Skip to main content

resulta ng 25 ko.


so ano bang nangyari sa ka emohan ko last 25 of the month? wala naman.. dahil may pasok sya  7am-5pm e maaga sya umalis, gumising ako mga bandang 11am na, (ang batugan ko diba?)  pagising ko eto mga ginawa ko..

1. naghilamos, nagtoothbrush, nag C.R. (tumae ako). hahaha
2. nagligpit ng higaan
3. nagayos ng damit namin na ipapalaundry,at dinala narin sa laundry shop.
4. naglaba ng under garments namin
5. kumain ng chocolates.nagdoodle saglit.
6.natulog ulit

=======================

nagising na ko mga bandang 5pm.. naligo lang at nagpunta sa pinakamalapit na comshop para magpaprint ng application para sa passport..

naaliw ako kay cher lloyd sa youtube kaya umabot ako ng one and half hour sa shop.. paguwi ko tumanga saglit naisip ko monthsary dapat namin, pero wala pa sya 7pm na, nalungkot ako bigla.. pero mabilis lang naman ako makamove on, so ayun naisip kong kumain kasi di pa pala ko kumakain ng araw na yun, nagpunta ko kay ateng isawan para tipid..

pagdating ko kay ateng isaw, nandun din SIYA.. namimili, normal na hi and hello lang.. tapos ayun, nagkwento sya sa nangyari sa store nila sa gitna ng nakakaliw na usok mula sa iniihaw na isaw.. nang bigla nyang sinabi..

''YELLOW CAB TAYO?''

nagulat ako, mukhang tanga lang, para kasing nagaaya sya ng date..e tamang tama monthsary namin DAPAT sana yun..kala ko nalimot na nya.. though walang batian na naganap atleast kakain kami sa labas..

so sabi ko.. ''SIGE..kaya lang mcdo sana gusto ko..pero sige yellow cab nalang''

hanggang sa sumakay kami ng tric papuntang yellow cab makati ave. ang pucha sarado!!! for renovation.. nadismaya kami pareho..sabi ko ''baka sa rockwell meron''.. so ayun na nga pumunta kami sa rockwell pero sabi ng guard sa entrance ''SORRY MAAM..PERO WALA PONG YELOWCAB DITO''.. napapakishame ako bigla..

so ang saklap.. nagaway pa kami kasi sabi nya mag chowking nalang kami. e ayaw ko nga dun.. ako nagpumilit sa rockwell.. ang ending sumakay uli kami ng jeep pauwi  bumaba sa chowking.. at wala naman kami inorder kundi siopao at wanton. dahil nawalan na kami ng gana.. kasi nga gusto namin yellow cab!!!!

nagulat ako sa no. na binigay ng cashier.. na nagpangiti sakin..eto oh!


atleast may 25!
so ayun na nga. after we eat, e umuwi na din kami, e dahil sa may dinikit akong doodle sa closet nya ''dheng happy 25''(yan nakasulat).. so ewan ko kung natuwa sya or what, di ko na napicturan.. haha, sabi nya lang.. ''bakit iba itsura ni happy dito??'' (si happy yung baby penguin namin).. tapos iyon bigla syang tumawa..
 ewan ko kung nagustuhan nya, e atleast nakita nya..

tapos nun, nanood kami ng GGV, sobra tawa namin,  at habang nanunuod kami naisipan nyang mag doodle din.. pero sa katawan ko.. hahaha. so eto ang  result ng doodle nya daw.. na di naman doodle. nagdrawing lang sya..



first doodle nya
si happy, ang baby penguin namin. (ang laki ng braso ko no?)

pangarap ko talaga magkaron ng tats..



black n white..
 

  









 so ayan ang mga picture ng kalokohan nya nung gabi na yun.. at pagkatapos ng pinapanood namin na ggv at awards night. e natulog na kami..
second tattoo nya.ambigram ala dheng..



-masaya.. kasi though wala namna usual na batian na nangyari, e lumabas parin kami, kahit siguro ako nalang nagiimagine na mahal nya pa ko, e ayos lang libre naman mangarap.. kahit may iba na sya sabi nga ni jobo e ang importante ay nakakasama ko pa din naman sya at nakakausap.. so im so thankful for that and kung hanggang dun nalang talaga kami e ayos lang..

akala ko magiging malungkot na ang 25 ko, medyo masaya naman.. ay mali.. masaya pala talaga.. para kaming bumalik sa pagkabata.. infairness naman sakanya tuwang tuwa sya habang dinadrawingan ang katawan ko..  at salamat kay vice ganda, walang kupas magpatawa! the best!..


doodle update:
monday 11/26/12 ..

galing ako sa megamall after dfa passport thing.. after that i went to medical city. para samahan ang friend ko sa followup check up nya. see?? im working on your doodles kahit saan ako mapadpad..



pasweet


para kay ate eds..


