Skip to main content

bukas na liham para kay kupido.

dear kupido,

o please pareng kupido tama na muna,ayoko nang isumpa nanaman..
nakikiusap ako. awat na .di ako naghahanap at ayokong makahanap.
parang kelan lang pinana mo ko pero pagtagal tagal di tumalab ang iyong kapangyarihan
naglaho agad agad. sabi ko sayo may pakongtra ako sa iyong sangkap..bwahahaha..

di naman sa ayoko ng mainlove.pwede pass muna?ngayon lang..di ko sinasabing masaya ako sa kalagayan ko ngayon, sapat lang, walang matamis na ngiti,walang bumabati ng ''goodmorning gising na'' ''ingat sa pagpasok'' ''kumain ka'' ''miss you'' at ang epek sa lahat ''mwaahh mwahh tsup tsup'' hahaha( ntatawa talaga ko pag ganyan ang text at aaminin ko pag inlababo ako ganyan din ako magtext.pero ngayong patay na bata ako. tumatayo balahibo ko sa mga ganyang text.. ayyyswear!!!!hahahaha)  saka wala ka ding mababasa na ilabyou..o mahal kita (bigla ko nalungkot)..

pero yun nga di ako masaya. pero wala din naman ako rason para malungkot ng bongga. walang selos. drama. hawak ko oras ko. di ko kailngan hawakan celpon ko oras oras. di kailngan mag update.(tamad kasi ako).. meaning ''malaya''.. pero di maiiwasan na mag emo pag trip ko. bipolar ako eh!! hahaha..

so bakit ba ko nagsusulat ng ganito sayo, ala lang binabalaan lang kita kung di rin naman pasok banga ang pana mo, wag nalang muna.. kaya ko pa naman magisa.. kesa makasakit nanaman ako ng bongga..

so pano cupidong bakla..este kupidong aangaanga.. unahin mo muna sila.saka na ko.. at pag time ko na. i sakto mo ha?! yung baon na baon hindi lang sa puso.. gusto ko gang lungs!! hahaha..

eto pala ang listahan na gusto kong panain mo para sakin next time.. matagal pa naman e, kaya for sure marami kang time para mahanap to:

1. may malaki syang... PASENXA.. para maintindihan nya pagka bipolar ko minsan..

2.  marunong mag blog! para magkasundo kami.at para pag nagaaway kami sa blog nalang..hahaha. para tahimik..

3. MATURED!! MATURED!! MATRURED!! ayoko ng isip bata sawang sawa na ko..haha.may pinaghuhugutan..^---------------------------^

4. mahilig gumala sa ibat ibang lugar.. para marami kaming marating..

5. BUSY.. para di ako kinukulit minuminuto, may oras ako matulog..hahaha.. pero dapat busy sa work lang ha?!

6. hindi mayaman.. hindi mahirap..pero gusto ko may pang kain sa labas..yung may pang cbtl at bannapple!! (weee favorite!!)

7. gusto ko tawa  lang ako ng tawa pag kasama ko sya. stand up comedian.. na may pagka seryoso ang peg.. (gulo ba?)

8.  opkorszzz.. yung di ako lolokohin! yung di kayang mabuhay kung mawawala ako..yung marunong kumanta ng ''hanggang'' .. (bakit?! wala lang gusto ko yun song nya for me)

9.  di ako choosy sa itsura.. may belo na naman diba? (peace), and i  dont care lung lalaki o babae..( ano daw??) e confused ako bakit ba.. hahaha

10. at higit sa lahat.. handa ng magsettle kasama ako.. hanggggsweeetttt..

o ayan kupido, may listahan ka na.. di ko sinasabing agad agad.. kahit 1, 2,3, 4, years or 5 years pa..oks lang...kasi.. gusto ko yung susunod yung last na..apir!





                                                                                                      napagod ng umasa,
                                                                                                      palaka.


Comments

  1. At ang sagot ni kupido, "ang choosy mo na, demanding ka pa!" hahaha..

    Hmm.. parang ansaya nga pag blogger din..

    Tama! Dapat Matured matured matured!

    ReplyDelete
  2. Aliw na aliw ako sa post mo! Ang dami mong demands. Hahaha.

    Comedian na lang kaya hanapin mo. haha *peace*

    ReplyDelete
  3. i like it beks!!!!!!!! hahaha lalake yan ! lalake!!!!!!!!!!!! hahahahahahahaha dami cu tawa promise!

    ReplyDelete
  4. i like it beks!!!!!!!! hahaha lalake yan ! lalake!!!!!!!!!!!! hahahahahahahaha dami cu tawa promise!

    ReplyDelete
  5. di ka naman chooooosy noh. lol

    ReplyDelete
  6. nalaka ko sa demands. kung ako si kupido sasabunutan kita pahihirapan mo pa ko!mga ganun linya nya haha anyway..gusto ko din yung hanggang pagkatamis tamis lang kapag yun ang song sayo ng isang guy.

    ReplyDelete
  7. Parang isang tao lang ang naiisip ko based sa mga qualities na gusto mo: si VICE GANDA! (peace) joke lang yun. Hope you find your true love.

    ReplyDelete
  8. bulinggit nakalimutan mo atang ibilin k cupido n sna nmn yung papanain nya this time eh yung single nmn pra ndi nagugulo ang mundo! tsaka ung kantang "hanggang" nku wag n yun promise ndi effective! take it frm me..nyahaha

    ReplyDelete
  9. ende ka masyadong choosy ha kasi me listahan kalang naman. hahaha. di pa pwedeng nabangga ka lang tapos fall in love lang ang show? yun lang. mas maganda yun.

    ReplyDelete
  10. hahaha.ilang beses na ko nabangga phioxee.. ayun.. laging wasak..kaya ngayon dapat planado nalang..

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...