Skip to main content

paalam..

kahapon pinilit kitang talikuran,kala ko di ko kaya.kinaya ko naman.
isang hithit lang at isang buga tinapon na kita..

alam ko naging karamay kita sa lahat ng sakit.ikaw ang kausap ko sa sandaling walang kahit sinong kayang sumagot ng aking mga katanungan.ikaw ang matyagang nakatitig saking mga niluha.

sampung buwan na rin pala tayong nagkasama, sampung buwan nang una tayong nagkakilala, sampung buwan nang sinubukan kita,nung unay isang pakete isang araw mga oras na sobrang sakit pa,hanggang sa kalahating pakete nalang, palima lima pa tatlo talo, hanggang sa pag gusto ko nalang.

salamat ha?! sa sampung buwan na yun di mo ko iniwan. alam kong wala kang mabuting dulot pero sinasamahan mo ko sa pagiisa ko.sa lahat ng lungkot at pagiisip. salamat talaga..

pano yan pare. gusto ko ng kalimutan ka nakakaramdam kasi ako ng di maganda at ikaw ang unang bawal na aking makasama.ayoko man pero kailngan.sabi kasi ni doktor yan..patawad kaibigan..

pero ngayon kahit paunti unti pipilitin ko nang ika'y talikuran. salamat sa sampung buwan..salamat talaga kaibigan.

yosi paalam..

Comments

  1. kaya mo yan! pareho pa tayo ng brand ng yosi. ako nagstop ako. pero alam mo ending? bumalik ako. hahaha. pero depende yan sa tao teh. karir yan!

    ReplyDelete
  2. maganda yan. kaya mo yan sis!=D

    ReplyDelete
  3. Buti kapa napigilan mo. Ako taon-taon, yan ang New Year's resolution ko. Pero wala, peyl. Congrats, pre.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  4. buti naman at kahit papaano e sumusunod kna sa kung anong mkakabuti sayo. Sana di yan tulad ng iba na hanggang simula lang tapos dating gawi na naman. Pag nagkataon, pepektusan kta! :P

    Get well soon...

    ReplyDelete
  5. sana for good na yang goodbye mo ke pareng yosi?! ha?! dito sa place namin bihira nalng nag-sosmoke kasi nga me ordinance na anti-smoking sa city at buong province. sa designated area lang pwede mag smoke. sisitahin ka kasi ng pulis at multa

    get well soon cheene

    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
  6. Wow, i'm happy for you! Thumbs up! Ituloy tuloy mo lang :)

    ReplyDelete
  7. wow that's great, goodluck pow. super ganda po naman.


    C0TT0N-L0VE

    ReplyDelete
  8. salamat sa mga dumaan..sana kayanin ko.. 2 days ko na syang kinakaya..hehe

    ReplyDelete
  9. May alternative na sa yosi. Vaping! hehe

    ReplyDelete
  10. oo nga.. pero walang dating yun eh.. anyway 3 days na ko walng yosi..:)

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...