naglalakad ako sa isang mahabang daan pauwi samin ng biglang may humarang..dahil sa madilim ang kalsada pinilit ko aninagin ang tao na bumulaga sa aking harapan..
''o ikaw pala'' aking wika..
''napadaan kasi ako sa isang barkada ko na malapit lang dito..kamusta kana?''
di ko alam kung anong isasagot, kung para saan ba ang tanong na ''kamusta kana''..para kasing sakin maraming meaning yun..matagal tagal narin kaming di nagkita at nagkausap..di ko alam kung nais nya bang kamustahin kung ok lang ang trabaho ko, ang kalusugan ko, ang araw araw na ginagawa ko, o nais nyang kamustahin ang puso ko na dinurog nya..
''ok lang naman''ang tugon ko..
''balita ko, may manliligaw ka daw?''pabiro nyang tanong..
''ahhh.. san mo naman nabalitaan?bilis talaga ng balita ano?''..
''hindi naman, saka nakita ko kasi ang post mo sa fb na mukha ka nang masaya''
''tinintingnan mo pa pala yung fb ko..nakakatuwa naman..may sasabihin kapa?''..sambit ko sabay ngiti..
''bakit parang ayaw mo ko kausapin? dahil ba may bago kana??ganyan ka na ngayon??maypangiinis na tanong nya..
pinipilit kong wag magalit, at wag magsalita ng kung ano, para wala naring usap..pero sya na mismo ang nagtutulak sakin para ilabas ang sama ng loob na nuon ko pa pinapasan..
''ano bang problema mo? nangaasar kaba? inaano ba kita??alam mo wala ka nang pakialam kung masaya ako o hindi,, kung may bago ako o wala.. unang unang.. wala ka ng karapatan sakin..minsan mo na kong sinaktan, sinaktan mo ko ng ilang beses..pinaghintay sa wala.. binalewala.. at ngayon? ano paba ang gusto mo?? nananahimik na ko..''
''huh??nagtatanong lang naman..akala ko kasi ok kana..aaminin ko nasaktan ako nung nalaman ko na masaya ka na sa iba..kaya siguro ganito ako ngayon..''
''hindi ba dapat pasalamat ka dahil masaya na ko?! na dapat masaya ka dahil wala na ko sa anino ng sakit, poot, paghihintay at pagdurusa sa pagmamahal ko sayo?! masaya ka naman sakanya diba?!at wala akong paki alam kung nasasaktan ka.. kung tutuusin kulang pa yan..kulang pa sa lahat ng ginawa mo sakin..''
''gusto mo bang gumanti?''tanong nya
''hindi ko nais gumanti sayo.. siguro ang tadhana na ang gumaganti sayo, kung nasasaktan ka kasalanan mo yan.. hindi mo ko pinahalagahan dati..ngayon tingnan mo kong mabuti? eto na ang babaeng.. dinurog mo.muli ko ng nabuo ang sarili ko..at sana hayaan mo na kong maging masaya..wag kang mag alala kasama sa pagbuo ng sarili ko ang kapatawaran sa ginawa mo..na kahit na minsan ay di mo hiningi..pakiusap lang..pabayaan mo na ko..at wag ka na sanang umarte na parang nasasaktan.. ''
''pero narealized ko na mahal kita..at kaya ako nandito ngayon dahil gusto talaga kitang makita at makausap''
biglang nanalamig ang buong katawan ko..di ko alam ang dapat sabihin o isagot.. di ko rin alam bakit nakakapagsalita na ko sakanya ng ganun.. pinipilit ko magpakatapang para narin sa sarili ko, pero nung narinig ko ang salitang ''mahal'' di ko na alam ang dapat isagot..
''mahal??!'' alam mo ba ang ibig sabihin ng mahal??tanong ko..
napahinto sya at di nakapgsalita..
''hindi mo alam ang salitang yan.. ang alam mo lang e ang salitang ''makasarili..!kung mahal mo ko di mo sana ako sinaktan pinaglaban mo sana ako, tinulungan mo sana ako nung mga oras na kahit ako di ko na kilala sarili ko..mahal mo lang ang sarili mo..wala kang pakilaam sa nararamdaman ng ibang tao..''
naluluha syang sumagot..
