Skip to main content

tsinelas kong pink.

ay putek! nakatapak pa ko ng chiklet.. ang ganda na sana ng moment e..naglalakad sa ilalim ng buwan.umupo sa mga damuhan, masayang nagkekwentuhan, maghapon naglalambingan.

panira talaga tong chiklet na to sa tsinelas ko oh. di ko naman masabi sakanya kasi nahihiya ako. baka kasi tawanan nya lang ako, lakas nya pa naman nyang mang asar.

e pano ba nagsimula ang punyetang chiklet na to sa tsinelas ko..

ganito kasi yun..

sa gitna ng naglalakihang building ng ps bank, lepanto, at shangrila ay naupo kami sa damuhan, pagod, pero para sakin,kulang ang araw, at napakabilis ng oras.siguro nga kapag kasama mo ang taong gusto mo kahit anong pigil mo sa oras ay tatakbo to at hindi makikiayon sayo.

aaminin ko ang baho ng damuhan na inupuan namin, pero sabi nya mabango daw ang amoy ng damo ( adik ba to??) .. pero gaya nga ng kasabihan, minsan kahit ayaw mo, magugustuhan mo nadin kung gusto ng tinatangi mo..

tuloy ang kwento, napagusapan ang mga nkakahiyang pangyayari nung una kaming magkita,yung napanood sa sinehan na di namin gaano naintindihan, di dahil sa may ginagawa kami sa sinehan no!kahit naman alam ko na gustong gusto nyang hawakan ang mga kamay ko ay wala talaga kaming ginawa!!(swear) malalim lang talaga ang english. !

kwentuhan..tawanan.., hanggang sa naitanong ko sakanya, masaya kaba ngayon? syempre sinabi nya na oo naman.. saksakin ko sya kung hindi. nageffort na nga ko gumising ng maaga kahit di ko kaya.tapos sasabihin nya di sya masaya?sasapakin ko talaga sya.

pero gaya ng sinabi nya, masaya sya, prang may biglang langgam na sumundot sa pwet ko..(oo promise) may langgam sa damuhan na inupuan namin.at aaminin ko din kahit may langgam, kinikilig ako..
natanong ko din sya ''kung may kanta ka na ibibigay sakin ano yun''

''salamat ni yeng'' napaisip naman ako bigla kung ano ang laman ng kantang yun sinearch ko pa kay google kanina eh..ewan ko kung bat sya nagpapasalamt e wala pa naman kami nararating at nagsisimula palang.pero..isa lang masasabi ko.. ''youre welcome''.


tapos tumitig ako sa mga mata nya, mata nya na ayaw man lang ako tingnan.nahihiya siguro..pinilit ko syang tingnan din ako, at tumingin naman sya..

ang mga susunod na mababasa ay di angkop sa mga batang magbabasa patnubay ng magulang ay kailngan..RPG!

at iyon na nga habang papalapit ako sakanya at sya sa akin..unti unti.. with slow motion.. nakatingin ako sa mga labi nya at sya din sa akin.. unti unti uli..

BIGLANG TUMUNOG ANG CP  ko.pucha yung friend! ko wala daw kasama..aalis na daw yung kasama nya..kaya tumayo na kami bigla.. at pinuntahan ang kaibigan namin (sayang)..

at habang naglalakad kami ay dun na nga ko nakatapak ng punyetang bubble gum na yan!!! nkakaasiwa sa pakiramdam na bawat lakad ko ay may dumudikit NA PARANG AYAW AKONG PAALISIN!!
pinilit ko.. inunti unti ko.. habang nakatalikod sya.. hanggang sa... sa wakas! natanggal ko din!

naging okey ang takbo ng gabi, dumating na ang oras para kami ay maghiwalay, nagpaalam na kami sa isat isa..masasabi ko lang okey na okey ang buong araw, masaya, parang ang sarap huminga pag kasama sya..

ok na ang lahat, lecheng chiklet yan, panira lang..pero gaya ng chiklet na yun,yan ang magpapaalala sakin sakanya. nakadikit na ko sa puso nya, at  ayaw ko ng umalis..

alam kong di pa to huli.. simula palang..salamat sa tsinelas kong pink na nadikitan ng chiklet dinala ako patungo sayo..

wala naman talagang connect ang pamagat naisip ko lang..hahaha.

:)

Comments

  1. "Habang papalapit ako sa kanya at siya sa akin unti unti with slow motion nakatingin ako sa labi niya at siya sa akin.. unti unti.."

    PARANG WLANG GANITONG EKSENA?! HAHAHA!!! ikaw ah! May binabalak ka pala aa! Bwahahaha..!!!!

    ReplyDelete
  2. anon mo mukha mo!!! nakikialam ka.. fiction to!!!

    ReplyDelete
  3. Hahahahaha!!!! Puchu puchu!

    ReplyDelete
  4. hindi mo na sana pinansin ang cel mo. iyon ang panira ng moment hehe.

    kilig moment. panigaradong ilalagay sa kalendaryo ang araw na ito :)

    musta na ang palaka ?)

    ReplyDelete
  5. kasi naman yang kaibigan mo o! tnext kpa.. hahahahaha




    *SORRY* :)

    ReplyDelete
  6. tara wala talagang ganyang eksena e. LOLOLOL

    ReplyDelete
  7. hahahahahahaha!!! amputek! natatawa ako habang nagbabasa ako! ewan! kasi naman, una kong nabasa yung blog ni anonymous! ayan napag-connect2 ko tuloy! taragis! lol

    ReplyDelete
  8. dapat kasi nakasilent ang phone ayan tuloy nasira ang moment. hahaha

    ang kulit ni anonymous deny pa. hahaha

    ReplyDelete
  9. Superjaid-wala ho akong dinideny. Pawang katotohanan lang ang sakin.

    Cheenee-madagdag ng kwento! Boooo!

    ReplyDelete
  10. basta acu'y humihingi nang paumanhin sa aking pang-iistorbo sa inyo.. hahahahahahahhaa dami cu tawa! im GUILTY.... bakit pa kasi kelangan anonymous! wala ka bang blog? hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...