![]() |
bainte... |
![]() |
dos.. |
magsulat ngayon, pero ayoko naman palampasin ang araw na to, dahil ito ang pinaka importanteng petsa ng
buhay ko, mas importante pa to sa people power kaya!..hahaha..dahil ng araw na to, ay araw na pinalaya ako ng nanay ko sa kanyang sinagupunan..(ano daw?)..
at kaya ito nagsusulat ako ngayon, gusto ko din balikan ang mag naganap sa 22 taon ng aking buhay.. pano
ko ba sisimulan..ehem..eto.. ako si peaches ann mas kilala sa pangalang cheenee, sabi ng mama ko, tinawag daw akong cheenee kasi nung pinanganak ako chinita daw ako.. pero ngayong lumaki na ko, parang hindi naman?!haha..at iyon na nga, samin nga pag may naghahanap na kaklase ko dati at natanong ang mga kapit bahay namin at ''peaches ng sinabi nyo na pangalan,isa lang ang isasagot nila..''walang peaches na nakatira dito''parang tanga lang..
nung kabataan ko sabi nila, BIBO daw ako..ehem blog ko to..wag kayong kontra..oo 2yrs old palang daw nag aral na ko ng daycare, at 3 taon ako sa daycare, wala daw kasi magalaga sakin nung bata kaya dun ako
dinadala..naging honor naman daw ako nun, at maraming nauwing award, magaling daw ako kumanta at
magdrama..naging Little MS.PROVINCE din ako sa lugar namin (
pumasok sa elementary, natutong magbasa,magsulat,tumingin ng oras,manghingi ng baon,
mangatwiran,magbulakbol,magsinungaling,umuwi ng gabi, makipagbarkada,(hahaha),at gumawa ng mga
kalokohan..o take note elementary palang ako nyan..pero ang totoo, naging mabuti akong magaaral sa
pinakamataas ang section ko lagi.ehem...umuuwi ng tama sa oras at di nawala sakin ang respeto sa magulang
at sa kapwa..(naks!)
pumasok ako ng highschool(malamang ano ba kasunod ng elementary?!)..at iyon na nga nahiwalay ako sa naging mga kaibigan ko nung elementary, kasi ang mama ko isa sa mga guro sa pribadong paaralan kaya dun ako pinasok di dahil sa mayaman kami kundi dahil LIBRE daw pag anak ng teacher..sa una nahirapan ako na makisalamuha sa mga bagong tao, pero nung tumagal naging okey naman,
ang pagkakatanda ko nung high school e sobrang payat ko, parang tingting..ang panget panget ko..as
in..pero ngayon ang taba ko na!mas lalo atang pumanget..hahaha.at nung high school din natatandaan ko
kinukutya ako ng mayayaman kong kaklase, kasi tuwing hapon may dala akong timba ng
kinukuha ko sa canteen namin para i uuwi sa mga alaga naming baboy na naging tropa ko na din.hehe..pero di ko pinansin mga pangungutya nila..hanggang sa lumaon eh nasanay na din sila sa ginagawa ko, minsan
nagbebenta din ako ng macaroons,brownies,empanada..magaling kasi magbake si mama(at talagang pinagmalaki ko pa)..gumraduate ako ng high school ng walang medalya..hahaha !di naman kasi ako nagaral na mabuti..ang importante sakin pumasa..
at syempre pumasok na ko ng kolehiyo.. ang gusto ko talagang kurso eh, ''LAW'' pero sabi ni mama baka daw magsawa akong magaral.. sabi nya nursing nalang daw, at dahil narin sa karamihan ng mga kaklase ko ay nagnursing nakisabay nalang din ako..gusto ko rin naman yun kahit papano.. pumunta ako sa city samin, dun nagaral, 1st year college palang humiwalay na ko sa mga magulang ko nagbording house,..salamat sa mga alaga naming baboy at nakapagaral ako sa magandang kolehiyo at natira sa magandang dormitoryo..sa
dormitoryo na yun nakilala ko ang mga tunay na kaibigan na tinuring ko ng mga tunay na kapatid..(nasan na
kaya sila ngayon?!)actually may contact pa kami sa isat isa medyo busy nga lang.. =)
nagustuhan ko na kagad ang kurso ko, bukod sa natutuwa ako sa uniform ko na kulay puti at mukha akong malinis, nakakatuwa din ang mga kaklase ko na ang gaganda at gagwapo.. napabilang ako nung 1st yr at 2nd year sa barkadahan na tinitingala sa kurso namin.syempre higher section uli ako..ehem.(matalino naman daw ako tamad lang..)at iyon na nga, kaya lang bigla akong iniwan sa ere ng barkada na yun..kasi???kasi yung isa kong barkada na gustong gusto ng isa kong barkada eh nagkagusto lang naman sakin..nagkampikampihan at hanggang sa iyon ako ang lumabas na mangaagaw..wala naman akong ginagawa..(parang mga bata)
dun ko natutunan na mas maigi pa na isa o dalawa nalang kaibigan ko, basta alam ko totoo sakin at di ako
iiwan..iilang piraso(
nung 3rd year ako, natututo na din akong umibig...naks..dati kasi di ko sineseryoso ang mga lalaking
ngpapacute sakin
at bumalik tayo sa love story ko..nainlove ako sa skulmate ko..7months kaming nagkatex at naging
magkaibigan,hanggang sa nawala sya dahil nagkasakit sya ng malubha, at pagbalik nya nahuli nya kong may kadate na iba.. pero date lang naman yun, at naexplain ko naman sakanya na sya ang
nakagraduate na nga ako ng college, nagboard exam at TAKE ONE! PASADO AGAD!(yabang ko nanaman).may titulong RN. nagtrabaho kagad ako pagkaboard exam ayoko kasi tumambay..at mas pinili ko magtrabaho sa manila para makasama din si PALAKA na niloko ako..(ang bitter ko diba)..
