welcome 2014..
ngayon nga na bagong pahina nanaman ng taon ang kakaharapin ko, gusto ko munang balikan ang mga nangyari sakin nung 2013.. gusto ko isulat para may remembrance..isa isahin natin:
2013???
ngayon nga na bagong pahina nanaman ng taon ang kakaharapin ko, gusto ko munang balikan ang mga nangyari sakin nung 2013.. gusto ko isulat para may remembrance..isa isahin natin:
- JANUARY: sinubukan namin magkabalikan ng x ko nagpunta sa laguna sa tagaytay sinubukan nya din akong pigilan paalis ng bansa.
- FEB: nagpasa na ko resignation sa company ko na apat na taon ko ding pinagtiisan..
- MARCH: tuluyan ngang nakapagresign na ko sa dati kong kumpanya. at first time nakapagbakasyon ng medyo matagal sa probinsya.
- APRIL: okey pa din kami ni x, at nangako na kahit long distance relationship e pipilitin namin magpakatatag.
- MAY: umalis na ko ng bansa, hello dubai na ang peg ko. huling kita at yakap ko din kay papa. :(
- JUNE: di na nakayanan ni x ang long distance, we broke up for the nth time. at meron na kagad syang iba.
- JULY: nakahanap ng mga tunay na friends sa dubai (bagong flat, bagong friends kasama na si BHIE)
- AUGUST: (1)nagkasakit si papa nadala sa icu (18) naging kami ni BHIE sya ang tao na tumulong sakin na maging positive sa gitna ng kinakaharap ko ng buwan na yan. (24) kinuha na nga si papa samin.
- SEPT: for the second time of the year umuwi uli ako ng pinas para sa burol at libing ni papa after 5 days kailangan ng bumalik ng dubai to work again.
- OCTOBER: start of call center in ajman
- NOVEMBER: miracle garden!
- DECEMBER: 4) birthday ni bhie 24-25) first xmas in dubai with my love 31) sinabi ng bunso namin na nakabuntis sya .. a baby is coming to our family!!
yan ang mga tumatak talaga sakin ng buong taon 2013 sobrang dami nangyari, at eto na din ang pinakamalungkot na taon sakin, dahil etong taon na to nawala si papa, pero God never fail to balance everything, may nawala man, may bingay syang mga tao para makayanan namin ang lungkot at sakit gaya ng gf ni bunso.. si Bhie.. at bago matapos ang taon, may isang anghel na paparating saming pamilya..
im soooo excited to have a pamangkin!!
HAPPY NEW YEAR!..
ay akala ko patay na ang blog na ito... lulubog lilitaw lang! sana active na this 2014! hwehehehe
ReplyDelete