naglalakad ako sa ilalim ng araw.. pero bakit madilim?! wala akong makita. di naman ako bulag, pero para atang nabulag na ko ng kapalaran.
ramdam ko ang init ng tindi ng sikat ng araw..dama nang bawat tipyas ng aking balahibo sa aking balat. nakakasunog.pero bakit wala akong makita? ako nga bay talagang bulag na?
sinubukan kong tumakbo, ang dami kong nabangga, kung ano ano, kung sino sino, wala man lang nag nais tumulong sa ilang beses kong pagkadapa.
tumayo ako muli, ngumiti. tinanggap na ako'y wala ng makita. sumayaw , kumanta, tumawa, naglaro. naglaro sa pitik ng sandali.may nakapansin naman sakin, nakipaglaro, nakisayaw, nakikanta, at nakitawa.
dun naramdaman ng aking puso na ako'y muling sumaya. biglang nagliwanag ang aking mata, naaninag ko kung sino sya..
maputi, makinis, ang aliwalas ng kanyang mukha.. ang sarap titigan.
naitanong ko bigla.. ''nasan po ako?''
''kapatid.. tapos na ang paghihirap nasa langit kana''..ang tugon nya..
-

Comments
Post a Comment
dahil binasa mo..makikokak ka..:)