Skip to main content

its up to you..

para kong kanta na kulang ang nota..
para kong ulam na walang sahog..

para kong radyo na walang tugtog..
para kong tv na walang palabas..
para kong cholate na walang tamis..
para kong paruparo na walang kulay..
para kong jip na walang gulong..
para kong malaking TANGA ngayon..


nakikita mo ba??para kong buo pero kulang..
kulang kasi wala kana sa buhay ko..
na nagbibigay ng nota sa mga kanta ko
na nagbibigay ng sahog sa buhay ko
ng palabas para mapangiti ako
ng kulay sa arawaraw ko
ng gulong para di ako tumigil lumaban..


asaan kna?!!tuluyan naba tayong ganto..
MASAYA KANA..PANO NAMAN AKO??

dito nagsimula ang lahat..
.. im on halfday, cause im not feeling well first time ko mag vto, I love it.. i want to go home early, para sopresahin ko si palaka  ..kasi miss ko na sya..kasi di kami nagkita ng wekends  kasi umuwi ako sa province.. im really not feeling good, kasi pagod s byahe, kaw ba naman bumyahe ng 5hrs going to province and 5 hrs going back here  in just around 24hrs..nagpasama pa kasi si mama kinabukasan para magdivisoria..haay..
sa sobrang pagod ko i decided to have a halfday sa work.. going to palaka's house, ang hirap sumakay, me and my workmate spent like 1hr waiting for a jeep , tapos nagdecide na kami  magtransfer nalang para makasakay agad, bumaba ako sa pasig then ride again a jeep to antipolo, almost 1 hr na byahe, then wait ng konti para sa tric.. at 2:00.. DUN NA NAGUNAW ANG MUNDO KO!!

yah, i thought i would suprised palaka but it came out in a different way, kuya nya nagbukas ng gate for me, pagpasok ko sa bahay momy nya nag open ng door.. parang may something na nagtutulak sa kin na tingnan ko cp ni palaka.. and my something  na bigla akong kinabahan..
at iyon na nga, i checked the phone.. and to my surprised..

1st tex msg
sender: bes

opening....
salamat sa binigay mo, nakauwi kana ba?
2nd tex msg
kinuha ko saya sa plastic pero binalik ko uli, kasi dadalin ko sa bhouz eh..
3rd txt msg
binasa ko nga uli yung letter eh..
4th tex msg
bahala na sa sunday pagnagkita tayo :)
5th tx msg
sender: buddy(close friend ni palaka na kasabwat din)

kahit naman sabihin nya ng sabihin na gusto nya ko di pwede kasi attached sya sa iba ayoko naman lumabas na kontrabida-text nya
6th tex msg
sender:buddy
natatakot ako ayokong mafall kay j*****
7th tex msg:
sender: bes
still up lunch ko?!!:)

..at iyon na nga, i tryd to checked the sent items pero deleted na eh..halos manlamig ako, di ako laam pano magrereact, denial nung una.. at nagtatanong sa sarili kung sino yung bes na yun..dahil ang alam ko okey kami, wala kaming problema at masaya kaming nagmamahalan..ang di ko alam.. OKEY DIN PALA SILA..
i went sa room nya hinug ko sya, nagulat sya at sabi,''bakit ka andito?'' sabi ko lang,, bakit ka nagulat? pinauwi ako ng maaga ng boss ko'', at saka pinakita ko ang cp nya na nakaopen na ang message na sumira ng buhay ko..

na shocked xa!.. lumabas ako ng room nag punta sa sala, at dun sa sofa, bigla nalang tumulo ang luha ko, luha na wala na atang balak huminto.. habang sya nasa kwarto, at natahimik bigla.. ng mga oras na yun. di ko alam kung ano na ba talaga.. ang daming tanong naglalaro sa isip ko,,

bakit may mga ganung tex??
bakit nakuha nyang magkagusto sa iba?
pano sila nagkakilala?
ano yung sulat at yung nasa plastic?
kelan ngyari?
saan?
bakit may ganun?
ano na ba?
bakit ng mga oras na hindi nya ko tinetex at sinasabi nyang may ginagawa sya eh un ung oras na katext nya si bes..
at ang huling tanong na ayaw ko malaman ang sagot..
SINO SI BES?????sino ang tao na minahal ng taong pinagaalayan ko ng buhay, sino ang taong sisira ng pasko ko?sino ang tao na binigyan halaga ng taong pinakaimportanteng tao sa buhay ko..
SINO SYA!!

