Kaya wag kang magtatanong Di ko alam ang sasabihin madami akong gustong sabihin pero di pa panahon. ilang beses ko nang napagdaanan ang pait. at tila ayoko ng umulit, minsan gusto ko man ipilit pero ayokong makasakit... Wag kang magtatanong Ayokong mayrong aminin gustong gusto kong aminin na, pero kailngan ikubli muna, baka mamali ang timpla at entrada, sumabit pa, baka tinapay na maging bato pa. Wag kang magtatanong Di ko alam ang sasabihin minsan di ko rin alam kung anong sasabihin, kahit ako ay naguguluhan , tang inang puso yan , kala ko ay palamuti nalang, ngunit bakit bigla biglang kuminang, saka biglang magpapramdam at gustong magpagamit nanaman. sinabing ko nang baka masaktan ka lang ayaw naman ako pakinggan bakit di daw uli subukan. sagot ko ay hinayhinay lang.. Wag kang magtatanong Ayokong mayrong aminin ayoko talaga. ayoko kahit sa sarili ko ay aminin ko na ako uli ay napana, lintik na kupido na yan, ako ay nagtatago na, sinipat...
nais ko lang mag-ingay..