Skip to main content

palaisipan nanaman..

habang nakaupo sa coffee shop kasama ko ang isang kaibigan. Katatapos lang namin magjogging ng may biglang lumapit samin na nagjojogging din salugar na yun..

sya: kinuha kuha mo no. ko kahapon tapos di ka naman magtetext, buong araw ako naghintay ng text mo!!

ako: huh?? ako kinuha ko number mo? e hindi nga kita kilala..
sinigawan nya ko at parang galit sya, napatingin ako sa barkada ko na di ko alam kung sino..malabo ang lahat..bigla kong kinuha ang cp ko after i scroll it down biglang nag pop up ang no. nya.. something like 0927....then..bigla syang nawala pinilit ko pa din alalahanin kung sino sya.
tapos biglang napunta ako sa isang park.. kasama ko na sya ang taong nanigaw sakin sa coffee shop.. sobrang saya!! ang gaan ng pakiramdam ko.. parang pelikula na nagmomoment sa pagjojogging.. bigla kaming nahiga sa damuhan..

sya: alam mo bang hinihintay ko text mo.kasi gustong gusto kita..mahal na nga kita eh..

ako wala..speechless.. nang bigla nya kong hinalikan.. sobrang saya talaga ng pakiramdam ko nun ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko..
nagising ako.. napahawak sa labi ko. di ko alam bakit ganun ang pakiramdam ko,, umaapaw na saya, yung feeling nang inlove.. kaya lang di ko matandaan itsura nya BLANKO!

pinilit kong matulog uli.. gusto ko ituloy ang panaginip ko..


ako: hala nabura ang no. nya sa cp ko.. pano ko sya makokontak.. nasira cp ko..
friend: alam ko kung san sya nakatira

at pinuntahan na nga namin ang bahay nya.. malaki. anak mayaman sya at isang politiko ang tatay nya.. kaya bawal syang makipagrelasyon kahit kanino.lalo na sa hampas lupang tulad ko..
isang magandang sasakyan ang lumabas sa gate at naroon sya nakasakay.. di nya ko nakita. pinilit ko syang tawagin..pero walang lumabas sa bibig ko..

hanggang sa nagising nanaman ako.pucha!!!
pinilit ko uling pumikit at magbaka sakali na matuloy ko ang panaginip ko..pero wala..haayy..

simula nung nagising ako hanggang ngayon.,iniisip ko pa din ang panaginip ko na yun, alam nyo yung sobrang gaan ng pakiramdam ko nung nakasama ko sya sa panaginip ko. Nun ko lang uli naramdaman yung ganong feeling di ko madescribe.. ibang klase..

pero gaya ng marami kong panaginip. wala kong natandaang mukha..malabo. ni pangalan wala din.,haayy. basta alam ko malapit na syang dumating sa buhay ko.. sana mamaya pag pikit ko makilala ko na kung sino sya.. or pag gising ko mameet ko na sya sa parehong pangyayari din..

salamat sa panaginip ko.. bigla kong nagkaron ng pagasa na malapit na sya sakin.. hahaha..

try ko na uling mag jogging baka dun ko sya makilala..hahaha..palaisipan tuloy sakin kung para saan ang panaginip na yun..haay..


EXCITED MUCH NA KO UMUWI AT MATULOG!!
----------

Comments

  1. haha..ang kulet ng panaginip mo..pero relate ako :)

    ReplyDelete
  2. Ganyan talaga panaginip.. misteryoso! Sige, itulog mo na yan at sana makita mo siya ulet!

    ReplyDelete
  3. kulet ah! hehehe... malay mo makilala mo siya.... nagpapahiwatig yan ng nalalapit mong lovelife....

    ReplyDelete
  4. "nang bigla nya kong hinalikan.."

    ano kaya kasunod na mangyayari neto? aabangan ko to. bwahaha. =)

    ReplyDelete
  5. charap naman pag palage ganyan panaginip. hheehe

    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
  6. pink: ang kulet nga eh.sayang di na natuloy kanina pagtulog ko..

    joanne: di nga eh.. pinilit ko kanina..sana mamaya pagtulog ko..

    jondmur: sana nga..hehe

    deggoy: aabangan ko din ang kasunod na mangyayari baka sa susunod kong panaginip..hahaha

    phioxee: oo.. nga pero kailngan ko gumising eh..hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...