Skip to main content

wish less ni palaka..


ooppss.. magpapasko na ilang araw nalang , at di ako papahuli sa paglilista ng mga gusto ko matanggap sa pasko..hmmmm.. actually ilang beses ko ng iniisip ano ba talaga gusto ko matanggap ngayong pasko.. pero wala ako maisip.. feeling ko kasi kumpleto na lahat sa buhay ko..isa nalang kulang, ang makasama si papa sa pasko, na never na mangyayari..

pero ok lang, nawala man si papa at di na namin sya makaksama sa kahit ilang pasko pa ang dumating, may mga bagay at bagong tao naman na dumating.. para punan ang kalungkutan.. kagaya ni bhie na laging nandyan, at taong nagpapasaya sakin, si beb naman sa kapatid ko, ang gf nya na lagi din umaalalay sakanya, siguro sila ang mga minagic ni papa para di kami malungkot sa pag alis nya..

anyway.. speaking of regalo, ala talaga ko maisip, siguro simple things nalang in addition to my happiness now..

ang gusto ko sa pasko ay..

1. sana di na bugnutin ang babhie ko at mahalin nya lang ako forever..
2. reservation for 2 sa BURJ KHALIFA at the top (any sponsor?!)
3. makapunta sa Ferrari world!
4. magkaron ng 1 week leave..
5. maging maayos na ang sitwasyon ng mga nasalanta ni yolanda at wala na sanang dumating na ganun ulit sa pinas..
6. magkaron ng masayang pasko ang mga nasalanta kahit sa simpleng paraan.
7. mamulat ang mata ng gobyerno at tigilan na ang pangungurakot.

-----sana matupad..

material things naman..

1. gshock na ganito!

 GA-110RF-9A  G-SHOCK  LIMITED EDITION

2. onitsuka na ganito




at sa dami ng wish ko, wala pa kong maisip nyan ha..hahahaha. ayan lang muna gusto ko.. medyo mahirap hanapin ang dalawa na yan.. kaya gudluck nalang sakin yan reregalo ko sa sarili ko., pero ok lang na wala yan.. basta andyan lagi Bro at ginagabayan kami lagi. isang pamilyang buo at sama sama at kasama ko si Bhie sa pasko.. thats PRICELESS..

advance merry Christmas!

chos.- palaka.





Comments

  1. Merry Christmas! Sana matupad lahat ng wish mo! At hanggang ngayon eh di pa tayo nagkikita.. anong petsa na! Magpapasko na! hahaha

    ReplyDelete
  2. may bbm kaba kuya mar? bigay mo dto pin mo.. para magkita naman tayo.. haha

    ReplyDelete
  3. Sana matupad lht ng wish mo ! Yan ang wish ko sa pasko .. At pagnatupad yan balato ha hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. balato talaga?? parang tumaya lang sa lotto?

      Delete
  4. bet ko ung gshock... uunahan kitang magkaroon nyan... hehehe... mz u!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige post mo pag meron kana ha?? miss u too..

      Delete
  5. naks bex! wala lang, may masabi lang.. ahahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...