ang writer daw...
di ko masasabing writer na ko.. di porket nagsusulat writer agad..pwedeng blogger lang muna?
ang blogger daw mayayaman??
di naman.. minsang tinitipid pa namin ang huling sampung piso para makapunta sa pinakamalapit na computer shop makapag bahagi lamang..ang iba naman nakikicomputer lang sa pinagttrabahuhan..
ang blogger daw mahilig din magbasa..
siguro.. pero ako pag gusto ko lang ang storya saka ko nagbabasa.pero kung hilig ay magbasa? no way! lahat ata ng libro natuluan ko na ng laway.. im short nakatulugan ko lang..
ang blogger daw tinatago ang mukha sa likod ng pahina..
yan ang di ko masasagot. basta alam ko halos lahat ng blogger gwapo at magaganda "ehem" ang ilan ay nakita ko na.minsan nga kung sino ang di nagpapakita ng mukha sya ang pedeng isali sa pelikula parang artista.. takot lang siguro ang karamihan baka mukha nalang ang tingnan at hindi ang kanilang mga likha..
ang blogger daw ay duwag..
siguro ayaw lang nila makasakit kaya dinadaan nila sa sulat at tula ang nais iparating.. matapang kaya kami kasi kami nakalathala ang gustong ipaunawa..malayang mabbasa.. at malaya kayong kumomento sa aming mga dula..buhay namin ay alam na alam nyo na..
ang blogger daw ay mayayabang.
hahaha..may maipagyayabang naman kami at sa blog namin pwedeng magyabang talaga kasi ang kanya kanya ay may mundong likha na kung saan kami ang bida..mayabang kami oo.. kasi di lahat may kayang sumulat di lahat matataba ang utak..
ang blogger daw ay puro salita..
oo naman.. salita na lahat ay may pinaghugutan. at may karanasang nais ibahagi sa paraan ng salita.. di kami mkakabuo ng salita kung dahil lang sa wala..
e ano ang isang blogger na gaya mo?
gaya ko gaya nila gaya naming lahat.. lahat kami bida sa sarili naming likha.di dahil sa nagyayabang o gustong kumuha ng simpatya kundi dahil eto ang aming napala sa mahabang byahe sa lupa..nais namin isulat ang mali at tama naming nagawa sa ganitong paraan nkakaramdam kami na kamiy malaya..natatawanan at naitatama ang baluktot naming karanasan..
isa lang ang alam ko ang blogger di lang isip ang mayroon kundi isang matabang puso na minsan masaya at minsan sugatan..lahat kami may ibat ibang pinagdaanan o pinagdadaanan.at gaya ko gaya nila wala kaming takot isulat ang lahat mali man o tama.. ang nais lang namin ay makahinga at sa ganitong paraan pakiramdam namin na kami'y malaya..
(isang mahabang kwentuhan ng aking kaibigan, na curious bat ako nag susulat, kung ano ang mga blogger ..ang dami nyang tanong yan lang natandaan ko..nabago ko naman ang iba nyang pananaw..)
korek! super korek! minsan me isa akong officemate na mapanutyang nagsabit, "ano kaba. yung blog mo? eh sarili mo lang naman nandon sa blog mo" gusto ko nga sana sagutin na "boba, blog nga eh! online diaries ko yun. "
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
haha. napadaaan na ko sa online diaries mo.. ayos ang mga picture ha.. :) teletech??
ReplyDeleteagree ako.... di porket blogger mayaman na .... siguro nasasabi nila iyon kasi ung iba kumikita sa pag blog....
ReplyDeletePara sa akin... kapag blogger... malaya ka.... malaya kang makakapagsulat ng nais mo.... writer ka man o hindi.....
^__^
ahem! hahahaha tamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... :) miss you bex!
ReplyDeleteahem! hahahaha tamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... :) miss you bex!
ReplyDeletenaipaliwanag mo sa kanya ng mahusay.
ReplyDeletemarami yatang uri ng blogger. merong kumukuha ng larawan, merong namamasyal, merong tungkol sa mga games, gadgets at madami pa. pero sa lahat ng kanilang ibinablog. hindi nawawala ang kwento o istorya. kaya ang blogger ay isa ding manunulat. :)
hello! makikikokak naman ako. uu im from ttech. are you workign in a bpo as well?
ReplyDelete"gaya ko gaya nila gaya naming lahat..."
ReplyDeletealam ko yan! gatis! lol.
jondmur: tama ka.. ako din di mayaman..amoy mayaman lang..hehe.
ReplyDeletetara: missyou too bex. anong chika??
tambay: yep yep..ibat iba naman ang gustong ipost kada blogger..
phioxee: yup.. bpo din.. san ka??
gord: ano yung gatis??
ang blogger daw ay pogi. ako yun. oha!
ReplyDeleteagree and that's true lahat ng sinasabi mo sis. ang ganda ng pagkakasalaysay at pagkakapalinawag mo sis.
ReplyDeleteC0TT0N-L0VE.BLOGSPOT.COM
dhenggoy: sabi ko nga may kanya kanya tayong pananaw.hehehe.. ikaw na ang pogi!! agree much!!
ReplyDeletecotton: thanks sa pagdaan..
ang mga blogger ay magaganda.. apir tau jan!
ReplyDelete