Skip to main content

sa paskong darating.. ano ang akin?!!



actually isang linggo na kong nagiisip kung ano gusto kong matanggap sa darating na pasko, yah, medyo oa lang.. pero sabik kasi ako sa reagalo, pano ba naman simula bata ako ang natatanggap ko lagi, kung hindi face towel, e panyo,alarm clock o lagayan ng sabon, minsan nakatanggap pa ko ng jackstone.. at pagkain.. o diba kakaasar lang??? tuwing xmas party yan simula daycare.. di ko malilimutan ay pinakamaganda ko atang natanggap na regalo ay damit na may logo ni superman.. yun na talaga ang pinaka maganda. swear!!!nung college naman laging cash ang binibigay sakin..

so ngayon tama na ang mga pasakalye.. eto ang wishlist ko this xmas...para alam nyo na bibigay nyo sakin. hahahaha..

from: mama: understanding lang talaga, ayoko ng material na bagay galing sakanya, gusto ko lang minsan maintindihan nya ko, bakit minsan kailngan ko magtrabaho dito sa manila at kung bakit ayaw ko magwork sa mental hospital samin. at sana maintindihan nya narin ako kung bat minsan di ako nakakauwi at kung bakit ako ganito..


from papa: ayan.. sana itigil na nya ang bisyo nya, yosi at alak, kasi naman nastroke na at lahat tuloy pa din sa mga bisyo nya. wala na ko magawa nagaaway lang kami pag pinagsasabihan.hay.pero sana ngayong pasko maisip nya na ihinto na para sakanya at para samin.




from: kapatid : di ko gusto regaluhan mo ko ng motor, ang gusto ko lang sana tantanan mo na ko kakahingi ng pera pang set up ng scooter na bingigay ko sayo!! magtrabaho ka naman! pinagaaral kita ayaw mo, ayaw mo din magtrabaho ano bum nalang forever??? mahiya ka naman sakin..saka kila mama.. (di ako galit hehehe)






from x:  oo bigyan mo ko ng mahabang pasensya baka masaktan na kita talaga.. ( oops cyber crime naba to?!) wala lang kailngan ko talaga ng pasensya sakanya malapit na kong mapikon sa inaarte nya..hayy.. magpapasko pa naman. wag mo nalnag ako pansinin o wag nalang tayo magpansinan mas okey yun. kesa kakausapin mo ko mangaaway ka lang.. estapit!!!




from friends:  kayo na bahala.. wala ko maisip. okey narin siguro yung lifetime friendship..hehe. inreturn lifetime friendship din!!!

from bloggers:

fun sign  lang ng xmas at may name ko.. hehehe.. puhhhhleaseeeee..!!!!!!!



from myself:

1. travel trip not this xmas but for my bday this january kahit ako lang magisa..
2. washing machine sa apartment ko.
3. new job sa ibang bansa.
4. nike shoes na white
5. samsung laptop yung icore5 na na slim!! (pangarap lang for now)
6. lcd na 32'' para kila mama.. (ang mahal naman)
7. damit para kila mama, kuya at papa this xmas sagutin ang handa ng pasko at new year.
8. new jacket!
9. headpone ng bose.
10. SECRET akin nalang to..( happy heart)


--parang lugi ata ako sa gift ko sa sarili ko.. haha.pero okey lang sana mtupad lahat at maibigay lahat..thankyou santa.. :))







Comments

  1. bulinggit!

    klangan tlg ksama c ungas?! saktan n yan :-) bayolente ko bkt!!...

    ReplyDelete
  2. ate eds: oo saktan mo.. mauna kang bumanat.. tapos hawakan mo.. babanat din ako.. hahaha

    ReplyDelete
  3. Ang gusto ko lang sa pasko ay magkaroon ng sexy time with Jinri Park. Sobrang pangarap ko kasi talaga na may makasiping na A+ ang datingan. Hehehe!

    ReplyDelete
  4. Hahaha.. nun bata ako, ayoko ng picture frame matatanggap sa exchange gift.. choosy?!

    Ano ba issue ni ex at nauubos pasensiya mo teh? Meron pasencia sa palengke, bili ka muna, chos!

    ReplyDelete
  5. nakaka relate ako sa mga gifts nung elementary ako pero nag bago din nung highschool kasi may wish list na...:)


    ang aga yata nung pasko...good for you na feel mo na yung spirit of christmas...di sa akin...:(


    xx!

    ReplyDelete
  6. goyo: ang pretty nya nga.. malay mo may clone na nya tapos ayo nalang.. hahaha..salamat sa pagdaan idol..


    joanne: pakibili nalang ako.. wala kasi sa palengke samin..haha


    xoxo: bakit naman sad? dapat happy lang..

    ReplyDelete
  7. yung first gift mo dito na sa dumaguete city ;-) hehehe

    cheene ano ba yung funsign? sorry mejo outdated na tong utak ko eh

    ReplyDelete
  8. phioxee: yun nga balak ko.. gumala dyan..:)) hexited na koooo!!

    funsign= di ko din alam eh.. haha ang pagkakaalam ko yung sinusulat sa papel.. tapos magpipicture ka kasama mukha mo..saka yung sulat.. hahaha( ang gulo ba)

    ReplyDelete
  9. Nakarelate ako sa mga natanggap mo nung pasko. haha. nabanggit mo ba ang picture frame. haha. Natawa ako sa message mo to ur kapatid. lol

    ReplyDelete
  10. archieviner: hahaha.. ok naman na kami ng kapatid ko. magtatrabaho na daw sya.. nakalimutan ko nga picture frame eh. kasi kadalasan alarm clock talaga natatanggap ko.

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...