Skip to main content

pers lab ba?!

pagkagising ko kanina.. alas dose ng tanghali, napatingin ako sa isang teddy bear na nasa tabi ng kama ko, sobrang espesyal ng teddy bear na yun para sakin, unique yun dahil ang loob nya eh ''coffee beans''..oo gawa sya sa kape, kaya medyo sensitive at bawal madumihan.. pero dahil halos 3 taon narin yung bear na yun eh medyo may dumi na din..espesyal pa, kasi bigay iyon ng X ko... natawagin nalang nating kuneho..di ko masasabing pers lab ko si kuneho, kasi pangalawa sya sa seryosong nakarelasyon ko..(ehem)..
haay bigla ko tuloy naalala yung mga moments namin, at kung paano nya ko tinuruan kung paano magmahal talaga..oo! tama! di kao marunong maghandle ng relationship, kasi namn yung first Bf ko e parang wala lang, 4 months kami pero parang puppy love lang lahat, at iniwan pa ko ng lecheng lalaking yun..well balik tayo kay kuneho..pano nga ba kami nagkakilala?!! hmmmmmmm..(balik tanaw)

nagkakilala kami sa isang bday party ng barkada ko..ganito yun..

ako: pot..sino yun?(tanong ko sa tropa kong may bday)
pot: ahhhh.. sya si kuneho..bestfriend ni ate..bakit??
ako: ala lang..cute nya eh..(sabay ngisi)
pot: oi.. kay ate yan..

pagkasabi ni pot, na sa ate nya yun..nagets ko na, na yung ate nya at si kuneho ay may relasyon..di na ko nakiusisa pa..para sa pagkakalam ng lahat si kuneho po ay kabilang sa ikatlong lahi..ang ibig sabihin..oo! tama! isa xang les..discreet..pagirl pa din ng unti, hindi gupit lalaki at hindi pormang lalaki..kamukha niya to..gantong ganto sya..as in!---------->>>>>>>>>

tandang tanda ko pa..nung bday ng barkada ko..naisipan kong matulog na at di na sumali makipaginuman..kasi pagod sa duty..dun ako sa sofa..

kuneho: oy! shot ka muna?! bago matulog?ayaw mo bang uminom??
ako: ayoko..sige kayo nalang po.. uuwi pa ko samin bukas baka maamoy din ako ni mama..
kuneho: wala naman amoy to, tequila to..sige na para sakin..
ako: (jose cuervo ang pinapashot nya sakin..nagulat naman ako kasi meron pang para daw sakanya).hahaha..sige isa lang huh?(sabay shot)

e first time kong uminom ng tequila nun..3rd year college palang ako 19y/o, di pa mulat sa mga alak..hehe..si kuneho 24 y/o na..barista sya at part time bartender..:)(share ko lang) at iyon na nga..ang init pala sa pakiramdam so imbes na makatulog ako, nagising ako lalo..hanggang sa bumangon na nlng ako..at sumali na sa inuman nila..ang nakakapagtaka eh halos di ako nalalasing 4 nalang kami nagiinom ako, sya, ung ate ng barkada ko at ung isa ko pang barkada..tapos ng araw na yun.. kinabukasan umalis na din sila bumalik na sila sa manila..kasi taga dun talaga si kuneho..at ako umuwi na sa bahay..

december 6 2008..nung nakilala ko siya..at pagkatapos nun wala na..nagulat nalnag ako isang araw jan 3 kinausap ako ng barkada ko..

pot:  huy tex mo nga si kuneho..kasi si ate eh, may no. 2, e sakin nagoopen di ko mapayuhan kasi alam kong totoo na may kinakarir si ate..ayokong magsinungaling..eto no. tex mo nalng,,kilala ka naman nun..kaw na bhalang magcomfort..
ako: bakit ako?! di kami close..
pot: ahh basta bahala kana..

at yun na nga.. nagkatex kami ni kuneho.. una kinofomfort ko sya, pero pagkatapos ng ilang araw e..biglang nagiba ang ihip ng hangin.. bigla nalang inamin nya na may dating daw ako sakanya,,whew! gusto kong matuwa sa sinabi nya na yun, pero napaisip ako, kasi naman lesbian sya..at first time to para sakin..as in!though alam ko namn yung ganito at i dont have anything againts this, kasi iba sa mga barkada ko may mga karelasyon ding ganito.. tumagal ng isang linggo ang pagbibiruan namin sa tex.. hanggang sa..

