Skip to main content

parang tanga..

ayun oh!

hahaha..

masaya ba?!..

anong dahilan? wala naman.. may nakasalubong lang kasi kami kanina na medyo may katungkulan sa ofis bago mag lunch break kinausap nya yung kasama ko na si carmi..well..e ano naman?! actually lagi ko syang nakikita, as in araw araw, pero di ko alam bakit ngayon or kanina, naging interesado ako sa kanya.. hmmmm..(parang bata lang may crush..hehe..)..pero napaisip ako, suntok sa buwan kung maging kami man..hanggang pangarap nalang, malabo pa sa malabo ang maging kami....pero masarap mangarap..:))pero bakit ko ba naisip yun?!hahaha natatawa tuloy ako..

ayun lang..dahil sa tinatamad akong magpost ngayon, nagbabasa basa lang ako ng mga ibang blog.. BLOG HOPPING..:)) may maganda..may panget(kapal ko..kala mo maganda blog ko.hehe).. may nakakatawa..may tungkol sa trabaho, sa pamilya,sa alagang hayop,at karamihan sa love..para sakin mas nakakatuwa basahin yung mga blog na shinashare yung mga nararamdaman nila at yung buhay nila..yung parang diary na nila..mas nagenjoy ako basahin..tapos may mga picture, para tuloy close na kami..:)

o tapos?!haayyy..wala na talaga ako maisip isulat..kasi naman ano bang meron ang araw na to?!madami kasing mga palakang kaibigan ko ang nagpapagawa ng kwento about sa love stories nila di ko tuloy  alam anong uunahain..grrrr.baka mapagpalit palit at mapaghalohalo ko pa ang mga moments nila...

ahhhhh..
basta.... may crush ako ngayon..at ayokong isipin na magiging kami dahil..baka sumabog kami..hahaha!!

eto ang parang tanga kong post..walang patutunguhan..parang tanga talaga!

*tumbling*

Comments

  1. naks. di masamang mangarap malay mo maging kayo. hehehe

    ReplyDelete
  2. parang tanga daw. di naman eh.. aba may chrush an lola.. naku naeexcite sa pagdating ng araw ng mga puson este puso pala.. ay sya, batiin na kita ha.. happy balentayms.. :)

    ReplyDelete
  3. Hi! follow ko lang blog mu ha? thanks! :)

    ReplyDelete
  4. empi: malay lang..hahaha.ayoko din.:)

    istambay: haha..happy valentines din..

    maldita: sure..salamat sa pagbisita po..

    ReplyDelete
  5. arh-arh-arh...ako ung tipo na madaling magka-crush...lalo n pg mabait sken...la leng...just sharing...,


    batiin n din kta...(gaya2 k istambay..jeje)

    Hapfi valentimes!

    jeje..

    ReplyDelete
  6. sige nga ipost mo nga yung mga link ng pangit na blog kung talagang matapang ka...heheheheheh

    ReplyDelete
  7. i admire this post... sincere...:)

    ReplyDelete
  8. hahaha malay nga maging kayo.. wahehhe

    ReplyDelete
  9. bakit naman imposible? walang imposible sa determinado. hahaha! Joke lang

    ReplyDelete
  10. go go go kapatid go support ako sayo!

    ReplyDelete
  11. luloy: same to you..:)

    jobo: peste ka! bat di mo itry i post yung blog na nilalait mo?hahaha

    uno: salamat..:)

    kikomaxx: malabo yun.. bahala na si batman..haha

    billy: di ko kasi alam kung anong type nya..kung babae o lalake..hahaha..

    jheng: wag na kapatid..malabo talaga eh..hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...