Skip to main content

bukas na liham ni diana


dear kokak, (dear talaga?)

itago mo nalang ako sa pangalang diana.. sumulat ako kasi? di ko rin alam, siguro gusto ko lang din ilabas ang aking nararamdaman dahil di ko na kayang itago to, feeling ko sasabog na ang pantog ko pag pinigilan ko pa..

pano nga ba nagsimula? ganito kasi yun,  nasa gitna ako ng eksena na may nagmamay ari na ng puso ko, na habang naglalakad ako sa isang sinehan, may nakita akong isang lalaki na nag patibok ng puso ko sa unang sulyap pa lamang. oo sabihin mo na na malandi ako, pero anong magagawa ko??di ko na idedetalye pano kami nagkakilala basta yun na yun, naging close kami ng lalaki, at habang tumatagal at lalo ko syang nakikilala e lalong nahuhulog ang loob ko sakanya, tao lang ako kokak. marunong lumandi at natutukso din. 

hanggang sa isang araw, sumama ako sakanya sa isang party, na pulos pagsisinungaling ang aking ginawa para lang makatakas sa boyfriend ko. gulong gulo man nung araw na yun, mas nanaig ang pag ka gusto ko kay ryan sa lalaking kakikilala ko palamang, kaya ginawa ko ang lahat makasama lang sa imbitasyon nya. at dala narin ng kalasingan, di ko na alam ang kagagahan ko at ang mga naganap nung gabing yun, basta namulat nalang ako nung umaga, na sa mga bisig nya ko nakatulog. umagang kay ganda!

alam ko napapa taas ang kilay mo ngayon sa kalandiang taglay ko, pero gaya nga ng inuulit ulit ko, tao lang ako., dumaan pa ang ilang araw at linggo pinagpatuloy namin ang lihim at maling pagibig, na kung pag ibig nga ba ang tawag dun kasi naman kagaya ko, may nagmamayari na din ng puso nya.

isang malaking kalokohan ang ginagawa namin pero, dumating ako sa point na desidido na kong iwan ang nobyo ko ngayon para sakanya, sinabi ko to sakanya, na umasa ako na sya din ay kaya nyang iwan ang gf nya, pero wala akong narinig na tugon, walang  pangarap o pangako man lang na magiging kami pagdating ng panahon.

napagod ako kokak na maghintay umasa sa wala.. masakit, kasi bakit ako kaya kong iwan ang 3 taon ko para sakanya, samantalang sya  di maipag palit ang SIYAM na buwan LANG?! ngayon pinipilit kong itama ang lahat, alam kong alam na din ng nobyo ko ngayon na saglit akong nagloko at lumandi, sa kabila ng lahat ay tinanggap nya pa din ako. sobrang mahal nya ko, pero ako di na sigurado sa nararamdaman ko. 

alam ko sa sarili ko na parte parin ng puso ko si ryan na saglit lang dumaan sa buhay ko, pero nagiwan ng malaking marka, minsan natutuwa nalang ako kapag tinatawagan nya ko, minsan pinipigilan ko syang kontakin, kasi ako nalang ata ang umaasa. pero masaya ako.. umaapaw na kaligayahan sa ilang minuto na kausap ko sya. 

ngayon di ko alam gagawin ko, kung patuloy ba kong aasa.. o kakalimutan nalang ang hiram kong pag ibig..


baliw na,
diana



--------------------------------------------------------------------------------------------------

alam mo diana.. unang una, aminado ka naman sa sarili mo na malandi ka, kaya yan nalang din ang itatawag ko sayo, oo malandi ka nga.. pero naintindihan kita.. nagmahal ka lang at minsan makakaramadam  tayo ng mga ganyang pangyayari na di natin alam kung puso o utak ang ating papairalin..

nakausap ko ang lalaki na tinutukoy mo, at di ko rin alam kung may plano ba sya sayo, kahit na sabihin nyang meron, e di ako naniniwala, at wag ka naring maniwala, dati din akong lalaki at alam ko ang takbo ng isip nila, isa ka lang malaking option o pampalipas oras. na kapag bored na sya sa gf nya e eto ka.

nasasasayo ang desisyon tingnan mo ang boyfriend mo ngayon na tinanggap ka pa din sa kabila ng lahat, at tingnan mo ang lalaki na feeling ko e pinaglalaruan ka lang..tingnan mong mabuti.. ngayon pag nakita mo na. magisip ka. kung sino ang mas di mo kayang mawala, kung san ka sasaya at kung san ka magiging payapa..

alam ko ang pipiliin mo ang boyfriend mo ngayon, pero kung pinili mo lang sya dahil alam mong wala ka naman mapapala sa isa e baliw ka. paalala lang digital na ang karma. pero sige malay naman natin kung magbago kana..

siguro para sakin, subukan mo muna magisa, bigyan ang time ang sarili magisip. malay mo naman diba, di pala si bf o yung nagugustuhan mo malay mo may iba pang parating. LOLS! basta okey lang lumandi basta wala kang natatapakan na ibang tao.. enjoy life being single if u dont know what is the real meaning of COMMITMENT.

di ako galit.. nagpapayo lang..hahahaha

tumutugon,
kokak.








Comments

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...