Skip to main content

patikim sa cheeskecake factory.. 🍴😂

So naisip kong buhayin ang inaamag kong blog sa mga experience ko dito sa Dubai.. mahigit isang taon narin ako dito, oo isa na kong certified na bayani! OFW pre!

anyway masaya naman dito sa Dubai madami kang pwedeng puntahan, pero katumbas ng gala ay libolibong peso ang mauubos mo.. sa mga kabayan natin na nagtitipid at mahilig magconvert alam siguro nila ang sinasabi ko ngayon.. 

Marami na din akong napuntahan dito, nakauwi na rin ako ng dalawang beses sa pinas.. ooops hindi sa marami akong ticket pambili sa eroplano kundi sagot ng kumpanya ko yung una dahil namatay si erpat at ung pangalawa e dahil sa dugo at pawis ko. kung tatanungin mo ko kng magkano pamasahe sa eroplano ganto yun..

kung isa ka sa mtyagang naghihintay ng promo ng ticket makakakuha ka ng 1800-2100aed pamasahe balikan Emirates yan. sikat na eroplano at sosyal na eroplano sa UAE.. at kung ibang airlines naman siguro 1300-1800aed balikan.. pero kung tipid mode ka talaga e dun ka sa Cebu pacific na makakakuha ka ng promo na 950 aed balikan pero ingat lang kasi aabot din ng 1500 yang sa Cebu Pacific kasi pati pagkain at baggage allowance e additional cost.. tips lang kapatid check mo ng maigi bago mamili.

at kung tatanungin mo ko ano sinakyan ko? syempre EMirates.. sosyal ako eh.. chos! di naman sa sosyal pero mas ok na kasi magbayad ng medyo mataas ng konti kung safe at walang pagod ang pagbyahe mo. Diba kabayan? 😂 at saka ko nanikekwento mga detalye sa paguwi ko.

so balik tayo sa Dubai.. isa sa masarap na kainan dito ay ang Cheesecake Factory marami syang branches pero sa Dubai Mall palang ang natatry ko at kasi dalawang beses ko palang natry kumain dito kasi medyo may kamahalan.. nakakain ako dati dahil libre at ngayon dahil... libre pa din syempre.. salamat sa sponsor na si gf at ang prend nyang si jayme na inlove na inlove kaya sa sobrang saya nya nailibre nya kami.. 



dahil sa kumain naman kami bago umalis.. or should i say kumain talaga kami bago umalis para tipid tips lang.. 

my order-
chicken ceasar salad- 58aed and oreo milkshake- 32aed 

jaime- 
pasta (di ko alam kung anong tawag nakalimutan ko na..basta may shrimp di ko na din napicturan kasi kinain nya agad ) worth 84aed at strawberry milkshake-28aed

anna- 
peanut butter cheescake- 34aed plus mocha coffee - 28aed

*di ako sure sa presyo kasi nakalimutan ko din.. kasi naman di ako nagbayad kaya wapakels ko.. and here we are.. 


actually masarap talaga sa cheescake factory.. lalo na yung "cheesecake" nila kaya nga yun ang pangalan ng resto.. hehe.. 😂

more kwento soon..

*convert nalang kapatid 1aed =12.05pesos

Comments

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...