Skip to main content

cheenee aka cinderella..:))

bugtong bugtong..
isang prinsesa nakaupo sa tasa..

cheenee:))

..sagot: si cheenee kokak!hahah..wala lang.. di ko kasi alam pano sisimulan ang post na to, mix emotion, kasi kahapon natuloy na nga ang date ko, sinipot ko din si teacher..una nagaalangan pa ko makipagkita talaga, unang una malayo at nahihiya talaga ako..paano ko ba nakilala si teacher? binigay lang ang no. ko ng ka officemate ko sakanya..ayun!

nung bday ko unang naging katex si teacher at nung mga araw na yun, wala kami communication ni palaka na..(oops wala muna palang palaka..)  bday ko pa lang nagpasched na siy ng date with me, dahil sa laging busy at naging busy din ng bumalik si palaka ayun, di narin nagkatym..(sabi ko nga wala munang palaka)..so ayun na nga, dapat nung friday kami magkikita eh dahil sa busy sa office..naresched na naman..

eto na ang kwento..
sunday.. di ko sure kung pupunta ako, pero dahil narin sa nahihiya na ko..pumunta na din ako.. 4pm ang usapan sa sm valenzuela.. 4pm sakto andun na siya..take note anong oras ako dumating??5pm! 1hour late! di ko naman kasi alam na traffic pala.. saka kahit super late ako, natuwa ako sakanya, kasi sabi nya ok lang daw..o diba? ang bait!!tapos nun.. pumunta muna kami sa kanila, usapan na kasi namin na ipapakilala nya daw ako sa mama nya.. gusto daw kasi ako makilala..kapg daw gabi na kami pumunta malamng tulog na daw yun..

2 jip.. isang tryk..at isang pedicab ang sinakyan namin bago makarating sa bahay nila.. ang layo pala ng bahay nila.. naguilty ako dahil late ako.. hmmm.. pagkadating sa bahay nila.. nasa gate palang ako.. may narinig akong sumigaw..

''andyan na si ate cheenee!!''

medyo naloka ako, kasi parang alam talaga sa buong bahay nila na dadating ako..pagkapasok, nasa pinto palang ako sinalubong na ko ng mama nya.. ganinito ang bungad ng mama nya!

''naku!!ang ganda pala ng mamanungangin ko!!pasok ka cheenee.. upo ka''

nashakira mode ako..kasi naman unang una..''manugang''?? bakit??hahaha..tapos kilala talaga ako pati katulong..feeling close alam na name ko..at parang kilalang kilala na ko..tiningnan  ko si teacher at natatawa..
sabi ni teacher pagpasensyahan  ko na daw yung mama nya ganun daw talaga yun...at dahil naman sports ako, e tinawanan ko nalang yun..pagkatapos kong makilala ang pamilya nya, pumunta namn kami sa simbahan.. nagsimba..ganda ng sermon ni fader! pak!

after nun..pumunta na kami sa bar.. '''barko''sa may tapat ng sm marilao..whew..place is really nice.. may band, ang dami nyang inorder..sabi ko nga sakanya, mukhang bibitayin na ko bukas sa dami ng gusto nyang ipakain sakin..hehehe..nagkakwentuhan..naging maganda ang kwentuhan namin..nagkwekweto sya tungkol sa nakaraan nya..at di ko rin naman nilihim sakanya na hanggang ngayon e ang mahal ko ay si palaka at handa akong maghintay, nakita ko sa mga mata nya na nasaktan sya, pero sabi nya basta masaya ako, dun daw siya at palagi ko daw syang nasa tabi.. bast magsabi lang daw ako..o diba, unang kita palang namin ganyan na..(ang ganda ko)hahaha

after sa bar.. pumunta kami sa isang kapehan, un nga lang sarado na.. tapos umuwi sa kanila. sabi kasi ng mama nya dun daw ako matulog..pagdating sakanila, sobrang asikaso pa din ako, tulog na lahat ng tao sa bahy nila.. naghilamos lang saglit..tapos natulog..maaga akong nagising, ginising ko din sya dahil may imeemeet akong barkada ng 10am..kaya ayun, nakahanda na ang almusal, sobrang saya ng mama nya paggising namin.. tapos pinagtimpla pa ko ng kape..medyo nagkakwentuhan din kami ng mama nya....actually lola nya yun, dun lang sya lumaki dahil separated yung parents nya, nasa canada ung dad nya nasa us naman mom nya..sad.. pero tanggap nya naman daw nya..

maraming kinewento si mama ni teacher sakin,feeling ko tuloy pra talagang tangap na ako sa pamilya..well tanggap namn na talaga ako, sabi pa nga ng mama nya kapag daw may time ako sumamadaw ako kay teacher sa nueva ecija para mameet yung step mom ni teacher..sigurado daw gusto din ako makita nun..(patay tayo dyan)..hanggang sa pauwi na ako.. hinatid nya pa ko gang monumento.. at hinintay makaalis ang bus na sinasakyan ko..

