takbo ka lang ng takbo. baliw kana ba?!
bakit di mo subukang huminto?
damhin ang hangin,masarap naman. di mo ikakamatay.
o buksan mo tong tubig, o diba ang lamig?!
ikaw naman kasi laging sinasarili ang pagod.takbo ng takbo sa sarili mong pwesto.
taympers muna kaibigan, di mo kailngan lumayo, lumayo sa lahat ng nakasakit sayo.
pinipilit mo lumayo, e ang kaso balik ka din ng balik.
urong sulong mas lalo ka nyan mahahapo.
bat di ka muna maupo tiisin ang lahat ng tagpo.
panoorin mo muna ang sandali na araw araw sayong nagpapasuko.
tingnan mo bukas wala ka na mararamdaman...parang pelikula lang yan sa simula
maiiyak ka, pero paulit ulit mong panoorin, wala ng dating.
o diba patok ang payo ko. kesa takbo ka ng takbo
e hinahabol ka naman ng tinatakbuhan mo kasama pa karibal mo
para ano? para sa kabutihang dulot mo.
ay sorry naman kaibigan. masakit bang pakinggan?
sabi naman kesa iyong takbuhan bakit di mo nalang pagsawaan.
panoorin kung pano ka pagsamantalahan ng taong ilang milyong beses kang iniwan.
o ayan na sya. alam ko manhid kana. salamat naman at nakinig ka sa payong tanga
alam ko di ka masaya. pero di ka naman na nalulungkot diba?
isipin mo nalang habang pinapanood mo pelikula nila,lilipas din yan at luluma.
mapapalitan ng ibang tatabo sa takilya.
at sigurado ako sa pagrolyo ng susunod na kabanata..
tandaan mo kaibigan. bawat sugat ay maghihilom. wag mo lang galawin.
upo ka muna. magmasid at magpahinga.
alam ko pagod kana. pagod ka ng umasa..
Parang magpinaghuhugutan ka sa tula mo na to. Tama etong payo mo na minsan kailangan natin munang magpahinga. Minsan din time will heal our sugat :)
ReplyDeletenaks!!! kelan ka pa natuto tumula??? lol
ReplyDeletebet ko yo "e hinahabol ka naman ng tinatakbuhan mo kasama pa karibal mo"
archiever: hehehe. malalim ang pinaghugutan nyan sa langsss ko pa nanggaling yan.. hahaha
ReplyDeletejheng: minsan may mga hidden talent ako.. hahaha
bet mo ba?? ako di ko bet. pucha lang.. hahaha..
Tama, pahinga lang ang sagot sa sugat. Things eventually get better.
ReplyDeletepara ngang ang lalim ng pinaghuhugutan ng tulang ito. hahaha
ReplyDeletePAhinga muna :)
ok lng nmn umasa pa ... wag lang mawalan ng pag-asa ,,, takbo pa! kahit ilang beses ng nadapa!
ReplyDeleteOo nga lahat ng sugat naghihilom. Kung hindi, may lalabas na pari jan.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
the message is true...savor every moment and live the present...:) face your fears and live with it!..:)
ReplyDeletexx!