''siguro nga tama ka..patawarin mo ako..mahal mo nga siguro sya, kasi di mo na ko kayang tanggapin..''sambit nya
''wala kang karapatan unahan ang nararamdaman ko..wag kang lumikha ng conclusion at isisi sa iba ang mga bagay.. di na kita kayang tanggapin dahil narin sa kagagawan mo..!at di dahil sa meron akong iba o kung ano pa man..
''mahal mo ba siya??'''pagpipilit nyang tanong..
''ano naman sayo??''
''gusto ko lang malaman para kung mahal mo siya mawawala na ko, hahayaan na kita''
''mabait sya..masaya kasama at mahal nya ko..''
''mahal mo ba siya??
di ako makasagot kasi alam ko sa sarili ko kung sino nag mahal ko.. SIYA pa din..ang taong nasa harapan ko ngayon..bakit ba kasi di kita makalimutan..
''wala ka na dun..bakit ba kasi?!pwede ba umalis kana??''
''aalis ako kung sasabihin mo na mahal mo sya at sasabihin mo na wala na tayong pag asa''
''gusto mo bang marinig ang katotohanan?!HINDI ko sya mahal!.. IKAW PARIN ang mahal ko..pero sa sakit na ginawa mo? kahit mahal kita..WALA NA TAYONG PAGASA..mahal kita pero di na pwede.. mahalin mo nalang siya, ang bago mo, tanggap ko na ang lahat..nagawa mo na kong saktan dati ng maraming beses..at alam ko maging tayo man..masasaktan at masaasktan mo lang ako,,nagawa mo na kong iwan at ipagpalit ng ilang beses..at lam ko kayang kaya mo uling gawin yun..DI KO SIYA MAHAL..PERO MADALI SYANG MATUTUNANG MAHALIN..masaya kana?!
di ko lam kung ano ang mga lumabas sa bibig ko..dati di ko kayang magsalita sakanya, pero bakit ngayon nasabi ko ang lahat? masarap sa pakiramdam..masakit kasi ako na mismo ang sumuko sa poagkakataon na maaring maging simula ng nasira naming relasyon..pero masaya ako kasi simula sa araw na to..malaya na ko..malaya na ko sa sakit ng anino nya..
''maging masaya sana kayo..paalam.''
umalis na sya agad.. naglakad naman ako palayo sakanya..tumulo ang aking mga luha.. isang kasinungalingan na mayroon ng ibang nagpapasaya sakin dahil ang katotohan ay ang mga alaala nya ang nagpapangiti sakin.. isang kasinungalingan na may taong kaya kong matutunang mahalin..kasi alam ko sa sarili ko na marami mang dumating..siya at siya pa rin ang kaya ko mahalin..patuloy parin akong aasa na dadating ang pahahon na kung saan nabura na ang lahat ng masasakit na alala..at handa na uli namin taggapin ang isat isa na wala ng takot na baka masaktan uli..
umuwi na ko..nagisip, inisip ko na kung ano kayang mangyayari kung bumalik ako sakanya,at kung sa tagpo kanina ay pumayag akong mahalin uli namin ang isat isa malamang masasaktan lang uli ako, o kami ang makakasakit..haaaayyy.. ..nahiga ako..pinahinga ang puso at isip, nanalangin na sana bukas ok na ang lahat.
bago ko natulog..
tumunog ang cp ko..pagkabasa ng mensahe di ko mapigilan ang lumuha..haaayyy..nasa huli talaga ang pagsisisi...
