Skip to main content

Posts

patikim sa cheeskecake factory.. 🍴😂

So naisip kong buhayin ang inaamag kong blog sa mga experience ko dito sa Dubai.. mahigit isang taon narin ako dito, oo isa na kong certified na bayani! OFW pre! anyway masaya naman dito sa Dubai madami kang pwedeng puntahan, pero katumbas ng gala ay libolibong peso ang mauubos mo.. sa mga kabayan natin na nagtitipid at mahilig magconvert alam siguro nila ang sinasabi ko ngayon..  Marami na din akong napuntahan dito, nakauwi na rin ako ng dalawang beses sa pinas.. ooops hindi sa marami akong ticket pambili sa eroplano kundi sagot ng kumpanya ko yung una dahil namatay si erpat at ung pangalawa e dahil sa dugo at pawis ko. kung tatanungin mo ko kng magkano pamasahe sa eroplano ganto yun.. kung isa ka sa mtyagang naghihintay ng promo ng ticket makakakuha ka ng 1800-2100aed pamasahe balikan Emirates yan. sikat na eroplano at sosyal na eroplano sa UAE.. at kung ibang airlines naman siguro 1300-1800aed balikan.. pero kung tipid mode ka talaga e dun ka sa Cebu pacific na maka...

balik tanaw 2013

welcome 2014.. ngayon nga na bagong pahina nanaman ng taon ang kakaharapin ko, gusto ko munang balikan ang mga nangyari sakin nung 2013.. gusto ko isulat para may remembrance..isa isahin natin: 2013??? JANUARY : sinubukan namin magkabalikan ng x ko nagpunta sa laguna sa tagaytay sinubukan nya din akong pigilan paalis ng bansa. FEB : nagpasa na ko resignation sa company ko na apat na taon ko ding pinagtiisan.. MARCH : tuluyan ngang nakapagresign na ko sa dati kong kumpanya. at first time nakapagbakasyon ng medyo matagal sa probinsya. APRIL: okey pa din kami ni x, at nangako na kahit long distance relationship e pipilitin namin magpakatatag. MAY : umalis na ko ng bansa, hello dubai na ang peg ko. huling kita at yakap ko din kay papa. :( JUNE : di na nakayanan ni x ang long distance, we broke up for the nth time. at meron na kagad syang iba. JULY: nakahanap ng mga tunay na friends sa dubai (bagong flat, bagong friends kasama na si BHIE)  AUGUST: (1 )nagkasakit s...

vox cinema year end party @jw mariot hotel and a lot more!

wala naman ako masyado ma ipagyayabang, unang unang di ako nagenjoy sa party.. bakit?? kasi ala naman talaga program, parang pumunta ka lang dun and eat all you can, as in eat all you can dahil kakain ka lang talaga, in fairness sa venue sobrang sosyal, pag baba ko palang ng taxi may bellboy na nag assist sakin na parang gusto akong escortan hanggang papasok sa loob, sabi ko nalang "no thanks". kung tatanungin mo ko sa food?? sobrang sarap.. ang daming choices asian foods kaya familiar ako sa lasa, masarap pa dun e yung seafoods na sa harap mo mismo iluluto.. medyo konti nga lang nakain ko, ala ako gana eh. ang call time ng party e 7PM dumating ako 8:30, kasi ala talaga akong balak pumunta kundi lang kailngan, before ako pumunta sa party naka slippers lang ako, at sinamahan ako ni bhie na mamili ng shoes ko.. then ayun, speaking of party, pag dating kain lang then picture picture.. wear your movie character ang peg ng party since sa sinehan kami nagwowork., so ang peg ng g...

bukas na liham ni diana

dear kokak, (dear talaga?) itago mo nalang ako sa pangalang diana.. sumulat ako kasi? di ko rin alam, siguro gusto ko lang din ilabas ang aking nararamdaman dahil di ko na kayang itago to, feeling ko sasabog na ang pantog ko pag pinigilan ko pa.. pano nga ba nagsimula? ganito kasi yun,  nasa gitna ako ng eksena na may nagmamay ari na ng puso ko, na habang naglalakad ako sa isang sinehan, may nakita akong isang lalaki na nag patibok ng puso ko sa unang sulyap pa lamang. oo sabihin mo na na malandi ako, pero anong magagawa ko??di ko na idedetalye pano kami nagkakilala basta yun na yun, naging close kami ng lalaki, at habang tumatagal at lalo ko syang nakikilala e lalong nahuhulog ang loob ko sakanya, tao lang ako kokak. marunong lumandi at natutukso din.  hanggang sa isang araw, sumama ako sakanya sa isang party, na pulos pagsisinungaling ang aking ginawa para lang makatakas sa boyfriend ko. gulong gulo man nung araw na yun, mas nanaig ang pag ka gusto ko kay ryan sa lal...

random pics

patulan ang sarili

heto nanaman ako.. sa hobby ko na kausapin ang sarili ko, ang dami nanaman tanong na naglalaro sa isipan ko, na hindi ko masagot, mga katanungan na siguro alam ko naman pero nagbubulagbulagan at mas pinili na maging manhid nalang.. ramdam ko parin ang pait at sakit na buhat ng kahapon. sakit na di ata mawawala sa sistema ko.. bakit ba kasi hirap ako maniwala, at magtiwala.. palaging may takot na akoy iiwan muli gaya ng 5 na nagdaan.. bakit pilit pa rin akong humahanap ng butas para hindi madama ang pag ibig na tunay.. bakit pinapatay ko unti unti ang aking sarili sa takot na maulit muli, na di ko napapansin ang mga bagay na totoo.. alam ko nasa liwanag na ko, pero bakit pinipilit ko pa din na pumikit at makita ang dilim, mas pinipili na matalisod at madapa, kesa namnamin ang liwanag na hatid ng ngayon. napakasensitive ko sa lahat ng bagay, kagaya kagabi, na lumayo lang sya sakin dahil kaharap namin ang x nya pinag isipan ko na ng masama.. nung isang araw, na may bingay ang x n...