Skip to main content

break na tayo..

dear saytel,

matagal tagal na din tayong nagkasama, tandang tanda ko pa, nung una kitang nakilala, napadaan lang ako sa harap mo nun..una ay nahihiya akong pumasok at makipagkilala kasi naman di ako handa, nakatsinelas nga lang ako diba? nakapants at shirt lang din.. pero di ka choosy, pinagbuksan mo ako ng iyong pinto agad agad.. nakakatuwa nga eh, kasi nung araw na yun ang balak ko lang talaga ay maggala, pero sinupresa mo ko, ilang oras lang matapos ang maraming proseso sa pagpapakitang gilas ay, sinabi mo na nais mong maging parte ako ng buhay mo at gusto mo ora mismo.



haaayyy..sobrang saya ng pakiramdam ko ng araw na yun, sa dami namin na gustong mapasagot ka isa ako sa mapalad mong pinili. salamat ha? marami din akong natutunan sayo, una ay nung pinakilala mo sakin ang kaibigan mong si MCI kung saan mo ko pinagkatiwala..



kay MCI natuto ako kung pano makitungo ng maayos sa mga taga ibang lahi, natuto akong rumespeto ng ibat ibang uri ng pagkatao,sakanya ko rin natutunan magbenta ng magbenta.lahat ng hiya ko sa katawan nawala, makabenta lang, natutunan ko din sakanya kung pano manloko ng tao, magsinungaling paminsan minsan para di magalit ang mga ibang lahi,higit sa lahat natutunan kong tanggapin ng maluwag sa loob ko ang lahat ng mura at galit ng dayuhan, sabi nga..''pasok sakabila labas sa kabilang tenga.. MUTE. murahin mo din.. TAWA..TAPOS!..'' o diba ang saya..

Si MCI din ang nagpakilala sakin ng importansya ng pakikipagkaibigan..pagmamahal sa sariling kagrupo.. intindinhin ang lahat ng pagkakaiba ng isat isa... ilan dito ay si donie, momy kate, momy, irene, arman, coach kevs, momy boons, xtian, boss kimi, boss elen,boss tracey, kate,alfie, tracy, darcy, jade, at marami pa.. natutuo din ako maglet go.. dumating kasi ang panahon na kailngan umalis ni MCI, kaya ipinamahagi mo kami sa ibat iba mong tauhan.


nagkahiwahiwalay, nalungkot. nakamove on. napagkatiwala mo ako kay VM nag level up naging level 2. nagkaron uli ng ibat ibang kakilala nakabuo ng solid na barkada. TARA,JOBO,CARMI,JOEMAR,SAM,JESSA,JOY.

nabuwag. nalipat sa ibat ibang kamay, ako?! napunta sa iba hanggang sa nauwi sa pagtuturo ng mga bago, nakaramdam ng pagod, nagkasakit, naisip na mas malaki ang pera sa pagiging ahenta at di pa pagod.. bumalik sa floor pinilit buuin ang team na nawala, at nabuo naman uli.. kaya lang dumating ang panahon sumuko na ang iba, lumipat ng ibang karelasyon.. iilan nalang kaming naiwan sa pngangalaga mo.


di naman maiiwasan ang pagsuko ng iba.. ala din naman ako karapatan pigilian sila kung hindi naman na talaga masaya sayo diba?! gaya ng pakiramdam ko ngayon.


lunod na lunod na ko sa paulit ulit na ginagawa ko dito. ok lang sana kung masaya ako katulad ng dati, kaya lang ang saya na yun ay napalitan ng sawa. at galit.. oo galit ako ngayon.. ayoko kasing nakikita nagkakaganito ang team. bilang nakatatandang kapatid nila ayoko ng naiiwan kami sa ere.may mga tao na unti unting lumalabas ang ugali ng dahil sa PERA! pota!!!! at hahayaan nalang ang lahat sa ere..

na araw araw pagalitan ang may sakit at piliting magresign ang ayaw naman magresign. gusto kong sabihin sa harap ng kung sino man sya na kaya bumibitaw ang iba kasi nawala na isa sa mga tao na nagpapalakas ng loob namin dito. nagbago na.

ayaw ko man iwan ka SAYTEL ,na bumuhay sakin ng 3 taon. na humulma sa pagkatao ko. pero kailangan ko ng bumitaw. simple lang di na rin ako masaya sa nakikita ko dito. napapagod ako. nalulungkot.

alam ko di ka naman nagkulang sakin Saytel.. pero siguro hanggang dito nalang tayo.. wag ka magalala.. di kita malilimutan at araw araw tatanawin kong malaking utang na loob ang naitulog at naiambag mo sa buong pagkatao ko naitulong mo sa pamilya ko, sa lahat ng luho ko naging kasama kita ng matgala na panahon, sa pagtawa pagluha..hindi ikaw ang may kasalanan. marahil di lang talaga tayo para sa isat isa.at siguro panahon na para pakawalan mo ko. malay mo mas malayo ang marating ko sa pagbitaw ko sayo.


salamat.kasama sa pag alis ko ay tngan  tangan ko ang lahat ng naituro mo. maraming salamat uli. hanggang dito nalang tayo..

                                                                                                                  lubos na nagpapasalamat.,
                                                                                                                  palaka.

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. at sya ay si **too-toot** haha. muka na talagang pera syet! anyways, kung san ka sasaya go lang! ako susunod nalang soon.. tara na magkita kita nalang tayo nila jobo! hayaan mo yang mga trying hard na yan LOL :)

    ReplyDelete
  3. Sad T.T Ayoko talaga nang may naghihiwalay pero kung di na tama at kailangan na talaga ay kung san kayo mas sasaya. I'm sure may darating pa na pangingitiin ka.

    Btw followed ur blog. Hope u follow back :)

    ReplyDelete
  4. eh di break kung break. hmpf. basta, wag na wag niyang gagawing football ang anumang lovelife. football --- pagkatapos mong sipa-sipain, saka mo hahabul-habulin.

    ReplyDelete
  5. Archieviner:
    tama.. alam ko mas marami pang opputunities.. hehehe

    sam: nabasa ko blog mo. may galit talaga??hahaha

    renoir: bitter? may pinagdadaanan.. hehe.s alamat sa pagdaan kapatid..

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...