Skip to main content

tae lang..



warning: random post to sa dami ng gusto ko ikwento di ko na alam pano ko sisimulan pero pipilitin ko matapos ang kwento na to. hehe


1. umuwi ako sa bataan last sunday until tuesday at naubos savings ko, si mama kasi ang dami pinabili sakin, kasama na dito ang tiles para sa ginagawang banyo namin. masaya naman ang pag uwi ko, nagpadentist at pinatatanggal ko na ang bakal ko sa ngipin feeling ko kasi okey na sya. baka kasi bigla ko magabroad isa pa to sa aasikasuhin ko in the near future.

2. namili din ako sa bataan ng 3 jansport na bag. since dun gawaan nun..and i spent 1500 lang lahat  factory price!!

3. binigyan ako ni anonymous ng chocolates!! madami!!.advance xmas gift daw.sya si anonymous na mahilig umextra sa mga comment sa blog ko. salamat dun!!!kung sino ka man..

4. si mama nakikiusap na dun nalang ako magwork samin, since may job offer naman ako sa mental hospital. nagiisip pa ko.. ayoko kasi magstay dun. alang asenso.pero nag parenew na rin ako ng license ko. baka sakaling magbago isip ko at baka pagbigyan ko ang aking ina kahit ilang buwan lang.

5. naiinis ako ngayon.. ang takaw takaw ko kasi!! di ko mapigilan kumain. ang taba ko na ulit!!

6. im working on your doodles.. sa mga nag request..sabay sabay ko nalang ibibigay sa inyo..

7. gusto ko pumunta sa tournament ng tropang puchu puchu sa saberdey kaya lang may pasok ako.. oh nooooooowwww!! hay. ano gagawin ko?!

8. di na ko nagssmoke!em proud.

9. badtrip ako sa prc kasi ang bagal ng systema nila ang daming nauubos na oras! tapos kapag nagtanong ka sila pa galit! helow! customer service nga diba? kaya dun ako nagtanong. tapos tatarayan ako! gusto ko nga silang sagutin ng ''echusmeeee lang po!! yung tax ko po per annum e umaabot ng 40k yan po ang napupunta sa gobyerno para bayaran kayo.. tapos simpleng sagot lang po ang nais ko e di nyo pa sinagot ng direcho.. at kayo pa po ang galit.. edi po kaya nga po kayo nandyan sa customer service para sumagot ng mga tanong??'' pero buti nalang alam ko pa ang salitang respeto..ang hindi ko lang talaga matiis ang mabagal na systema.. saka opinyon lang po sana.. sana palitan nyo na mga tao nyo,, kasi yung iba sa katandaan nahihirapan na kumilos ng mabilis kaya lalo nagtatagal.. at sa katandaan narin siguro nila mabilis na silang mawalan ng pasensya.. eto lang kung ayaw nyo palitan patunayan nyo na kaya nyo pang magtrabaho. tae lang e, nakakaperwisyo!!

10.  naiinis ako sa mga tao sa paligid.. speaking of work. kung di nyo na mahal trabaho nyo edi magresign kayo..wala naman pumipigil. sumasama lang kayo habang tumatagal. nandadamay pa kayo ng ibang tao.minsan talaga lumalabas ugali  ng tao dahil sa pera.

11. mahal ko pa din si x. pakingshame!hahaha

12. bibili ako ng nike na shoes gift ko sa sarili ko this xmas!nakakita na ko ng design.

13. malapit na po bday ko..

14. nakuha ko na license ko kanina. after ng mahabang pila!!


my old and new license..blurred?? hehe. sadya yan. ayun bday ko oh! lapit na..


-end-



Comments

  1. jan 15, 1989? advance ;) tamang tama bakasayon natin sa Sinulog Festival, Cheenee kokak. excited much.third week of January kasi yung festival.congrats nagrenew ka na ng license at na overcome mo yung mga kapalmuks na pina pa sweldo mo sa gobyerno. hahaha

    ReplyDelete
  2. pareho tayong january ang birthday..capricorn? anyway, advance happy birthday wish ko sana matupad ang mga adhikain mo sa buhay ;)

    ReplyDelete
  3. triplet tayong may birthday sa January. hahaha.. =))) January 19. Magpapa-zesto tayo!! XD

    ReplyDelete
  4. ay ine expect ko talaga ginagawa mo na yung doodle aceo ko at kung hindi makikilala ng lahat si..... char char char

    ReplyDelete
  5. kudos sa di na pag smoke! very good yan!


    ang bait mo namang anak - bobongga ang banyo nyo dahil sayo :)


    ang mura naman ng mga bag! nainggit ako! :)



    advance happy birthday! :)

    ReplyDelete
  6. congrats sa pagstop mag smoke! achievement yan! lalo na ngayon na magmamahal na lahat ng bisyo!

    ReplyDelete
  7. waaah ako din di ata makakapunta sa tournament sa sat. tss anyway..wow tatlong jansport na bag for 1500. grabe.

    ReplyDelete
  8. Huwaw alam ko mahirap yung alisin yung pag ssmoke. Congrats. Congrats din at nakarenew kana ng license mo. Ang sweet ni anonymous sayo ah. ako din. dyuk!

    Happy birthday pala in advance :) Feb naman ako :)

    ReplyDelete
  9. phioxee: tama!! gift ko ha?? haha sige kita kits sa cebu.. exact date email mo ko!!

    pinkline: oo capricorn,salamat..sana nga..


    cyron: huwow! magkalapit bertdey natin!! sige pa zesto tayo sa edsa..

    jobo: o sya sige post ko na agad. hahaha


    zai: salamat..mura talaga.. sa factory ako namili eh.. hehehe.. may kakilala lang.


    nyabachoi: oo nga ang mahal na ng yosi.. haha


    jaid: pumunta ka! nagconfirm kana daw eh..


    achieviner: advance.. oo nga sweet nya.. haha. kaya lang anonymous eh..

    ReplyDelete
  10. Ang mura nun jansport na bag, sana nakapagpabili ako!

    Ang sweet ni anonymous.. ipakilala mo siya saken, wahaha!

    Congrats sa pag-quit sa smoking!

    Umaasa ako sa doodles ah! :P

    Congrats din sa license at advance happy birthday!

    ReplyDelete
  11. san sa bataan ang gawaan ng jansport bag? is it near balanga? yan lang alam ko e..

    ReplyDelete
  12. joanne: sige kapatid dont wory .. hintay lang sa doodles.. nawalan kasi ng tinta ballpen ko. hahaha. si anonymous? e anonymous nga.. di ko din kilala..haha.aniway.. pag nauwi uli ako sa province.. bilan kita.pero u need to contact me personaly.. email mo ko. or text mo ko..

    palaboy: sa may mariveles po.. malayo pa sa balanga.. hehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...