wala kong ginawa kundi umiyak..umiyak ng umiyak..hanggang sa lumabas sya ng kwarto.. kaunting salita lang ang lumabas sa bibig ko..
''bakit?''
''kelan mo balak sabihin?''
''bigay mo ba yung binili natin na teddy bear?
''alam mo ba na sobrang sakit?''
''pano mo nagawa sakin to?''

sa lahat ng katanungan ko ala syang nasagot, hinawakan nya balikat ko, pero nilayo ko ang sarili ko, sa sobrang sakit nakalimutan ko kung sino ang katabi ko ng mga oras na yun, bagkus ang nakikita ko ay isang hayop na mukhang maamo pero may maitim na budhi..oo..takot na takot ako sa kanya ng mga oras na yun. bumalik ako sa pagkabata, na nangangailangan ng kahit sinong tao na ililigtas ako sa mga oras na yun..
at sa kagustuhan kong makawala sa sakit at pait ng pangyayari, umalis ako ng bahay nila.. umuwi ako sa dorm.. may isang oras din ako naghintay ng triccle,dahil nga sa bundok ang kanilang bahay, di ko kayang lakarin hanggang sa  sakayan ng jip..
at sa awa ng Diyos nkauwi ako, pero simula ng lisanin ko ang bahay nila, sa triccle, sa jeep hanggang sa paglakad sa pauwi di na tumigil ang luha ko..di nya ko nagawang sundan, ang tanging naalala ko lang eh, nung palabas na ko ng gate nila, ang sabi nya wag na daw muna ko umalis dahil wala akong masasakyan..at eto ang sinagot ko sakanya bago lumabas ng gate..
''PUTANG INA MO J****!!!!!!
sabay sara ng pinto,..

nsa kwarto ako, at nagisip.. pinagtagpi tagpi ko ang lahat ng pangyayari..nag xmas party sila nung linggo kasama ang mga barkada, at andun si BES, sabi nya nung sabado nung nagpunta kami sa mall at nasa toykingdom kailangan nyang bumili ng laruan para sa inaanak nya..pumayag naman ako at natuwa, may kinuha syang teddy bear..sabi ko cute sya, ako pa nga namili ng kulay, at ang pagkakatanda ko, nghiram pa sya ng pera sakin kasama na ang pinambili nya dun..
tuwang tuwa sya nung nabili nya ang stufftoy na yun, pero dahil sa wala naman akong idea sa kalokohang ginagawa nya..yun ang teddy bear na binigay nya kay BES.. na sinamahan nya pa ng sulat, na minsan nya lang nagawa sakin sa tinagal tagal ng pagsasama namin, 1st monthsary nya lang ako nabigyan ng sulat,ang masakit pa nito, ang sulat ang pinakaasam asam kong regalo mula sa kanya, ayoko ng material na bagay..
sa pagpapatuloy ng pag iisip ko..naisip ko din na kaya pala ayaw nya kong isama sa party na yun dahil andun si bes, na kaya pala bihira nya ko itext dahil sa globe sya nagloload..

 nakakatuwa din na nung nag divi kami ni mama, at buong araw kong iniisip anong magandang regalo sakanya..sya nagpapakasaya sa BES na yun.. naka 20X ata akong tawag sakanya nung araw nayun..hanggang sa 3pm nagtext sya na nakauwi na sya..magdamag sya sa party, anong ginawa nila dun? kasama pa si BES!! PUTANG INA TALAGA!! di ako marunong magmura ngayon lang, di ko lang maitago ang nararamdaman ko..
di ako natulog magdamag..nagiisip lang ako, kahit pigilin ko isipin sya, di ko magawa, brain is really involuntary..
hayyyyyy..
i tryd to call palaka.. no ones anwering.. 5am..
i texted palaka..
''sya ba o ako??''

hanggang sa magumaga na im still crying i did sleep pero sya pa din nasa panaginip ko..hanggang sa nagising ako im still crying, im waiting for the response..to my question..
wala talga..
tinawagan ko ang common friend namin, sabi nya, wala daw sya masabi, kasi alam nya mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon kasi naranasan na nya, sabi na lang if iwanna cry then cry out loud..ok lang daw, but kung mahal ko pa daw dont give up, unless siya na ung gumivup para samin.. sabi ko nga, im still waiting for the response.. ang kailnangan ko lang mamili sya..para matapos na paghihintay ko, para yung time na iniiyak at iniisip ko e ginagamit ko nalang to move forward..
then 2:30pm.. i receivd a text mesage
galing s kanya,,