maraming ngyari sakin sa loob ng 1 taon at walong 7buwan na pagtatrabaho ko..maraming nakilalang tao..pero aaminin ko sa mga panahon na yan isa lang ang minahal ko..
naging VAMPIRE din ako ng mga panahon na yan at hanggang ngayon, gsing sa gabi tulog sa umaga, pero ala akong bisyo. ,naenjoy ko ang pagcacallcenter..pero baka bukas o sa isang araw tanggapin ko na ang offer na magvolunteer sa isang mental hospital samin.. hmm..pinagiisipan ko pa. pero dahil kasi magcocollege na ang kaisa isa kong kapatid,gusto ko ako magpaaral sakanya at ayoko umasa kay mama..at kung itatanong nyo kung nasan ang papa ko, nasa bahay namin.. grde 5 palang ako nung nastroke sya..ok naman sya ngayon..di lang pede magtrabaho..
at ngayong BDAY ko.. nais kong ibahagi ang storya ng buhay ko, na punong puno ng kulay na minsan nasa taas minsan nasa baba.. aaminin ko di ako masaya ngayon dahil sa
baente dos palang ako.. maraming pang bday ang dadating..:))
whew....bday wish ko..sana...hmmmmm..PUMAYAT NA KO ULI.. KAHIT KONTI LANG..at sana bumalik na sya..or kung di man, dumating na yung taong kaya akong mahalin at di ako lolokohin at
iiwan..di naman ako choosy yan lang requirments ko..
teka.. sabi ko kanina tinatamad ako magsulat..so tinatamad pa ko ng ganitong kahaba ang nasulat ko..pano nalang kung sinisipag pa ko?!hahaha..
happy brthday to me..:)happy birthday happy birthday happy birthday to me..:)) wala naman magarbong handaan dahil may trabaho ako at magisa ako dito sa manila..icecelbrate ko nalang ito dito sa blog ko..:))
![]() |
cake ko (in my dreams) |
gusto mo kong regaluhan?simple lang click mo to..(taba awards 2010) at iboto mo ko..
salamat..:)
...alam mo ba bex pareho tayo....may mga lalake din kasi na nagkakagusto sa akin hahahahaha
ReplyDeleteWaaaaahhh.. hindi ko pa nasusubaybayan lab story niyo tas wala na pala kayooow... huhuhu...
ReplyDeletenohw ba yan.
HAPPY BIRTHDAYYY!!!! Sana kahit wala siya.. at kahit di ka makatanggap ng cake na hugis palaka eh maging happy ka pa rin sa birthday mo!!!!!!
mukhang may bago nnmn akong blog na susubaybayan a..^^
ReplyDeleteHappy Birthday marekoy...at 22 anyos ka lang ha... titulado na..
ReplyDeleteat hhhmmm, enjoy mo muna ang career mo bago mo isipin ang palakang un.. darating at darating un marekoy
hapopy birthday muli sayo
hindi ko na po papatagalin pa. happy bday sa iyo. ^_^
ReplyDelete@kamila: hahaha..buti nalang di mo nasubaybayan lovestory ko..bka maiyak ka lng din.naibahagi ko naman sa ''its up to you ang storya ng paghihiwalay namin eh.pag may time ka basahin mo nalang din:))mamats.hehehe.
ReplyDelete.ala ng ko natanggap na cake..pero okey lang dami naman bumating mga palaka kagaya nyo at sapat na yun..:))
@anonymous: welcome po kayo dito..:)
@istambay:parekoy salamat..titulado lang naman ako..pero ang gusto ko titulo ng lupa..hahaha
@kilabotz:salamt sa pagbati..:))
@kamilka: eto pa isang lovestory ko na naisulat kung gusto mo basahin..basa lang..
ReplyDeletehttp://kwentongpalaka.blogspot.com/2010/12/past-is-pastjust-wanna-share.html
akala ko mas matanda ka sakin... mali pala ako.
ReplyDeletewala talagang kwenta mag-isip utak ko. ahaha...
Great post thaanks
ReplyDelete