--(ang kwentong ito ay wlang kinalaman sa buhay na personal ng taong may akda..hahaha in short..fiction..)
oo nga tsk2.... nasa huli ang kaengotan..wa ehhehe
ReplyDeletekasi naman eh...tawag dun TAN-G-A
ReplyDelete''gusto mo bang marinig ang katotohanan?!HINDI ko sya mahal!.. IKAW PARIN ang mahal ko..pero sa sakit na ginawa mo? kahit mahal kita..WALA NA TAYONG PAGASA..mahal kita pero di na pwede.. mahalin mo nalang siya, ang bago mo, tanggap ko na ang lahat..nagawa mo na kong saktan dati ng maraming beses..at alam ko maging tayo man..masasaktan at masaasktan mo lang ako,,nagawa mo na kong iwan at ipagpalit ng ilang beses..at lam ko kayang kaya mo uling gawin yun..DI KO SIYA MAHAL..PERO MADALI SYANG MATUTUNANG MAHALIN..masaya kana?!..."
ReplyDeleteRap (director) - CUUUUUTTTTTTTT!!!!
ang panget ng pagkakaarte moh, artista ka ba? BAKIT DI MO SINAMPAL!!!!! TAKE TWO TAYO!!!
ahahaha... SUPER LIKE KO TO KOKAK!!! shet, pwedeng indie film!. at HINDI AKO NANINIWALANG FICTION LANG TO! ahahaha
kiko: tama ka dyan..hahaha
ReplyDeleteiya: salamat sa pagdaan..hahah
rap: salamts a papuri! ahaha..sige gawin nating indie film ikaw direktor.. haha..oo fiction yan..ala lang ako magawa kanina..
dapat nga cheenee eh sinampal mo naman o kaya sinpa sa mukha ang makapal na mukha ng lalakeng yun.. tutal eh fiction naman diba hehehe...
ReplyDeletepero style, wlang kinalaman daw eh kitang kita ang pagkakahawig ng kwento aheheheh...
style talaga hahaha.. style style...
lalalalla
galing!
ReplyDeletetama lang yong ginawa niya. at tama rin yong hindi na niya tinanggap.
naks c palaka pala ung nadaan mo, akala ko kong cnung kaibigan, hehe!pabayaan mo un.. nxt time madaanan mo lumiko ka pra ma-erase na siya sa mundo mo.. suggestion lang naman..hahaha
ReplyDeletehindi... hindi fiction yan... kaw yan at si palaka.... ahahaha... lagyan no ng kasunod, gusto ko kasama ung si kuneho at elepante... tapos may mga chismosang manok at bibe... ahahah.. saya-saya, ZOO ito!!!
ReplyDeleteistambay: hahaha.. di ako brutal sa mga story ko eh.. ayoko ng mga sampalan.. hahaha..yaan mo nex time patayan na..:))
ReplyDeleteempi: at may pag agree kapa?hahaha
momy: fiction lang po yan..hahah.. walang kinalaman kay palaka..hehehe
rap: oo nextime kasali kana.. ikaw si chismosong ipis.. hahah..fiction lang yan..wag kang makulit.. kasi kami ni palaka ay okey naman..at di ko kayang sabihin yan kay palaka..love ko kaya yun..hahaha
uhmm binasa ko pero hindi ko natapos. nalungkot kasi ako. hehe. xensa may naalala lang. ingat and Godbless
ReplyDeletekilabot: ok lang.. pasenxa na..may naalala ka pa tuloy,,haha
ReplyDeletepro aminin mo sa istoryang ngaganap sa kwentong ito ay may konting touch sa buhay mo? lolz! :)
ReplyDeletetangent tawag jan sa ingles haha... jk!
jag: hmmmm siguro ang paghihintay palang ang kaparehas sa buhay ko..:)) andun palang ako..hehe
ReplyDeleteweh fiction lang ba yunnn? WEH!!! as in WEH! Sana totoo na lang. At nasan na ang picture aber?
ReplyDeleteHuwag kang sumabit sa jeep, kahit makuha mo yung pwesto ng mga bababa ng jeep, malamang na meron pa ring ibang sasabit.
hahahaha. fiction lang ba talaga? pakiramdam ko may malalim na pinaghugutan. parang hango sa nakaraan. :)
ReplyDeletekamila:FICTION NGA!!!!!!
ReplyDeletehehehe.. di ako sasabit.. magddrive ako ng jeep.. at bibili ako ng sarili kong jeep..isasakay kita..hahaha:))
goyo: hahaha..wala talaga..naisip ko lang yan..:))