ang haba na ng aking byahe..
sa una ay masaya.. tandang tanda ko pa nung sinakay ako ni manong e aliw na aliw pa sya sa isang babae na sakay nya,di ko sya kilala at wala kong edeya kung saan at gaano na sila katagal bumabyahe ni manong.
una ay prente lang akong nakaupo sa likod ng jeep ni manong dahil nga masaya pa sya dun kay ate na nakasakay sa tabi nya pero ilang araw lang eh pinababa nya na yung sakay nya na yun at ako na ang pinaupo nya sa tabi nya. Di ko na inalam ang dahilan kung bakit bumaba ang babae na yun ang importante ay ako na espesyal na pasahero ni manong.
sobrang haba ng byahe, minsan'y nasisiraan kami,humihinto, nagtutulong kumpunihin ang sira ng jeep, dahil sanay na din ako sa ibat ibang mga bagay pagdating sa sasakayan e naging madali lang samin ni manong na gawin ang mga sira, nakakatakbo uli kami agad at nakakapunta sa ibat ibang lugar na kung saan e nagpapasaya samin. narating namin ni manong ang tagaytay, laguna, bataan, cavite,maging ang mga lugar sa kamaynilaan ay nalibot namin gaya ng intramuros, luneta,make it happen ng makati,starcity at maging ang simpleng MOA. sabi nga ni manong ''its more fun in the philippines talaga''..
minsan naman dumadating ang mga oras na wala sa mood si manong nasisigawan ako at kung minsan din ay may oras na di kami nagiimikan. Marami na kong nalaman tungkol kay manong at sya din sakin kaya madali kaming nagkakaintindihan.Buong buhay nya ata ay alam ko na at nakwento ko na din naman sakanya ang buong buhay ko,dahil narin sa haba ng aming paglalakbay.
Moody si manong pag naiinis sya sa byahe namin e halos ilaglag nya ko pababa ng jeep. Pero syempre ako naman e alam na ang kiliti nya, bibili lang ako softdrinks at yosi okey na uli si manong. takbo na uli..byahe na ulit. sobrang napamahal na ko kay manong kaya nga kinalimutan ko na kung saan talaga ako tutungo at kung bakit ako pumara ng jeep..mas pinili ko nalang na maglakbay sakay sakay ng jeep na to kahit di ko alam ang aking patutunguhan.
Pero dumating ang di ko inaasahan. Sa haba ng byahe namin ni manong may nakasunod pala samin, sya yung pasahero na binaba ni manong nung dating sinakay nya ko.
maganda sya matalino, mabait din,alam ko e mahaba din ang naging byahe nila ni manong nuong una, nagkaron ng maraming kakilala si manong dahil din sa pasahero na to nagkaroon ng mga kaibigan o barkada kung tawagin.
Ngunit isang araw nagkataong bumili ako ng yosi at softdrinks para kay manong nagulat nalang ako dahil pagbalik ko ay sakay na nya uli si ate at dun pa sya nakaupo sa pwesto ko..sa tabi ni manong..
biglang nasambit ko.
'' manong san ako sasakay?aalis naba tayo?''
tugon naman nya bigla
''dyan ka nalang muna sa likod ng jeep may idadaan lang tayo''..
dahil narin sa napamahal na ko kay manong at lubos lubos ang tiwala ko sakanya kaya pumayag ako. dumaan ang maraming araw.. linggo.. buwan.. nanatili ako sa likod ng jeep ni manong minsan nya lang ako kausapin o kamustahin iyon ay kapag inuutusan nyang mamili ng softdrinks at yosi si ate o kapag di sila nagkakaunawaan.
Lumipas pa ang maraming araw, unti unti akong nasasaktan.Si manong masayang masaya sa byahe nila ng dati nyang pasahero.. ni hindi nya napapansin ang patuloy na pagtulo ng aking luha, na kung minsan ako ang gumagawa ng sasakyan habang sila ay masaya na nagkwekwentuhan at nakaupo lamang.