ayun..grabe ang araw na yun,, para kong prinsesa.. nakikita ko sarili ko kay teacher na ok din magmahal..na lagi din sawi.. nagkasundo kami masyado, ang saya nung kasama ko sya. sobrang protected ako. as in prinsesa talaga..ni ayaw nya ata akong madikitan ng alikabok eh..ahahaa.  pero gaya nga ng sinabi ko kay teacher kaibigan ang tingin ko sakanya at ok lang din naman sakanya yun.. pagpasenxahan ko nalng daw yung mama nya, at ibang family and friends..naikekwento lang namn daw kasi nya ko dun..at wala namn daw ibang sinasabi bukod sa gusto na ko..(ang haba ng hair ko)..hahah

at dahil sa kalog din ako..sabi ko sakanya ok lang namn..wala sakin yun..ang cool nga ng family nya.. masaya ako kahapon..nung kasama ko sya, nakahanap ako ng bagong kaibigan..pero siguro hanggang dun lang yun..ilang beses ko din naisip si palaka ng araw na yun.. hindi pa ko handa na buksan uli ang puso ko.. may nagmamay ari pa dito..or may laman pa..di na ko umaasa kay palaka..pero syempre andun parin yung taught na sya ang mahal ko..at magiging mahirap sakin magtiwala uli..kaya ngayon single mode muna talaga..

at sa bagong kaibigan na nakilala ko..salamat sa isang araw na pinaramdam mo sakin na pwede akong maging prinsesa ..kasama ng cute na prinsipe.yun nga lang gaya ni cinderella may oras lang na naging prinsesa ako,sumapit ang time limit.. pagkauwi ko back to normal uli..nasasaktan nahihirapan magmove on..oo kasalanan ko namna..haaayy..pero sabi ko at pangako ko kay teacher at sa mama nya.babalik ako..at mauulit pa ang pagdalaw ko sa kanila..:))

Comments

  1. prinsipe bang tunay yan si teacher..ang saya naman... la lang..ang saya..masaya ako para sayo na kahit papaano eh lumabas ka na with other.. nyahahaha... weeeehhhh at ang bait niya... please give him a chance naman

    ReplyDelete
  2. kapatid: ahhhhhhhhhh..ehhhhhh.. mukha naman syang prinsipe..haha..basta mabait sya at cute pa..:))

    ReplyDelete
  3. ah ganun mukha lang...!!!! HAhahahahahaha.. ikaw talaga Cheenee.. I demand pictures!! Lol..hahahah

    ReplyDelete
  4. isusugest ko pala na pansamantalang palitan mo ng KWentong Teacher yung title ng blog mo ahahahha

    ReplyDelete
  5. sige nga picture nga jan.. wahehhe

    ReplyDelete
  6. kamila: ahahha..pede din..minsan gagawin ko yun..baliw adik! sshare ko nlang sa fb pic nya kapatid..:))

    batman: hahaha nextime pati family nya lalagay ko pic dito..hahaha

    ReplyDelete
  7. ahahaha.. si elepante ung teacher???... teacher mo saan??... naku, student-teacher affair? wahahaha....

    i am happy for you teh! ahaha
    kwentong teacher na ito hindi na kwentong palaka...

    ReplyDelete
  8. rap: haha,,at elepante talaga.. yeah techer kasi sya ng toddler sa montesorri.. kaya teacher tawag ko,..,:)

    ReplyDelete
  9. naku ganyan ganyan ang lolot lola ko nun, ganyan sila nag katuluyan :)

    ReplyDelete
  10. na enjoy,naaliw at nadama ko yung post mo...

    nakikidaan po..1st tym sa pahina mo..:))

    morning!

    ReplyDelete
  11. ang pagsama mo kay teacher sa hous nila, syempre iba ang dating nun.. kung hindi ka pa talaga handa, wag kang magentertain ng ibang guy, i mean madalas kasi mamisinterpret ang kilos ng tao.. tulad ng pagsama mo kay teacher.. parang tinatry mo kung maibabaling mo sa kanya ang atensyon na ibinbigay mo kay palaka..

    may time kasi na ung nagagawa sayo ni palaka eh aksidente nagagawa mo din sa iba.. o diba ouch na ouch un. ?

    ReplyDelete
  12. i smell sumthing, im sure babalik ka don.. bka c teacher ang maging frog prince mo.. hehe! gud luck.. ♥

    ReplyDelete
  13. kinilig naman ako dun.. gusto ko din maranasan ang tratong mala-prinsesa.. makahanap nga din ng teacher.. :P

    ReplyDelete
  14. wow...go girl!
    ayan na si prince charming...
    im happy for you..

    ReplyDelete
  15. adang: at talagng lolo at lola huh?hahah

    jay: salamt sa pagdaan sa bahy ko.. tuloy ka uli..

    istambay: tiwala naman ako sa kanya kasi magkaibigan kami at pinsan sya ng kawork ko.. and malinaw sakanya lahat na magkaibigan kami..:))

    momy: at talagang frog prince??haha ang cute..

    calai: salamat..hehehe

    ReplyDelete
  16. kokak kokak echuserong froglet was here LOL...

    Y not! with that teacher! Mukhang ok naman ata hehehe...

    ReplyDelete
  17. so kwentong teacher na 'tong blog mo?

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...