Skip to main content

sapul ang tatamaan..

Kaya wag kang magtatanong
Di ko alam ang sasabihin
madami akong gustong sabihin pero di pa panahon. ilang beses ko nang napagdaanan ang pait. at tila ayoko ng umulit, minsan gusto ko man ipilit pero ayokong makasakit...

Wag kang magtatanong
Ayokong mayrong aminin
gustong gusto kong aminin na, pero kailngan  ikubli muna, baka mamali ang timpla at entrada, sumabit pa, baka tinapay na maging bato pa.

Wag kang magtatanong
Di ko alam ang sasabihin
minsan di ko rin alam kung anong sasabihin, kahit ako ay naguguluhan , tang inang puso yan, kala ko ay palamuti nalang, ngunit bakit bigla biglang kuminang, saka biglang magpapramdam at gustong magpagamit nanaman. sinabing ko nang baka masaktan ka lang ayaw naman ako pakinggan bakit di daw uli subukan. sagot ko ay hinayhinay lang..

Wag kang magtatanong
Ayokong mayrong aminin
ayoko talaga. ayoko kahit sa sarili ko ay aminin ko na ako uli ay napana, lintik na kupido na yan, ako ay nagtatago na, sinipat at kanya ata akong tinantsa, di ko naman naitanong kung sino ang aking kapareha, sinabi nya lang ay sana ay ito na ang huli nyang pag asinta sa puso kong sin tigas ng tinapay na may amag na..
ayokong umamin, ala akong sasabihin, maghihintay lang ako ng tamang timing.. baka kasi pag pinilit natin, maulit lang ang sakit. sakit na ayaw ko ng maramdaman ulit. alam ko na ang dahilan bakit ang iba ay mas pinipili nalang muna manahimik...kasi..
''mahirap naman kung unahan mo ang kanta, sira ang buong musika.. baka nasa intro o instrumental palang sya..hintay ka lang muna, pag maganda ang pasok tatak ang melodiya na tipong ihehele ka sa saya..''



Comments

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...