--------so yan na muna. ang haba na ng post ko at nkakaumay na ang itsura ko.. hahaha.. bakit ba blog ko to..



Comments

  1. yung fact that you find bliss in simple acts---good yan.that's the secret of being happy,and good thing you have somebody to share that happiness with. me drawing-ngan portion pa :)

    ReplyDelete
  2. haha ang galing naman naalala ko gf ko nag gawa ng doodle haha ako ung mas nag dodrawing samin ako ung di marunong nyan haha

    ReplyDelete
  3. KUYA ANTON: e dpat naman talaga.. ull find ur own happiness.. hehehe

    mecoy: uyyy may biglang namis.. hahaha

    ReplyDelete
  4. Kailangan ko ata makapagback-read sa blog mo ng malaman ko full story ng 25 love affair mo, naguguluhan ako minsan, hehe! Pero happy naman ako at naging happy ka rin nun 25! Ayan ang sipag mag-doodle! :D

    ReplyDelete
  5. ang cornix noh?doodle sa katawan. pano yan di ka na naligo? kasi mawawala yung gift nya sau

    ReplyDelete
  6. joanne: haha.. magulo lang talaga buhay ko kapatid.. masanay kana..

    phioxee: ayos sa comment.. haha.cornix ba?? kesa naman may bf nga bihira naman magkita. ano kaya yun..(ay wala po akong pinapatamaan.. haha) kaya ng pinicturan ko nalang para mabura man may matetreassure ako.. hahaha.apir!!

    ReplyDelete
  7. speaking of doodle, ginagawa ko na yung doodle ko sayo. yihiii...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow.. para sakin?? naexcite naman ako..

      =CHEENEE

      Delete
  8. Ang cute nman ng penguin :D Happy 25 sa inyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. cute nga.. kaya lang wala ng happy eh. wala namang kami..

      =cheenee

      Delete
  9. galing naman magdoodle. padoodle nga ;D

    ReplyDelete
    Replies
    1. san mo gusto mag doodle kuya bino?? hahaha

      =cheenee

      Delete
  10. sino yung pinapatamaan mo? hahaha

    ReplyDelete
  11. I've just started following you, if u would follow me back i'll be very happy :)

    http://glamourdrama.blogspot.it/2012/11/primo-mese-di-vita-giveaway.html OPEN GIVEAWAY!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok. thankyou for dropping by...

      =cheenee

      Delete
  12. bakit nga pala hindi mo trip ang chowking? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala lang.. siguro dahil di ako batang chowking. ayoko ng noodles.. at mix rice.. haha

      =cheenee

      Delete
  13. oo nga anong meron sa chowking?

    infairness, ang galing ng mga drawing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. kasi si chowking di sya pedeng maging jolibee at mcdo. haha ano daw..

      salamat..

      =cheenee

      Delete
  14. aba starring ako sa post mo ha...paborito ko ang chowking ...hindi sila madamot gaya ng starbucks,,,isang family set lang may planner ka na sa starbucks kelangan babalik balikan mo talaga...leshe...anyways kelan tayo magkikitakits nina sam...parang hindi na kayo nangungulila sa akin ha...kelangan ata hindi ulit ako makipagcommunicate ng ilang buwan bwahahahahahaha

    ReplyDelete
  15. Naiintriga ako sino ba sya? bakit ayaw nga sa chowking. Sabagay ako din ayoko ng food nila. Sabi ko na nga ba love mo pa sya e :) hehe. good thing kahit wala na kayo ay friends parin kayo :)

    ReplyDelete
  16. Ayee. Kilig kuliglig sa post na 'to.

    Ok lang na hindi yellow cab, basta nabusog ang mga puso nyo, ayos na! ;D

    ReplyDelete
  17. jobo: wag kana umarte dyan.. ikaw naman kasi lagi busy.. sa sunday kaya? pede ka??



    kuya achievner: hehehe, pinost ko pic nya binura ko na din.. hehe. ala naman kasi msyado choices when it comes to foods..

    gord: tama.. kilig.. ako.. haha

    ReplyDelete
  18. off din kasi ni lovelife...monday bago 10 pm ang sched ko...kayo ba?

    ReplyDelete
  19. jobo: may pasok kami ng monday ng 4pm.. anong oras ba sa monday? lunch? u want daw sabi ni sam??

    ReplyDelete
  20. hindi ako papayagan ni yam yam pag lunch kasi walang magbabantay sa kanya habang natutulog sya bwahahahaha nu ba off nyo? martes okay lang...nakakairita talaga yung kanta kanta sa blog mo

    ReplyDelete
  21. jobo:wed ulit off namin.. split eh. ask ko tara. wed pwede ka??

    at talagang ginawang chatbox to? hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...