Skip to main content

bwisit ka!!!!

ang eksena:
nasa office ako.. huling tex mo 2:00pm pa..anong oras na 8:00pm medyo hindi namn katagalan pero nakakainis lang di mo man lang makuhang magtext..oo alam ko pumayag akong maging no. 2..(oo tanga na) at sabi mo namn kasi gagawin mo lahat para mapasaya ako kahit ganito set up..(oo naniwala naman ako) oo sige na..ako na!!!ako ng martir..ako ng tanga..ako ng baliw..at ewan ko ba..sana lang magising na ko na hindi na  kita mahal!punyeta!(pwede nman siguro magmura dito??)haaayyy..


ano na nga ba eksena??ganito yun tinawagan ko si palaka..dahil avail naman kami meabing walang calls..

ACTION:
(nagriring na phone nya)

palaka: BAKIT??(pagalit pa)
ako: hello beb..san na kayo??(pa sweet)
palaka: bakit??(pagalit uli)
ako: ahh wala lang di ka kasi nagtex na..nakauwi naba kayo?(pa sweet)
palaka: WALA AKONG LOAD NA..pauwi na kami.(pagalit uli)
ako: ahh ingat kayo..(at di pa tapos ang sinasabi konagsalita na sya)
palaka: sige na..bye..(sabay patay ng linya)
ako: PUNYETA KA! IKAW NA NGA TINATAWAGAN IKAW PA GALIT!HELLO?! KAHIT NAMAN NO. 2 LANG AKO GF MO PA DIN AKO DIBA??AT NAGTANONG KAPA KUNG BAKIT AKO TUMATAWAG??MALAMANG KASI DI KA NAGTETEXT.. NI HI NI HOY..SANA NAMAN KAMUSTAHIN MO KUNG BUHAY BA KONG NAKARATING SA OFICE MAN LANG AT HINDI BUNGAD MO ''BAKIT???''NAKAKAINIS!!!!!BUSIT KA!!!

di ko kayang sabihin sakanya ng personal yan..kaya dito ko dinaan..alam ko namn ako din may kasalan bakit ako nahihirapan, kasi?!pinipilit ko pa kahit wala na..wag akong magdedemand kasi di naman ako NO.1..at nasa akin naman din ang desisyon kung susuko na o patuloy papahirapan sarili ko..

ngayon aaminin ko di ko pa kaya..pasalamat ka MAHAL KITA PUNYETA KA!!!!!!!

PS
sa mga magtatanong at sinusubaybayan ang blog ko..opo tama kayo nagkabalika kami ni palaka..pumayag akong no.2..at saka ko na kekwento kung pano kami nging ok at nagkaayos..ayoko magkwento ngayon dhil obvious naman na bwisit na bwisit ako ngayon..at ala ako sa mood magkwento ng katangahan ko.

.i thankyou bow!


Comments

  1. SHET! as in malaking SHET! Hindi dahil naiinis ako sayo, kundi dahil naranasan ko din yan! at eto ipinaglaban, halos mag two years na, di pa rin totally winner... andami ng pinagdaanan...sabi nga "ang pag ibig parang cp na nahulog sa inidoro" mkukuwa mo lang kung meron kang lakas ng loob. SHET! hahaha...peace... ramdam kita! kokak!

    ReplyDelete
  2. http://heavenknowsmj.blogspot.com/p/chuweetwoot.html

    ReplyDelete
  3. @jhengpot: salamat..isa talagang malaking shet!hirap no? tanong lang 2 years kanang no.2???

    ReplyDelete
  4. haaayyy wish you all best of luck sa desisyon mo... basta wag ka lang susuko ah...

    check mo to, para maiba naman mood mo. heheh

    http://leonrap.blogspot.com/2011/01/makikiuso-na-din-ako.html

    ReplyDelete
  5. cheenee, marekoy.. hmmmm nakakabwisit nga, pero sige next time na lang ako mag comment about sa post mo.. basta... ay may entry nga pala ko dapat tungkol sa love na yan.. opinyon ko lang naman, i post ko na lang siguro next week.. sana mabasa mo...


    chhheerrrzzz marekoy...

    ReplyDelete
  6. hindi no...no. 1 at only one na ko, pero kumplikado pa din... kasi di ako tanggap ng family niya, they treat me like "kabit" nun bf ko, kahit di naman cla kasal nun ex niya...june(2009) kami nag start, pero umabot ng december clang dalawa bago maging kami talga...tapos aun, ng dumating ang february, nalaman ko sa IBA pa na nabuntis niya c ex, bago cla magkahiwalay nun december. by that time 2 months ng buntis c ex niya... guho mundo ko teh! pero pinanghwakan ko ang pangako,assurance at pagmamahal niya...kaya eto, halos magrambol-rambol kami ng family at ex niya... lam mo gusto kita makachikahan! hahaha

    ReplyDelete
  7. iba talga nagagawa ng pag ibig ano? hehehe . kaya mo u yan. tandaan mo what u deserve is always ur choice ^_^

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  8. hayy...pde ka na ipako sa krus...sa pagka martyr
    sana dumating na yung knight in shining armour mo
    pra iligtas ka sa bigong pagibig...(naks!)

    you need a hero!!!!!!

    you have been awarded!!!!

    http://claimundslife.blogspot.com/2011/01/stylish-blogger-award-yayyyyyy.html

    ReplyDelete
  9. rap: sana ng kayanin ko..medyo ang hirap nga eh..haaayyy

    isatambay: hintayin ko ang post mo na yan..parekoy..:))

    jhengpot: hmmmm.. ang complicated nmn maxado..whew..sana ng e can talk more..pede ko bang ibagy no. ko dito??(092287732**) ay ganto nalang..bigay mo email mo..hehehehe

    clai: salamat sa award..natuwa naman ako..at kung sino man ang hero na yun, magpakita sya!!lumabas na sya..hehe

    ReplyDelete
  10. @kilabots: hehehe..tama ka..

    ReplyDelete
  11. HAAY NAKU PARTNER!!!!HIDI KO ALAM ANG SASABIHIN KO PERO BASTA MALAKI KANA PARTNER AT YOU KNOW WHAT IS RIGHT AND WRONG..DAHIL SA LOVE WALANG TAMA AT MALI SA LAHAT NG DESISYON ANG IMPORTANTE PANINDIGAN MO ANG LAHAT NG DESISYON MO..BASTA NANDITO LANG AKO BEKS..FIGHT..FIGHT..FIGHT..BASTA KUNG TAWAG KALANG NANDITO KO PARA SA YO...HUWAG LANG PERA HA...HEHEHEHE..(JOKE)

    ReplyDelete
  12. sa fb na lang! hehehe
    emjhay_bentedos@yahoo.com.ph

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...