''im sorry, nagugustuhan ko na sya.. you dont deserve this''

tinawagan ko sya, nagmakaawa, ilang ulit ko syang tintanong kung sino pipiliin nya, then no response again, tahimik lang ang linya..tanging iyak ko lang at hikbi ang maririnig..
i asked again..mahal mo ba sya???
no response..
i repeat the question in a different way..
''mahal mo pa ba ko''???
to my surprised..di nya nasagot, ang paulit ulit nyang sinasabi na mahal na mahal nya ko nung isang araw at nung isang gabi, nagayon di man lang nya magawang sagutin..
sakit!!SHIT!!as in..
sabi ko sakanya, bumalik ka lang kakalimutan ko lahat, magsisimula uli tayo,alam ko tao ka lang wer not perfect..at kung sya pipiliin mo,ok lang i'll accept it kung iyon magpapasaya sakanya..
wala syang nasagot..kahit ano..tinanong ko sya, kelan nya ko balak lokohin?sabi nya ''im sory di pa naman ako gusto nun''.. sabi ko sakanya,'' so pano kapag gusto ka na nya? dun mo na ko iiwan..''

''sobrang selfish mo di mo man lang inisip nararamdaman ko, una kaw nakipaghiwalay dati, nagyon lolokohin mo naman ako? ikaw ang nakipagbalikan..sana di mo nalang ginawa..ok na ko nuon eh..now?wat? u ruined everything..

yan ang mga nasabi ko sa kanya.. still di sya nakasagot..i dropped the call na..
at tinext ko sya agad..sabi ko, sana wag na nya ko pahirapan mamili na sya..at sana sa pamimili nya i consider nya lahat ng bagay..
nagreply xa..
''im sorry gusto ko na talaga sya,.ayoko masaktan kta ulet..panu pagngyari uli to..baka di na talaga tayo para sa isat isa..''
sabi ko..
pls come back.. ayusin natin lahat, siguro naman di mo na hahayaan na mangyari uli to diba??pls..mahal na mahal kita..bumalik ka lang,,

halos mukha na kong tanga, para lang magmakaawa na piliin nya ko..pero wala talaga..

last tex mesage i recvd galing sakanya:
''baka eto mas makakabuti para sating dalawa''im sorry..

nagreply ako,.
''kung yan desisyon mo...ok po.. basta hope u'll be happy..im still here, sana balang araw bumalik ka, kasi mamimiss ka nila panda,kulet at stitch..ayaw nila mawalan ng daddy, i'll pick up my things after new year sa bahay nyo,ung mga damit ko..salamat sa lahat..

at iyon na nga..sometimes u cant force a person to love you back kahit sobrang dami mo ng naibigay at nagiv up sa tao na yon.. di mo naman pwedeng isumbat yun dahil ginusto mo yun.. now, im still hurting inside no words can describe how much it hurts..naisip ko, kahit wala na kong tulog,makapunta lang ako sa kanila dati ginagawa ko, kahit pagod na pagod ako mapaglaba ko lang sya masaya na ko kahit ikakain ko nalang ibibili ko pa ng things na magpapangiti sa kanya..haayyy..
di ko pwedeng sabihin lahat yan..ginusto ko yun..wala na sya..i should start my life again..
salamat nalang sa maagang regalo..para sa pasko, sa bagong taon..at sa nalalapit na bday ko..
at sa sa BES na yun.. im not mad at you, at ayaw na rin kita makilala,alam ko wala kang kasalanan..nobodys perfect..

Kay Papa GOd..salamat po, di nyo hinayaan na lokohin at gawin akong tanga ng matagal na panahon..i know You have plans for me po..

haayyyy.. 4 na tao ang nakarelasyon ko..the other 3 left me because of valid reason..ikaw?! sinaktan mo na ko ng una, at inulit mo ngayon..handa akong magpakatanga para sa pangatlo..kung babalik ka..
tanga na kung tanga..pero mahal kita..

sober...:((

Comments

  1. roselle nava?...wag naman gurl...magtira ka nang para sa sarili mo...love and fall out of love all over again para pag nahanap mo na yung para talaga sa yo alam mo na kung ano ang dapat at hindi dapat gawin...move forward...and be more beautiful...always remember that being beautiful is the best revenge you can do....

