Skip to main content

auto in!

sabaw na sabaw ang utak ko dahil na din siguro sa gupit ko na di ko nagustuhan.. at oo napatay at nakalibing na ang gumupit sakin.. hay, ang di ko lang maintindihan bakit galit na galit ang mga baklang parlorista pag maganda ang nagpapagupit sakanila.. bitter ba sila?? di ko naman sinasabi na maganda ako naniniwala lang ako sa sinabi ng nanay ko na ako ang pinakamagandang anak nya, malamang diba? e dalawa lang naman kami ng kapatid ko at lalaki pa sya.so mabalik ako sa gupit ko. I HATE IT!!!! 

at dahil nga dyan wala ako sa wisyo magmagsulat kahapon at kanina, pero ngayon dahil may naalala ako eh ibabahagi ko na, baka mawala pa pag naging bulalo na ang sabaw na sabaw kong utak..

(to the tune of sweet love by tia)

ayokong makasakit, ayokong mag paasa. pero kasalanan ko ba kung makaramdam ako ng saya sa piling ng iba??

mali man o tama, sabi kasi nila dapat wala ka ng nararamdaman sa iba bago ka pumasok sa isang relasyon..e gaya ng pagtae, mapipigilan mo ba to kung sasabog na? kailngan mo pa bang isipin kung sino ang makakaamoy?! e kung magiging masaya ka at giginhawa matapos mo tong mailabas diba??

so nais ko lang magpasalamat sa isang kaibigan na nagpapangiti, nangiinis, nangungulit, at nangiistorbo sa pagtulog ko, kaibigan na kasama ko sa pagtae pagligo at pagkain.(oops sa text lang naman)..

ayokong magmadali, ayokong unahan ang lahat, ayokong magpaasa, ayoko makasakit, ang alam ko lang masaya ko at nakilala kita. sabi nga nila may tamang oras sa lahat.. at isa pang ayaw ko...


AYOKO NG MAGPAGUPIT!!!

bakit auto in ang pamagat?? kasi over break na pala ako di ko namalayan..trabaho na uli muna..

Comments

  1. kokak! hahaha wawa naman wala na kayong ACW :P hahaha

    ReplyDelete
  2. HAHAHAHAHAHA!!! :)) Pigilan mo muna. Baka kasi hindi ka pa bababa sa jeep ni manong ka abutin. HAHAHAHAHA
    :))

    ReplyDelete
  3. tara: bex umuulan..umuulan ng calls ngayon!! walang hingahan!!

    jenn: bakit di mo itry gamitin ang blog no pag magcocomment ka diba?? hahaha,,anong pipigilan ko? ang pag tae?? hahaha

    ReplyDelete
  4. Hahahaha. Trip ko lang bakit ka ba nangengelam. O sige. Yun nalang blog ko. Tse. Oo. Baka matae ka sa kung saan e. Hahahaha.

    ReplyDelete
  5. Ay may nakalimutan pala ako.

    You're welcome.


    HAHAHAHAHAHA! Charaught! :))

    ReplyDelete
  6. jenn: hahahahahahhahahahahaha:)

    ReplyDelete
  7. hahahaha! Kamusta naman ang convo nyo dito sa comment box? chatbox lang mga ateh? lol.

    natawa ako, talagang tae ang sampol? Napaka bango kapatid!

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...