wala na, isipin nalang natin na nabusog tayo kahit wala na..

2. Lumalaki tayo kaya, ang mga danit gaya ng pantalon, polo,tshirt,short..kahit na sobrang paborito natin ang mga bagay na ito at ayaw palitan..kailngan..kasi kahit anong pilit natin di na ito magkakasya pa..wag natin isipin na sayang,bagkus isipin natin na kahit papano napakinabangan natin ang mga bagay at damit na yan..

3. parang ang kapaligiran..sabi nga nila dati daw walang mga matatas na building o mga mall man lang, pero tingnan nyo ngayon, naglalakihan ang mga building at napakaraming Mall..wag natin isipin na nasira ang kapaligiran, isipin nalang natin na nagkaron ng maraming trabaho at kung ano ano pa..

4. kahit ang mag asawa na kasal na.. at mahal na mahal ang isat isa.. dadating din ang pahanon na paghihiwalayin sila.. yun ang tinatawag na kamatayan..

**alam ko walang sense ang sinasabi ko, oo! kasi ala ako sa mood magsulat ngayon, isa lang ang gusto kong ipahiwatig, na dapat tanggapin natin na lahat ng bagay ay temporary lang..TAMA! lahat may hangganan..kahit ang mga bagay na imposibleng mawala ay mawawala sayo..kaya dapat bago pa natin mahalin ang mga bagay bagay at mga tao sa paligid natin, alam na ntin na saglit lang ito dadaan sa buhay natin..at kung mawala man ang mga ito.. isipin nalang natin ang saya na naidulot ng mga bagay na ito at ang mga tao na nakasalamuha natin..at hindi ang kanilang pagkawala..
:))

''di lang naman ikaw ang nawalan..nawalan din sila nung nawala kayo sa isat isa di lang nila napansin..''hahaha

ano daw?!hahaha..at ano ang connect nito sa pamagat?ewan ko.. naisip ko kasi   na magsulat habang kumakain ng BOY BAWANG..at parang halimbawa nito ang boy bawang na kinakain ko kanina lang.. WALA NA..UBOS NA..at naubos man ito, nasiyahan naman ang tyan ko, at tyan ng mga kateam ko, na nakihingi dito..
i lab you guys..:))

Comments

  1. Nyahahaha.. pengeng boy bawang.... Nagustuhan ko yung una mong sinabi.. yung 1... na kahit naubos na nabusog naman tayo... ang ganda nun.. ewan ko.. pero magandang meaning... dapat walang regrets...

    ReplyDelete
  2. haha..:)) salamat sa pagbisita.. o eto boy bawang!

    tama.. dapt wag na tayo magsisis kahit saan..

    be tnkful!

    ReplyDelete
  3. tama. enjoyin na dapat ang lahat ng abot ng ating kamay. nothing in this world is permanent.

    pero sa totoo lang, hindi naman talaga nawawala ang mga bagay-bagay sa paligid. nag-iiba lang ng anyo, o porma o komposisyon. parehas lang ng nasusulat sa law of conservation of energy: energy (or matter) cannot be created nor detroyed - nagcoconvert lang ito from one form to another. kaya yang boy bawang na kinain mo, hindi talaga yan nawala... imagine what happens to it now. XD hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha.. yung boy bawang na yan.. naging pataba na sa lupa..:))

    salamat sa pagbisita..

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...