Nagtyaga parin ako ng ilang buwan, naisip ko nalang minsan naman nagkakaron ako ng pagkakataon makakwentuhan si manong na syang tanging nagpapasaya sakin..
Ngunit isang araw,nagising nalang ako,pagod na pagod na ko magbyahe. magbyahe sa di ko naman gustong puntahan! magbyahe na parang mag isa! sinabi ko ito kay manong.. pero sa tuwing gugustuhin kong bumaba binibilisan nya ang takbo ng sasakyan..
ayaw nya din ako pababain pero di ko alam ang dahilan..
.. naisip ko na bumaba nalang sa sobrang pagkapagal,bigla ko naisip ang aking patutungahan kung bakit ako nasa jeep na ito at kung bakit una sa lahat pumara ako at sumakay dito. saka ko napagtanto hindi ito ang direksyon na gusto ko.malayo na ko sa panghabangbuhay na byahe ng kaligayahan na pangarap ko.
''manong itabi mo ang jeep ako'y bababa na'' yan ang aking sigay sabay talon sa matulin na sasakyan..
bumaba ako bigla.. sugatan at luhaan at walang tiyak na paroroonan.
nasugatan man ako sa pagbaba at ngayo'y naglalakad ng malayo dahil naubos narin ang pamasahe na aking dala.. ayos lang! alam kong ang maliliit na hakbang na ito ay simula uli ng isang mhabang paglalakbay patungo sa aking ''walang hanggang kaligayahan..''

Ang maikling kwentong ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 4
Nice. :)
ReplyDeletesa unang pasada maghahatid ng kalituhan ang mensahe sa nagbabasa. pero kung uulitin, makikita ang nais mong iparating.
ReplyDeletepalibhasa medyo may ideya yata ako tungkol sa kwentong ito. kundi ako nagkakamali, habang sinusulat mo ito. iniisip ang iyong nakaraan o di kaya naman ay ang iyong naging karanasan sa pagibig.
may hawig eh. :) sya ba ung palaka?
wow! galing ni cheenee ah. good luck sayo
ReplyDeletenice one! gudlak sayo! ;)
ReplyDeletewow naman. may kirot lang sa puso. anyway..good luck sa entry haha =D
ReplyDeletetrue to life po ba ito? ... may puso eh .. hehehe
ReplyDeleteGoodluck sa SBA :)
jenn: one.
ReplyDeletetambay: magulo ba? pasensya magulo utak ng nagsulat..hahaha
empoi: salamat goodluck din sayo..
denggoy: mas maganda ng di hamak ang iyo..:)
jaid: salamat.. tara shot!
bagotilyo: fiction yan.. papanindigan kong fiction yan..hahaha
namamangka sa dalawang ilog si manong...sakim,ayaw maubusan.may reserba daw dapat. :)
ReplyDeletebaka isang araw mabangga si manong,mawalan ng lisensya at hindi muling pagtiwalaan ng magiging pasahero o dati niyang pasahero :)
ganda ng pagkakahambing.
buti na lang po at naglakas loob kang tumalon sa kasagsagan ng byahe ni manong.
chill!goodluck sa entry!goodluck chenee
jayrulez
jay: salamat.. hinihintay ko ang part two ng akda mo..:)
ReplyDeletebagong simula ang nakikita kong gustong ipalabas ng kwento, kakaiba mula sa ibang mga kalahok. Kakaiba ang pagkakasulat, may laman ang bawat linya.
ReplyDeleteGoodluck sa patimpalak. Mabuhay ka!
inong: salamat sa pagdaan..:)
ReplyDeletenice bulinggit :-)
ReplyDeleteang sugat gnu man kalalim darating ang araw maghihilom din at s bawat peklat n maiiwan nto magsisilbing palatandaan ng mga aral n dpt matutunan...
wag matakot n muling sumakay ng jeep bst cguruhing wlang nkaupo s tabi n manong!