anghel sa lupa
mula sa langit ay hiniling kita,
di ko alam nasa lupa kana pala
matagal ng nakalaan
ngayon lang natagpuan
ikaw na sa araw araw
ginagawang langit ang lupa
masaya at payapa
walang ng mahihiling pa
akala koy di magiging ganto kasaya
na sa lupa ay puro dusa
ngunit ng ikay nakilala
araw araw ay masigla
ikaw na nga..
ang aking anghel sa lupa..
...kulang ang salita at bawat letra para mabibigyan ko ng kahulugan ang aking nararamdaman simula nung tayo"y nagmahalan,o simula nung sinabi mo na ako'y mahal mo rin.
ikaw ang dahilan kung bat may tamis sa aking labi, dahilan kung bakit di na natutulog lagi,kasi ayaw kong masayang ang bawat minuto na di ko maparamdam sayo kung gaano kita kamahal, sa bawat yakap mo at halik,akoy araw araw napapaibig, minsan natanong mo sakin bakit kita mahal, kahit ako di ko alam ang sagot, pwede naman siguro na mahal kita kasi yun ang nararamdaman ko.. sa bawat pisil mo sa mukha ko, sa bawat kurot mo sa tagiliran ko, kahit nagagalit ka at nagaaway tayo, masaya lang ako, kasi kung wala ka sa buhay ko, di naman ako magkakaganito at hindi sasakit ang ulo ko.. :)
gusto kong ako ang maging dahilan mo para magalit, mainis, matuwa, magselos, gusto ko ako lahat.. selfish ako e. pero hinding hindi ko magagawa ang paiyakin ka dahil sa sakit.kasi mas masasaktan ako pag makikita kang masasaktan.. cheesy..
ayoko ng pahabain pa dahil nasabi ko na lahat sa personal to, at mas gusto ko iparamdam nalang.. nais ko lang sabihin sayo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko ngayon, isang anghel na ayaw ko ng pakawalaan, at nais kong makasama magpakailan pa man , sabi nga sa kanta "SABAY NATING GAWING KAHAPON ANG BUKAS'' ..
Kiligmuch overload!
ReplyDeleteWait... ang daming langgams dito... :D
ayyeee......... ayan tayo eh hahahaha.......... kilig to the bones......
ReplyDeleteNice blog checkout my latest post at
ReplyDeletehttp://togetherfornature.blogspot.com/2013/11/making-backyard-vegetable-garden.html
don't be shy to leave a comment and like us on facebook
arte! hahaha juk! kilig much ka bex! imymuch!
ReplyDelete