Skip to main content

bente singko.. nanaman!


kelan kaya mauulit mga yakap na mahihigpit
kelan kaya mauulit mga halik na di pilit
palagay koy ang tagal ko ng naghihintay
sa pagkakataong sakin araw araw pumapatay

masasabi kong pagod nako
pero ayaw sumuko ng puso ko
nilalalamon na ko ng sakit ng paghihintay
habang ikay masaya sa ibang kamay

hanggang kelan kaya ako aasa
sana ay sabihin mo na
hanggang kelan maghihintay
pakiramdam koy puso koy unti unting tumatamlay
nababalot na ng sakit at poot
wala kong makitang tamang gamot

hanggang kelan ako aasa..
na maulit ang yakap na mahihigpit
ang mga halik na di pilit
hanggang kelan..
tangi kong pagibig..

--- 25 nananman. nageemote lang.. hay..kelan kaya darating ang oras na di na ko malulungkot pag 25.. minsan di na ko umaasa na babalik sya.. pero umaasa ako na may isang tao.. na para sakin talaga.. ang hirap naman kasi hanggang ngayon kasama ko pa sya.. iisang bahay.. ramdam ko lahat. pakshame.susunod na 25 e pasko..sana naman sa darating na 25.. may mabago ng sumaya naman pasko ko..



Comments

  1. ang drama mo naman...di mo mansiya mayakap ng mahigpit at least alam mo nandiyan lang siya...nakikita mo nakakasama at nakakakuwentuhan...mabuti naman yun...

    ReplyDelete
  2. hoy jobo!! bawal ba magdrama.. mana lang ako sayo.. hahaha.. kelan ka daw papakita?

    ReplyDelete
  3. Tama si jobologist ang drama.dyuk! every 25th pala kayo.

    Palagay ko mahal mo pa sya. Gumawa kapa kasi ng tula at naaslala mo pa sya. hehe (palagay ko lang ah. pero ikaw parin yan)

    Darating din yung tao na para sayo :)

    ReplyDelete
  4. atee! actually, hindi ko naman alam ang sasabihin ko. makikicomment lang ako. I guess, ang bottomline lang naman, time heals all wounds. meron mang peklat na matitira, at least, hindi na kasing sakit ng sugat na nauna. :)

    ReplyDelete
  5. nakakasad naman ung post mo cheer up na parekoy sana maaus nu yan
    25 pala kau kami sa 28 lapit na din

    ReplyDelete
  6. kalma lang! keri keri lang yan. :)

    ReplyDelete
  7. sa susunod na 25..pasko na nga. ang masasabi ko dyan ay...Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
  8. ako pa ang madrama? sino ba nananalo sa mga best emo ek ek category...btw kairita yung kanta kanta sa blog mo nagugulat ako lage.

    ReplyDelete
  9. jobo: tang ina mess ka.. haha.. :) kelan ka papakita?? musta ba?

    ReplyDelete
  10. waaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!! di acu magccomment para sayo bex! kundi para batiin lang si JOBO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bekibels! i so miss you! kamusta na?

    ReplyDelete
  11. taramoster...bwahahaha pang siraulo yung comment mo...tinawagan ko yung number mo dati lalake ang nakasagot kapatid mo ata....magkita kits tayo nina cheemotera sa monday! or martes!!

    ReplyDelete
  12. ang nkaraan ay bahagi nlng ng nkalipas n panahong ndi n dpt pang balikan kung patuloy k lng mssaktan!
    subukan mong bumitiw s mahigpit n pagkkayap s nkaraan, pra magkaroon ng puwang ang pagkkataon n maging masayang muli n mtagal mo ng inaantay!

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...