naka 3 sunod na sunod na yosi na ko. di ko alam bakit sobrang kailangan ko to. alam kong wala naman ako mapapala sakanya pero tinutulungan nya ko mag isip.
bakit kasi ganun kahirap ang magmahal at masaktan.bakit kahit pilitin ko maging okey di parin pala.akala ko handa na ko magmahal ng iba pero bakit konting mali lang sumusuko na ko agad. alam ko na ang sagot. di pa pala ko handa. handa na masaktan, mapagod, natatakot na ko magtiwala agad.
siguro ganito ang pakiramdam ng lahat ng tao na nasaktan at nabigo ng sobra. natrauma. naisip ko bakit kasi kailngan pa na magmahal. bakit kailngan humanap ng kapareha kung nabuhay tayo ng magisa.nabuhay ako na magisa pero bakit oras oras ay naghahanap ako ng kalinga..
aaminin ko. nasasaktan ako ng sobra. sobra sobra sa maraming dahilan. nasasaktan ako kasi nakasakit ako,. iniwan sa di ko malaman ang dahilan. ano nga ba talaga ang dahilan? bakit di masagot ng sigarilyo na hawak ko ko kung bakit?
siguro ay alam ko naman talaga ang dahilan ayaw ko lang tanggapin. na sya pa rin. na sa bawat yakap ng ibang tao. yakap mo ang hinahanap ko. na sa bawat text at tawag ng ibang tao ikaw ang naiisip ko. hindi pa ko handa. di pa ko handa magkaron ng iba. kasi pusot isip ko ay ikaw pa din ang laman. di pa rin ako nakakabangon sa pag apak mo. di ko pa nabubuo ang puso na dinurog mo.tang ina naman ano ba kasing ginawa mo bakit ako nagkakaganito?
sa ilang tao na pumasok sa buhay ko kung ikukumpara ka? higit sila ng ilang libo sayo. dahil ikaw wala kang ipinaranas at pinakita sakin kundi ang sang libong sakit ng pagmamahal. pero bakit sa sang libong sakit na yun ay walang nakita ang puso ko kahit isang dahilan para kamuhian ka at kalimutan ka!
gusto na kitang makalimutan. gusto ko ng lumaya sayo. akala ko ay malaya na ko. pero bakit di ko na kayang magtiwala sa kanila. bakit naging papanaw ko na na kapalit ng isang saya ay milliong sakit?patawarin sana ko ng tao na nasaktan ko. na pinaasa ko.. aaminin ko mahal kita pero di ko pa kaya na lumaban. marahil iisipin mo na pag gamit lang ginawa ko sayo pero hindi.yun nga ang dahilan bakit kailngan ko lumayo dahil ayokong lumabas na ginagamit lang kita.. gusto kong maging okey na muna ang lahat. gusto kong buuin ang sarili ko na ako lng. ayokong mahalin mo ko ng sobra tapos sa huli ay magkasakitan tayo. sa huli sasabihin ko na di pa papala ako handa.
yan naman talaga ang dahilan. hindi pa talaga ko handa. wala na kong tiwala sa sarili ko na kaya ko pa magmahal at mapakita yun. kasi sawa na ko masaktan. umamo. maglambing. magselos. ayokong lokohin ang sarili ko na masaya ko na minamahal kung kalahati ay nangangamba at nagtatanong kung hanggang kailan to.
di pa ko buo. durog na durog pa ko. at konting sakit lang mabubuwag ako. kagaya ng naganap kahapon. isang maliit na bagay pero sumuko at nabuwag ako.
gusto ko mapag isa. buuin ang lahat na ako muna. ang hirap kalabanin ang sarili ko.pero kakayanin ko.
- at para sayo. patawarin mo sana ko balang araw. alam ko mali ko masyado ko nagpadala sa nararamdaman ko. aaminin ko sa sandaling panahon minahal na kita. pero ayokong mahalin mo ko.dahil kahit sarili ko ngayon di ko madala. lalo na ang relasyon pa.di kita ginamit. at kaya nga huminto na muna ko kasi ayoko na maging ganun na nga ang kalabasan. pasensya na kasi di pa talaga ko handa at kahapon ko lang napagtanto. salamat at nakilala kita sa sandaling panahon napasaya mo ko.maraming salamat. sana kahit papano napasaya din kita.
--pangako. di na ko magmamahal muna. hanggat di pa ko muling nakakabangon.
"tumalon na nga ko jip.. sugatan at may kapansanan. isang tao ang kumupkop sakin napamahal at minahal ko din.minsan kami'y nagkatuwaan, nagkasakitan at dahil sa akoy sugatan konting sakit lang ay muling nananariwa ang mga sugat at galos..ngayon ay kailangan ko lumayo para magpagaling dahil kapag pinagpatuloy namin ito ay araw araw lang mananariwa ang lahat ng galos".. kailngan ko muna ikubli ang sarili ko sa lahat magpapagaling lang muna ako..
-unwell
lesson learned..
ReplyDelete