''can i be ur JOBEE for better or for worst in sickness and in health till death do us part?''

bigla ko yang nabasa sa cp ko..di ko lam irereply..unang una, may gf parin siya at ate pa ng tropa ko.. at ikalawa first time ko to if ever..at ikatlo..patay ako sa barkada ko!

''huh?!'' jobee??!

''oo..yaw mo?! ikaw ang jobee ko..ayaw mo ba??''

''ahh..nagulat lang..kasi..haaayy''

''ano? sige wag nalang binabawi ko na''

''wag!!oo na.. jobee! wala ng bawian''

ayun.. at kami na..JAN 12 2009..una naging mahirap ang lahat samin, distance.taga paranaque sya..taga province ako.. studyante lang ako at gipit din sa allowance, pero kinaya namin, salit salit kami minsan sya pumupunta samin minsan ako lumuluwas sa manila..halos di na ko kumakain makaipon lang ng pamasahe..after ilang weeks, nakipagbreak na siya sa ate ng barkada ko.. pumayag naman, pero nung nalaman ng tropa ko na kami na ayun..nagkagulo, nagalit barkada ko, nagalit ate nya, but after 1 month naging okey na lahat.. bati bati na ulit..nalaman din ng mama ko na nakipagrelasyon ako sa les..at pinaghihiwalay kami, syempre sinunod ko si mama.. nakipaghiwalay ako, nakipagbalikan sya sa ate ng barkada ko, tapos nung di ko matiis, naging kami uli, at naging no. 2 uli gang sa iniwan nya uli yung si ate ni pot..haayyy.. 8 months din kami tumagal..

marami akong natutunan kay kuneho,dati wala akong pakialam pagmonthsary, wala akong paki sa date, sa effort, sa nararamdaman ng tao..pero sya nagturo ng lahat..kung paano magseryoso, pano magpahalaga, pano ivalue ang isang relation.. tinuring nya kong parang baby sobrang alaga nya ko, 5 years din ang tanda nya sakin pero inintindi nya kakulangan ko, at pagiging busy ko sa duty at skul.. kahit malayo kahit mahirap..sakanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal..as in..na hanggang ngayon nakatatak pa rin sa puso ko.. kasi wala pang humihigit sa pagaalaga nya sakin..kung may x ako na babalikan.. di ako magdadalawang isip na balikan sya..

pero di gaya ng fairy tales.. walang happy ending.. sa tex nagsimula..sa tex din nagtapos..

kuneho: sorry..pero ayoko na..pagod na ko sa pagigng childish mo, sa pagkabusy mo, at sa sit natin..
ako: huh??pwede pa naman natin ayusin to diba??
kuneho: im sorry.. di mo parin talaga ko kilala.. bye..find ur happiness..

at dun na nga natapos ang lahat..pero after a week.. lumuwas ako sa manila, pumunta sa kanila, tinry na ayusin.. pero eto lang ang narinig ko..

kuneho: tang ina naman CHEENEE!.. tama na..ayoko na diba??tigil na natin to..
ako: talaga bang wala na??baka pede pang ayusin kung time at pagka childish ko ang problema..
kuneho: im sorry.. i lied to you..di ikaw ang problema, napakaperfect mo nga eh, at wala ng mahihiling pa syo, u dont deserve someone like me..masasaktan lang kita..ang totoo..mahal ko pa si dheng.. (*ate ng barkada ko*) at nasasaktan ako ngayon dahil may iba na sya, narealized ko na sya pala talaga ang mahal ko..
ako:(tahimik lang..umiyak)..ok.. i wish happiness for you, sana maging kayo ulit ni ate dheng..

after nun,sumakay ako ng bus, umuwi sa province at habang nasa bus.. nagisip..na ganun talaga.. walang permanent..siguro dumaan lang sya para turuan lang ako kung paano magmahal..hindi para paano mahalin..
salamt sa kanya..kay kuneho..kahit sinaktan nya ko, tinuruan nya ko ng maraming bagay..ang dating gago, walang paki alam sa nararamdaman ng iba, ginagawang trip ang lahat.. e eto na ngayon..:))(kayo na bahalang magjudge)

haaayyy..napayakap nalang ako kanina sa teddy bear ko na si ''COFFEE'' habang nagbabalik tanaw..nakakamiss din pala siya..:))

dito nagwowork si kuneho..:))


Comments

  1. tadhana mo na ata teh ang maging no.2! hahaha char

    ReplyDelete
  2. lika, ilaga natin si Coffee para lalo akong di makatulog.

