Skip to main content

vox cinema year end party @jw mariot hotel and a lot more!

wala naman ako masyado ma ipagyayabang, unang unang di ako nagenjoy sa party.. bakit?? kasi ala naman talaga program, parang pumunta ka lang dun and eat all you can, as in eat all you can dahil kakain ka lang talaga, in fairness sa venue sobrang sosyal, pag baba ko palang ng taxi may bellboy na nag assist sakin na parang gusto akong escortan hanggang papasok sa loob, sabi ko nalang "no thanks". kung tatanungin mo ko sa food?? sobrang sarap.. ang daming choices asian foods kaya familiar ako sa lasa, masarap pa dun e yung seafoods na sa harap mo mismo iluluto.. medyo konti nga lang nakain ko, ala ako gana eh.

ang call time ng party e 7PM dumating ako 8:30, kasi ala talaga akong balak pumunta kundi lang kailngan, before ako pumunta sa party naka slippers lang ako, at sinamahan ako ni bhie na mamili ng shoes ko.. then ayun, speaking of party, pag dating kain lang then picture picture.. wear your movie character ang peg ng party since sa sinehan kami nagwowork., so ang peg ng group namin, e great gatsby, kaya lang epic fail, kasi parang aatend lang kami ng ball.. at di ko naachieve ang look ni leonardo hmmm.. sabihin nalang natin na naging kamukha ko si bruno mars instead.. hahaha

heres some of the picture..

pics from QCC team


with our BOss batman and superman, and the whole team!




so ayan lang talaga nag party, mga bandang 9PM e nag award lang ng best costume, ang pagkakatanda ko si poison ivy ang nanalo, then sinundan ni pirates of the caribbean and last si captain hook.. sayang nga lang wala akong picture nila, dahil bukod sa wallet ko e bb lang dala kong cp, na walang flash.. (poor) or sabihin nalang natin na pumunta lang talaga ko para masabi na pumunta.

mas excited pa nga ko umuwi kasi monthsary namin kinabukasan ni bhie.. at iyon 9:30PM umuwi na din ako..at sila tinuloy sa hard rock cafe ang party party.. :)


at ako uwi agad.. and celebrate our monthsary together..

flowers for our 4th..




Comments

  1. Gustoko tuloy bigla ng hipon hahahaha oh well happy 4th senyo ni bhie. More moths and yars to come. Hahahaha

    ReplyDelete
  2. Merry Christmas!!! Aba, pasko na, di pa tayo nagkikita hahaha Kainaman ka!

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...