Skip to main content

walang pamagat!

nagising ako mula sa isang tawag sa celpone.sa una ay ayaw kong sagutin dahil sa sobrang antok na antok pa ko.pinilit kong tingnan kung sino ang tumatawag, nakita ko ang pangalan nya..

wala pang ilang saglit ay sinagot ko agad..kagaya ng dati ay pinapabangon nya ko dahil marami pa kong dapat gawin ng araw na yun..

gusto ko sana bumalik sa pagkakahiga matapos ko syang makausap pero para bang kape ang boses nya ang lakas ng tama. di ko na magawang matulog uli..

natapos ko ang mga gagawin ko ng tanghaling yun. isa nalang ang hindi ang magpunta sa grocery dahil wala na pala akong shampoo, sabon, tootpaste atbp.. nang matapos na kong maligo..

may tinig akong narinig mula sa likod ko.. '' aalis ka?''..

''oh oo sa grocery'' ang mahina kong tinig..

''sama ko.. wala na din ako gamit eh''

''sige''

sa jeep palang ay  kakaunting usap lang ang maririnig samin, na ang dating sobrang magkayakap at magkadapit palad ay ngayon pwedeng may umupo pa sa pagitan namin..di ko alam kung bakit ganito kami sa isat isa..simula nung nanggaling sya sa malayong lugar.. ay nakalimot na bigla ang puso ko. marahil sa sobrang sakit ng ginawa nya..

nanatili kaming walang kibo, isang tanong at isang sagot lamang ang usapan.hanggang sa nakarating kami sa mall na may grocery .. una ay nagkayayaang kumain.. alam ko gutom din sya dahil kagagaling nya lang sa isang exam, para mapromote..

''mang inasal?'' ang tanong nya

''sige ok lang naman'' tugon ko naman

habang kumakain ay pinilit ko magkaron kami ng maayos na pag uusap..at iyon na nga ang nangyari, nkapagkwentuhan ng konti, tawanan at asaran.. aaminin ko namiss ko ang mga ganung pagkakataon..

pero bakit habang nakatingin ako sakanya at kausap ko sya, ay mayat maya ang tingin ko sa celpone ko, mayat maya ay chincheck ko kung may text na ang taong gumising sakin kanina..pero wala.marahil ay nagtampo sya dahil sa akoy may kasamang iba.pero di naman ako umaasa, siguro nga ay busy lang sya..

natapos kami mamili ng mga gamit, namili din sya ng headphone na matagal nya ng pinapangarap,at ako ay napabili din ng isang damit. habang namimili ako ng damit naisip ko nanaman sya, gusto ko sana isuot to sa nalalapit naming pagkikita ayoko kasing magmukang basura sa paningin nya, di kasi ako maporma,.napangiti ako sa sarili ko nung hawak ko ang damit na nabili ko..pra kasi akong tanga, ayoko pala pumorma, gusto ko simpleng ako lang pag nakita nya..

nakauwi na kami, masaya naman ang naging lakad namin, tuwang tuwa sya sa headphone nya, at ako naman ay nakaramdam ng antok, pero di ko nagawang matulog, patuloy parin ang pagcheck ko sa cp ko kung may text sya, naisipan kong mamili ng yosi baka sakali mapawi ang antok ko.
tumawag na sya, di ko alam bakit bigla akong sumaya, halos di ko na nahithit ang yosi kakasagot sa mga tanong nya, pero naging saglit lang ang paguusap kasi galit sya, sa di ko malamang dahilan..

pumasok ako sa bahay, naglinis at naghanda para pumasok na sa trabaho..nakita ko sya nakaupo sa kama..umupo din ako para magayos ng magulong buhok.. humiga sya sa hita ko, naalala ko yung dati.. yung masaya kaming nagkukulitan habang nakahiga sya sa aking mga hita..

pero ng sandaling yun.. isa lang ang naglalarong pakiusap sakin.. ''TAMA NA''.. ayoko ng lokohin ang sarili ko at ayoko ng paasahin ang mga sarili namin.. alam kong wala na SINUKUAN ko na..

HABANG nakatitig ako sakanya pinapakiramdaman ko ang sarili ko, kaya ko naman pala ng wala sya.. at masaya na ko na malayo sa anino nya, muling nagkakaron ng direksyon. muling bumabangon.. ang gusto ko lang sana ay tumigil na din sya..

pero nirespeto ko ang araw na to kasi ang araw na to ang ika17 buwan sana naming mahal ang isat isa..

umalis ako ng bahay ng may ngiti.. kasi sa naganap kanina napagtanto ko na AKO'Y MALAYA NA.. malaya sa sakit at pait ng anino nya..

sabay kinuha ko ang celpon ko at inasar ang araw na nagpawala sa matinding dilim na matagal kong pinagdaanan.


sabay nasabi ko nalang sa sarili ko..tama na ang kagaguhan, sinimulan ng 25 at tapos na ngayon 25..kaya ko naman pala..

-----fiction!

Comments

  1. Good for you! Byahe lang ng byahe! Uusad din yan... :D

    ReplyDelete
  2. fiction ka jan! UTOT mo! hehehe

    ReplyDelete
  3. fiction? idenial ka pa. may pinaghuhugutan to eh. wahahaha

    ReplyDelete
  4. superjaid: fiction lang lahat ng yan.. maisip lang..

    jheng: wag ka nakikialam, hahaha, FICTION yan..hehehehe

    ReplyDelete
  5. Fiction talaga yung 25 e. Bwahahaha

    ReplyDelete
  6. Fiction talaga yung 25 e. Bwahahaha

    ReplyDelete
  7. Fiction talaga yung 25 e. Bwahahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...