    ReplyDelete
  3. jheng: haha.. hindi no! makakahanap din ako!!hahaha.. cute ng x ko no?

    billy: halika dito..una kita ilalaga..hahaha

    ReplyDelete
  4. @cheenee: ah eto pla ung sinasbi mo na nangyari sayo dati.. oo nga bkt gnun pumapayag kng mgng no 2...?? well sbi nga nila love is stupid.. lol

    ReplyDelete
  5. carmie: kala mo naman sya hindi stupid..atleast di ako nagsisi in the end..:)

    ReplyDelete
  6. ahaha.. loko tong jhengpot na to... natawa ako sa comment nya...

    natawa din ako sa jobee?? as in jolibee?? ahahaha... kasi tawag ko kay jolibee ay jobee eh....

    isa pang napansin ko ah,... animal friendly ka maxado... palaka, kuneho... ano sunod? kabayo? ahaha

    (dito nko work. time check 2;00am)

    ReplyDelete
  7. rap: oo tama..as in jobee.. alam nya kasi na mahilig ako sa jolibee.at kapag katex nya ko nababanggit ko sakanya na fav. ko si jolibee..

    parang tae lang si jheng..hahaha

    ReplyDelete
  8. sad naman. yaan mo na yun. hehehe... ito ba ay dahil sa valentines? hehehe

    ReplyDelete
  9. houseboy: haha..oo dahil valentines..puro ganito popost ko..makiiuso lang sa buwan..:))

    ReplyDelete
  10. magiging number 1 ka din marekoy :)

    ReplyDelete
  11. makakahanap ka rin ng magiging number UNO ka sa buhay niya. uyyyyyy heheehehe

    ReplyDelete
  12. kala ko sasabihin ikaw ang aking jobee, ako ang iyong lly.. ahahah, ikaw na ang no. 2? aba oo nga no... fav no. mo ba ang 2 aheheh..joke lang.. :)

    ReplyDelete
  13. awww ang sad naman neto...

    ReplyDelete
  14. awwwwww.... pero pernes ang ganda nung

    "''can i be ur JOBEE for better or for worst in sickness and in health till death do us part?"

    talagang jobee talaga.. hahaha :D anyway.. at least me natutunan ka di ba? pero next time sa lalake ka na mainlab para maganda ahahaha :D dami pogi jan sa tabi2x.. haha

    peace tayoooo!!!!!!! :D

    ReplyDelete
  15. hahha baka may someone pang papalit sa kanya... wahehhe

    ReplyDelete
  16. sorry di ko na nabasa... pero sino si crush.. intriga!!

    Lol.. at hmm kuneho! Sya pala ang salarin kaya ka nagsimula sa les ah! Hahahahahah.. nag-eenjoy naman din talaga ako kapag chismis ng buhay ng ibang tao ang binabasa ko.. lalo na ikaw.. feeling ko close na close na tayo..feeling ko call center agent na rin me.. maka-apply na talaga jan. hahahah

    sarap naman ng sinabi mo na baka dumaan lang siya para turuan ka..

    sana naman cheenee..ihihiling ko sa poong may kapal na dumating na ang taong tunay na magmamahal sayo and only you

    ReplyDelete
  17. empi: hahah.. sana nga makahanap na..:)

    istambay: oo fave no. ko din talaga yung no.2..eheheh


    kyle: sad ba? hehehe..

    egg: asan ang mga pogi??hahaha..kahit di na gwapo..bast no.1 ako..ahahaha


    batman: madaming someone.. hntayin ko lang dumating..:)


    kamila: oo sya nga ang salarin..hahahaclose na talaga tayo kapatid..pag balik mo dito iaaply kita..:)at yung si crush??hmmm sa fb ko nalang sabihin sayo..
    saka..ako din eh..lagi kong pinagppray Sakanya, na ipakilala nya na sakin, yung tuturuan naman ako kung paano ako mamahalin..

    ReplyDelete
  18. nyahahahahha....di nga i-aaply mo ko.. baka maniwala ako niyan... hahaha..

    ReplyDelete
  19. kamila: oo nga.. madali ka naman matatanggap dito..kasi galing kana sa ibang bansa eh..:)

    ReplyDelete
  20. wow another love story! grabe kuneho b tawag u skanya dhil mlake ngipin nya?

    ung first love ko din ksi mlaki dn ang ngipin, kaya tawag ko sknya Close-up kc pangmodel ng toothpaste ung ngiti nya ih.

    ReplyDelete
  21. luloy: kuneho kasi paborito nyang creatures..:)

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...