    ReplyDelete
  2. this is really familiar talaga palaka! ganitong ganito ang nangyari sken 4mos ago.. nagflashback sken lahat.. grabe! super!

    i cant blame you sa pagpapakatanga at pagmmakaawa skania na bumalik xa sayo.. i did that before din.. mas malupit pa sa mga sinabi mo.

    pero wala acung pinagsisihan, that's the best part of it..

    tama ka kanina, gwin m na lahat ng magagwa mo para in the end wala kang pagsisihan..

    bsta know your WORTH okai? yan ang lageng cnsbi sken no DANE noon, nung di pa kme. hndi mo kawalan, kundi kawalan nia. nagiisa lang ang CHINI sa mundo..

    magiging happy ka din.. mgugulat ka nlng cause one day you'll wake up na tatawanan na lang ang nakaraan at lahat ng mga nagawa mo ngayon..


    just cry.. until mapagod ka..

    (nobela ito! haha)

    ReplyDelete
  3. @jobo: tama ka maging maganda lang..pero i dont want revenge,gusto ko maging happy sya..habang ako im continuing to find my happiness..:))masakit pa ngayon sariwa pa eh..

    @tara: well look at you now?!masaya kana sana ako din somedy..its sad nga lang kasi perfect timing..pero i know kaya ko to, okey lang pakatanga, napasaya nya din naman ako nung AKIN PA SYA>>

    ReplyDelete
  4. i know what you feel giving everything in return is pain and sadness..pero i know God will not give you this sitution if kung alam nya na hindi mo kaya..Kung nakaya ka nya saktan ipakita mo na hindi un ang end but it would be a start of a better you and a stonger gurl...hehehe..

    ITO LANG MASASABI KO KAY J****( ITS NOT YOUR LOST GURL.. ITS THAT GURL J*** LOST.. SHE LOST A TREASURE THAT IT HARD TO FIND)

    ReplyDelete
  5. BE HAPPY GURL..SHE DONT DESERVE YOUR TEARS..MAYBE SHE IS NOT THE RIGHT ONE FOR YOU..

    ReplyDelete
  6. this is tragic. i hope you get better soon.

    ReplyDelete
  7. Kokak! I like you! Hay be strong! Alam mo, I've been in your shoes, one year ago... My ex boyfriend, na akala kong papakasalan ko na dahil four years na kami, ubod siya ng gwapo, mahal ako ng pamilya niya, at mahal namin ang isa't isa, ay niloko rin ako ng hindi lang isa, ndi lang dalawa, kundi apat na beses. I was three-timed dun sa third time na niloko nya ako, and still pinatawad ko siya. Time came that someone came into my life and made me realize that, I DO NOT NEED TO BE PATHETIC TO BEG FOR HIM TO CHANGE, OR WAIT TIL HE LOVES ME, because someone out there CAN love you, ng ikaw lang, ng ikaw lang talaga. And so I'm here to let you know that its so normal to have a broken heart, to be cheated, and to move on. Kanya kanyang lovestory lang yan. Wag ka magtiyaga sa lalaking di ka kayang mahalin ng ikaw lang, di mo deserve magkaron ng kahati. May handang magmahal sayo ng ikaw lang ang mamahalin niya at kuntento na siya dun. Okay? :) I hope I cheer you up with this... God bless you! Take care! :)

    ReplyDelete
  8. @judy: salamat po..alam ko magiging mahirap sa simula..pero kakayanin..unti unti mababalik din ang nadurog na puso..nahihirapan lang ako mamulot ngayon at buuin..sobrang durog eh..

    ReplyDelete
  9. ...at dahil dyan bex...nominated ka sa best emo post of the year sa taba awards!!!! hahahaha

    ReplyDelete
  10. bakit naiiyak ako??? ahahaha... pang MMK to ah... be strong po!....

    ReplyDelete
  11. @rap: haha pang mmk talaga..

    at dahil dyan kasali ako sa finalist.. paki suportahan naman for best emo post heres the link..paki hanap nalang ang category.. kwentong palaka its up to you..

    http://adodcespresso.com/taba-2010/taba-finalists/

    ReplyDelete
  12. namputsa! sobrang familiar! hands down!
    idol na kita,nadale mo!
    okay lang yan,kayang-kaya mo yan.

    ReplyDelete
  13. @superlisa: haha..talagang idol huh?idol sa katangahan..hehehe salamt..

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...