Skip to main content

SUGAT..BASO.. PALAYOK...(keme)

.. minsan ang tiwala.. pag nasira.. mahirap na talaga ibalik..sabi nga ng marami, parang baso lang yan  kapag nabasag kahit mabuo mo pa, may lamat na..

pero hindi naman tayo baso.. naihalintulad ko lang naman eh..hehehe..pero tama nga naman mahirap talaga ibalik ang samahan kapag nasira na ang TIWALA.. maibalik man mahihirapan na din maging katulad ng dati, kasi tao ka lang naman di na maiiwasan ang pagdududa lalo na kung minsan ka ng niloko, pinaglaruan na naging dahilan sa pagkasira ng tiwala..
halimbawa na nga lang yung kaibigan kong itago nalang natin sa pangalang palaka.. etong si palaka kasi nainlove sa kaklase nya, syempre naintindihan ko sya dun, tao lang sya at may puso din.. ang mali nya nga lang eh jowa nya ang isa sa mga kaibigan o barkada din namin..mga isang buwan din namin na tinago ang kahat sa barkada namin.. kasi nga naman kapag sinabi namin baka sabihin pa na nanghihimasok kami, saka problema na nila yun..pero makalipas ang isang buwan nalaman namin na hindi lang pala sya inlove sa kaklase nya, kundi magiisang buwan narin palang ''sila'' oo sila..s a ganitong sitwasyon.. di ko alam kung san lulugar.. kung sasabihin ko ba sa jowa nya na barkada ko ang ngyayari o hahayaan nalang..

minsan naiipit tayo sa sitwasyon na ganyan, na kailangan mamili sa tama at dapat o sa mali pero iwas gulo..
at ganito ang napagdesisyunan din namin magbabarkada..
kinausap namin si palaka.. at pinayuhan namin dapat syang mamili, hindi pwedeng dalawa, dapat may iletgo sya na isa,
pero ayaw ni palaka.. sabi nya makakasakit daw sya, sabi namin.. oo makakasakit ka, pero dapat mong tanggapin kasalanana mo yan.. at kung di pagppapatuloy mo pa ang kalokohan mo na yan..kami na ang magsasabi sa jowa mo ginagawa mo..

sa takot nya.. iniwan ni palaka yung klasmate nya.. at humingi ng tawad sa jowa nya.. sinabi ang lahat at nangakong magbabago na.. sa una nagalit si jowa nya, pero tinanggap pa din sya.. pero gaya nga ng baso,, may lamat na ang samahan nila, hindi na ganun kasaya at sa lahat ng gagawin ni palaka ay may kasamang paghihinala na..matagal tagal din na ganun sila, hindi na sweet, hindi na sabay kumain..

nakita ko  ang paghihirap ni palaka para maibalik ang tiwala sa kanya, ng jowa nya, at syempre kami din.. kasi kahit mismong kami na kaibigan nya e pinglihiman nya..at sa kabilang banda, nawala din ang tiwala samin ni jowa ni palaka kasi aminado naman kami na kahit papano sa simula plang kinunsinti na namin yun..

umabot ng taon.. bago maibalik sa dati ang lahat, minsan nagmumukha ng tanga si palaka, umiiyak magisa..pero nakita namin na nagbago na talga sya..at iyon naging ok na lhat..unti unti bumalik sa dati ang samahan..

at hanggang ngayon sila padin ni palaka at si jowa..:))
hmmm naisip ko lang....
pano nga ba maibabalik ang tiwala? ako? di ko rin alam.. masasabi ko na hindi ako perfect na tao sometimes nagkakamali din ako, may mga tao din akong nasaktan, o napaglaruan, tao lang din ako, at walang taong perfect, ano ko?! superhero?? hehe pero pwede din..pak!

pero lahat tayo ay may pagkakataon para bumawi, oo mahirap nga ibalik ang  nasira na, pero pedeng magtiyaga hanggang sa maibalik ang lhat.. parang paggawa lang yan ng nabasag na palayok.. sa mahabang pagtitiyaga at magiging makinis at pulido na uli ang lahat..:)

TIMES HEALS EVERY WOUNDS..
at walang sugat na hindi gumagaling.. :))

Comments

  1. agree ako sa last sentence mo...pero remember ang sugat kapag gumaling...may peklat na, like ng baso kahit buuin...may lamat na.

    salamat sa pag-follow. asteeeg!

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...