heto nanaman ako..
sa hobby ko na kausapin ang sarili ko, ang dami nanaman tanong na naglalaro sa isipan ko, na hindi ko masagot, mga katanungan na siguro alam ko naman pero nagbubulagbulagan at mas pinili na maging manhid nalang..
ramdam ko parin ang pait at sakit na buhat ng kahapon. sakit na di ata mawawala sa sistema ko.. bakit ba kasi hirap ako maniwala, at magtiwala.. palaging may takot na akoy iiwan muli gaya ng 5 na nagdaan.. bakit pilit pa rin akong humahanap ng butas para hindi madama ang pag ibig na tunay.. bakit pinapatay ko unti unti ang aking sarili sa takot na maulit muli, na di ko napapansin ang mga bagay na totoo..
alam ko nasa liwanag na ko, pero bakit pinipilit ko pa din na pumikit at makita ang dilim, mas pinipili na matalisod at madapa, kesa namnamin ang liwanag na hatid ng ngayon.
napakasensitive ko sa lahat ng bagay, kagaya kagabi, na lumayo lang sya sakin dahil kaharap namin ang x nya pinag isipan ko na ng masama.. nung isang araw, na may bingay ang x nya galing sa kapatid dahil bday nya, e nawala nanaman ako sa tamang ritmo at kumpas ng tugtog.. bakit kasi napakaikli ng pasensya ko, o sabihin na natin ayaw ko lang ng mga eksena na ganito, na nangyari na sa limang dumaan.. TRAUMA ba nag tawag dito? siguro nga oo.. kaya kahit masaya ang bawat pangyayari, na kahit anong pag papaliwanag nya sa mga nangyayari e di ko maintindihan, sarado na ang utak ko..
kelan kaya na mangyayari na magtiwala ako ulit.. na mabura ang takot.. takot na akoy iiwan muli.. gaya ng paulit ulit nyang sinasabi hindi sya kagaya ng mga nakaraan ko, dapat ko bang pang hawakan yun? kasi dati din yan ang pinanghawakan ko sa mga nakaraan pero anong nangyari?
hay.. alam kong mahal nya ko, pero minsan di ko maramdaman.. ewan ko ba. di ko alam kung ako o sya ang may problema, minsan kasi ramdam ko mahal nya pa din x nya.. o baka pakiramdam ko lang talaga.. kaya ngayon heto ako.. di umaasa na mahalin nya, pero mahal ko sya.. di ko alam na mali ba na mas gusto ko ako nalang magmahal.. ay pakshet.

okay lang ang makipag-usap sa sarili...wag lang makipagsakitan... i feel you girl... yan naman lagi ang worry ng mga nasa relasyon...security... maaayos din yan!
ReplyDelete