Skip to main content

buburahin ko din to..swear!(REPOST ALA AKO MAGAWA EH)

di ko alam kung bakit ganito ang popost ko ngayon..pero dahil narin sa sobrang depressed ko dahil inabot ako ng kamalasan kanina.. naaksindente lang naman ako sa motor.. SPRAIN ang inabot ko.. at.. isang pirasong gasgas na kasing laki lang naman ng kamay ko, sobrang hapdi pa hanggang ngayon..at meron pang pasa ..kung tatanungin mo ko..kung ok lang ako.. syempre hindi..bukod sa maraming nakakita, eh nalaglag pa ang paa ko sa kanal pagbagsak...kamusta naman ang kamalasan na yun??

hiyang hiya talaga ako sa mga nakakita..ganun pala yun una di ko naramdaman na masakit, tapos nung pagkauwi ko at matapos kong ipaligo ang alcohol sa paa ko..dun ko naramdaman ang sakit ng tuhod ko at dun ko rin nakita na ang laki pala ng sugat ko..hahahaha(ang tanga ko) aminado naman ako..

ayun na nga..syempre kailangan ko ng karamay..tinext ko si palaka.. 48 years bago magreply para lang sabihin na angtanga ko,,di man lang nag worry..kainis!!so wala na kong magagawa dun..dahil sa pagkabadtrip ko ngayon araw na to sa nangyari at kay palaka.. gusto ko makaganti..(ang bad ko talaga)

o sya eto na..di na ko magpapaligoy ligoy pa..


TADAN!! SYA ANG GIRLFRIEND NI PALAKA!!tingin nyo ba may laban ako???

pareho lang namn kaming chubby diba??

maganda naman siya diba??mas maganda nga lang ako..(pabigyan nyo na ko blog ko to)

alam ko wala naman sya kasalan.. pero dahil laman narin sya ng blog ko nitong mga nakaraang linggo, gusto ko na din ishare sa inyo.(masama na ko..oo na! nauna na nga ang karma diba?)..sya po ang gf ni palaka ngayon, ang lumandi kay palaka nung kami pa..at umagaw kay palaka!sya!sya!sya!..(BITTER) pero sabi nila mabait naman daw sya..okey...e di mabait..sabi  nila eh.. so may laban ba ako??hahahaha(evil laugh!)

natuwa lang ako sa pic ko nato..

ang cute ng legs ko dyan..ngayon puro gasgas na..:'((


so eto lang masasabi ko..sana gumaling na agad ako..at swertehin naman ako bukas..(kahit ang sama ko ngayon) pagbigyan nyo na po ako naksidente naman ako eh..ngayon lang to..pls???hehehe

me and palaka..kailngan nya pong magpagirl na damit dyan dahil mapapagalitan po sya ng relatives nya esp ocassion kasi.pero oo!lesbian po sya..hahaha!

 i thankyou bow!!

Comments

  1. Nyahahaha.. lagoowttt kaaa..nag-post ka ng picture ni girll... at ang malas mo nga... nyahahaha... at bakit mo nilagyan ng alcohol! pwede na rin... pero di ba sabi nila wag daw kapag internal yung lalagyan.. lol.. di ko lam san ko nakuha yun... hahahhaha..... kawawang bata... nasugatan.. sprain pa... lagyan ng pulbosss!!!! hahahaha joke lang!

    ReplyDelete
  2. parang sa post mo sa fb may pulbos din kanina huh??haha..e di ba nga nalaglag sa kanal paa ko..ayu nilagyan ko alcohol..:)) ok lang yan,, di namn nila alam blog ko..esp ni palaka at ni girl...hahaha

    ReplyDelete
  3. mas ka maganda ka sa kanya...:)

    ReplyDelete
  4. Asus! you must be proud kasi kahit na nagkagasgas na yang legs mo ay maganda parin ang poise mo at 100% ang vote ng lolo mo na mas maganda ka super kesa bagong jowa ni palaka.smile girl... iwas muna sa motor bike better u ride a tricycle or padyak mas safe yon ha ha ha....Get well soon....

    ReplyDelete
  5. ang panget nya dun sa picture sa taas.... ang panget din nung 2nd pic.... saan mo nanakaw ung pic nya? ahaha.. tara pakulam natin!!!

    sino ba kasi kaangkas mo sa motor.. nung isang araw lang umangkas din ako sa motor at takot na takot ako kasi ayokong mangyari ung nangyari sayo ngaun. hehehe...

    ung pic ni palaka hinihintay namin hindi ung kung sino man lesbian ung andun.. hehehe....

    ReplyDelete
  6. ingats sa sususnod.. teka, nagmomotor ka ba? aba doble ingat jan.. alisin mo lang ang helmet mo pagdating sa bahay... baka sakaling maumpog ka at matauhan hehehe.. joke

    kaya pala nagtataka ako lagi na "her", "she" ang sinasabi mo.. sya pala yun...

    lagot ka.. gyera patani yan once na makita nya ito hehe...

    sa totoo lang eh, kung sa looks ang labanan, lamang na lamang ka ng 10 paligo heheh

    ReplyDelete
  7. hello, sa tingin ko may laban ka naman...hindi ko lang alam kung saan basta meron din...hehe

    ReplyDelete
  8. adang: hhaha..wow!1 point for me..

    kuya nelo: tnxs!2 points for me..opo magiingat na talaga..

    rap: hahaha.. 3points for me.. oo nabasa ko post mo bout sa motor..ingat ka din..hehehe

    istambang: 4 points for me..hahaha..nakaangkas lang po ako sa kapatid ko..:))

    riza: 5 points!!salamt..hehehe

    ReplyDelete
  9. mas maganda ka cheenee noh, sinu ba yon? di kya dating lalaki yon? hehehe! away na ito ah, peace sa gurl n un kong cnu man un, pero mas mahal namin c KOKAK kaysa sau.. hehe!

    ReplyDelete
  10. maganda na yun??haha
    mas maganda ka pa eh..hehe
    ..napadaan lng po.. :)

    ReplyDelete
  11. weee honest ang batman di nalang ako magcocoment..w aheheh....

    ReplyDelete
  12. maganda ka naman. hahaha. cute mo at yun ang totoo

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  13. hahaha! ang tanga ng motor!!!

    no comment ako sa last part.....tot-tot-tot

    ReplyDelete
  14. I followed your blog, kasi I find it entertaining. Keep writing! :)

    ReplyDelete
  15. parang c palaka ang pinakamaganda?...hahaha... palaliman na lng ng dimple no cheenee?...haha... mag-ingat po...pagaling! :')

    ReplyDelete
  16. ahaha gago ka tlga adik!! db nga sbi namin mas maganda ka at kelangan pa tlgang ipost pic nya gagho ka tlga mamaya may nakaka kilala sa knya sa blogsphere burahin mo na hahaha lol

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...