Skip to main content

tiktok.





akala ko magiging walang kwenta ang lahat.. ang cake at regalo kong dala..buti nalang nakisama ang tadhana.
"happy bday" sigaw ko habang dala ang cake na may kandila.minulat nya ang kanyang mata at sabay ngiti, matagal na din kaming di naguusap at halos parang anino ang isat isa.di ko sya kinakausap at sya din sakin. ewan bat nauwi sa ganun ang turingan namin.
pero ng oras na yun. isang matamis na ngiti ang tinanggap ko. natuwa sya sa surpresa ko. at natuwa din ako dahil sa sinukli nyang reaksyon.

namiss ko ang ngiti nya.. ang boses nya ang yakap nya..

matapos nyang hipanin ang kandila. kumuha sya ng isang slice at pinagsaluhan namin yun..

"anong winish mo?" tanong ko
"secret.. sana nagwish ka din" ang tugon nya


sana maging okey na ang lahat satin..yan ang wish ko para sa bday mo..bulong ko saking sarili..


hanggang napagpasyahan na namin matulog. nagising kami ng bandang tanghali. binigyan nya ko ng pera pambili ng chicken at kanin..matapos akong makabili ay nagsalo uli kami ng tanghalian na yun..
habang kumakain ay nagulat ako sa sinabi nya.. " bili tayo ng relo?"
gusto nya daw regaluhan ang sarili nya at idadamay nya na ko tutal naman daw ay icacard nya.. sino ba naman ako para tumanggi e collection ko ata ang mga relo.. kaya dali dali ay nagpunta na kami sa megamall at namili na nga sya ng relo namin. blue sakanya at pink naman sakin..
tuwang tuwa kami sa nabili. ang bait ni ate na nagaasist,.binigay nya talaga samin ang lahat ng dapat namin malaman..
matapos nun ay dumeretso kami sa j.co at syempre bumili ng paborito naming donut "alcapone" at green tea.. busyng busy kami pareho sa paglikot ng relo namin habang kumakain..
pero gaya ni cinderella may curfew ang kaligayahan na meron ako. gaya ng relo na nakasuot sakin ito ay magpapaalala na di ko hawak ang oras nya na ang tanging meron lang ako ay ang oras ko..
oras na para umalis kami. hinhintay na sya n gf nya. sumakay kami ng bus. at ako nalang ang magisang bumaba mula dito, magisang umuwi..
napahiga ako sa kama pag dating ko. tumingin sa relo na bigay nya. napangiti nagisip..



di pala sa lahat ng oras makakasama kita.. pero thankyou kay Papa God kahit papano ay nakasama at napasaya kita sa kaarawan mo..salamat sa relo feeling ko bday ko din..:))


alam ko wala ng pagasa kung ano man ang nasimulan natin dati. tanggap ko na yun.. sana lang maging okey na tayo. okey naman na ko sa ganito..ang importante naguusap na uli tayo na parang magbarkada..
salamat sa oras na binigay mo sakin. at salamat sa relo.. :)
Published with Blogger-droid v2.0.9

Comments

  1. well............... kelangan pink talaga ang relo mo.. hahaha

    ReplyDelete
  2. nainggit ka naman tara? di naman pede sayo lang ang pink..:)

    ReplyDelete
  3. uhmmm...ayoko inggit sa relo hahaha

    ReplyDelete
  4. sweet cake for a sweet person...:)

    xx!

    ReplyDelete
  5. jaid: kahit ako naiingit sa relo ko.. hahaha..ang mahal nya..:))

    grah: hehe. di sya sweet ako lang..:)

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...