Skip to main content

maghihintay ako..


bakit ka nga ba maghihintay?
kasi may dadating?
hindi..
kasi may nagpapahintay..


maghihintay ako kasi sabi mo..maghihintay ako kasi alam ko may mapapala ako, ayoko lang sana na dumating yung time na wala na pala akong hinihintay..malamang manlumo ako nun..pero ngayon buo ang loob ko na maghihintay ako.. e ano ba naman yung maging single ng 1..2..3 years right??hmm..(sounds creepy)


ang temporary ending..

me: ano na?!
palaka: itama na natin ang lahat..
ako: okey.. kung yan gusto mo..maghihintay ako..
palaka: sana mahintay mo ko..
ako: oo naman..(naiiyak na)
palaka: salamat..
ako: sana maayos na to..
palaka: aayusin ko to..
ako: off ko bukas..punta ba ko sa inyo?
palaka: ikaw??
ako: last day with you???

palaka: anong last??aadik ka..punta kana..luto tayo..punta din si carmi diba?..
ako: ok po...



wala na kaming masabi sa isat isa.. alam ko masakit sakanya, pero sabi ko rin sa  kanya magiging mahirap sakin to, kasi sya kahit mawala ako, may isa pa..di ko rin alam kung ano talaga nraramdaman nya.. or plano nya, pero dahil sa sinabi nya na maghintay ako..maghihintay ako..

last day na kasama ko sya..sobrang saya, even carmi was there..nasaksihan nya lahat kung gaano kami kasaya, pati tuloy si carmi nagtaka at naguluhan na rin..haaayyy..ano na nga ba ang nangyari??!

friday.. sa kanila ako umuwi.. gumising ng maaga para mamili ng kakainin sa palengke.. at nung nasa palengke na kami..while im buying mangoes..sabi nya ''hintay ka lang dyan..wait''..akala ko tumatawag nanaman si girl sa fone nya kaya bigla nalang syang lumayo, pero di ko masyado pinansin busy ako maimili.. natapos na kong mamili, hinanap ko sya..naglakad ako..bigla syang nagpakita may dalang bulaklak.. one stem of rose..

''di ba sabi mo kung bibigyan ka ng bulaklak isang stem lang gusto mo?eto oh..advance''

''baliw ka..kala ko naman kausap mo sya..salamat''(todo smile)

hinug ko sya ng mahigpit.pangarap ko kasi talaga ng rose na one stem lang,dati kasi boquet yung binigay nya sabi ko di ko gusto..haha(arte pa). ang sweet diba? sa gitna ng palengke na puno ng tao..at wlang preparation, nakapambahay lang ako, at sya din na hindi pa naliligo biglang nagbigay ng bulaklak..haaayy..

at iyon na nga.. so ang ending namamalengke kami na may dala akong bulaklak..dumaan kami sa shopwise, puro veggies ang binili namin..pagkauwi, nagluto sya ng adobong chicken feet(favorite) then vegtable salad.. at mangga't bagoong..yumyum!!sabay dumating na din si carmi para makikain..


dinner time! kumpleto family ni palaka..pati si carmi andun sabay sabay kami nagdinner.. then uminom..nag bar..''THE GATE''.. ayun.. 2:30 am na natpos.. umuwi kaming lasing na lasing..inasikaso naman ako ni palaka..saka okey lang din malasing kasama ko naman si palaka and family nya..

umaga na 10am..i need to go home.. ppunta na dun si gf nya..haaay..nagpaalam na din ako kay palaka..

''uuwi na ko.. maghihintay ako ha?!''

''oo..wag ka magalala akong bahala''

''opo..pano yung gift ko sayo?!..pano ko bibigay?''

''hala!oo nga no? saka sasamahan mo pa ko maghanap ng work nex week diba?''


''pano ba naman tayo maghihiwalay kung ganito???''

''haaaayyyy''

nagkatawanan nalang kami.at umuwi din muna ko dito sa proince para mag unwind..haaayy oo wala na kami. wala ang lahat samin pero pano ba naman kami titigil ni palaka na di magkita e parang tadhana narin gumagawa ng way para magkasama pa kami..ngayon di ko masabi kung wala na..kasi naman kahit kayo naguguluhan na diba?!heheheh..ngayon kasama nya si gf nya, ni tex wala.. pero di na ko umaasa..''im single'' hindi na kami..wala ng no.2.. siguro after ko mabigay gift ko at masamahan sya maghanap ng work..wala na rin muna communication..pero who knows? eto nanaman ako..haaayyy...pero gaya ng sabi ko sakanya.

''MAGHIHINTAY NALANG AKO''

Comments

  1. Sana habang nasa waiting list ka may lumabas na lang sa kung saan na magsasagip sayo sa kalungkutan.

    Sana bigla na lang dumating yung taong yun sa buhay mo nang mapawi na lahat yung paghihirap mo na hindi mo deserve.

    Napaka self-less mo kapatid, although saludo ako sayo dun, pero ang hirap naman na maghihintay ka pa din.

    Hindi ko din alam kung bakit anong dahilan mo. Nuod na lang tayo movie... hahahah

    ReplyDelete
  2. hahaha..sige..nuod ka lang.:))

    sana nga may dumaing na baguhin ang landas ko.. pero kung may dumating man o wala.. cute pa din ako..:))

    ReplyDelete
  3. oo magulo... lalong gumugulo... ahaha
    pero ang sweet nung 1 stem rose ah. at talagang todo describe na nakapambahay at di pa sya naliligo...

    sige, kami dito ay maghihintay sa susunod na kabanata cheenee! hehe

    ReplyDelete
  4. karapat dapat b syang hintayin?

    ReplyDelete
  5. rap: ahaha..ako din naguguluhan na.. anyway..hintayin mo lang susunod na kabanata..:))

    uno: un ang malaking tanong..:)

    ReplyDelete
  6. hahaha.. ang ganda may pandagdag sa tula ko..w ahhe... hintay2 din effect.. wahhehe

    ReplyDelete
  7. iniisip gabi gabi, aminin hehehe.. pero thats good.. hindi pede ang ganon na set up eh, para lang kayo naglolokohan at ikaw ang laging naloloko.

    Ok, maghintay ka, pero awag magexpect.. sana nga mya masalubong ka na na magpapakilig sayo ng todo..

    happy balentayms cheenee.. sa november, madaming bata ang lalabas ahehehe...

    ReplyDelete
  8. tama po yan. it's okay to wait and HOPE but not to expect too much.

    darating din siya...

    ReplyDelete
  9. saksi ako sa araw na yan.. and super happiness si cheenee kokak!!! ahaha ayoko na magpayo kasi magulo din relasyon ko ngaun pero masaya ako..:)

    ReplyDelete
  10. naku girl, sayang ang beauty mo sa paghihintay.. naghintay na din ako pero nauwi sa wala. kahit alam kong di na pwede pero pinipilit ko pa din. kahit nasaktan na ako ng maraming beses, keri lang, manhid na damdamin ko. kasi mahal ko eh..

    ReplyDelete
  11. kiko: anong tula un?hehehe

    istambay: tama ka dont expect..

    kyle: salamt..:))

    carmi: tse!!haha

    angel: ang sad naman nun..ano nga pala blog mo??

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...