Skip to main content

disi-otso

fries lang po ang hinihingi ko, binigay Nyo may kasama pang burger at ice cream..

that's how i described my happiness now. may nawala man sa buhay ko, pero may binigay naman para maibsan ang kalungkutan na naramdaman ko.. di ko alam kung si soulmate ka na ba, o ang tinatawag nilang destiny (duh? di naman ako naniniwala sa ganun)..

una di naman kita gusto, basta ka nalang dumaan sa harap ko, medyo busy ako dito sa Dubai, kaya kinaya ko na mabuhay ng magisa, hanggang sa nakilala kita, nakapagkwentuhan, habang parami ng parami ang nalalaman ko sayo unti unti akong nahuhulog sa patibong ng puso mo, naramdaman ko nalang isang beses na putang ina.. nagmamahal na ko..

dumating ka sa pinakapanget na estado ng buhay ko, yung tipong nasa icu ang tatay ko, na namomroblema ako, at halos wala akong time para isipin ang "tayo" pero nanatili ka sa tabi ko, pinilit intindihin ang pinagdadaanan ko, pinagaan ang lahat ng pasanin ko, hanggang sa nilisan na kami ni papa, ikaw pa din ang ang tila payong ko sa gitna ng unos na tinahak ko. di mo ko iniwan, alam kong bago pa lang tayo, pero halos lahat ata ng problema ko kasama ka sa pag salo.. at oo nakikita ko yun, abot abot nga pasasalamat ko..

at ngayon marami pa tayong haharapin, pero naniniwala ako na andyan ka lang at pangako na andito lang din ako para sayo, di ko man masabi na ikaw ang soulmate ko, pero ikaw na nga siguro ang magpapaniwala sakin na totoo pala ang salitang "PAG-IBIG"..

--------


minsan akong tumalon sa jeep
sugatan at walang makapitan
pinilit ko umusad kahit luhaan
lumayo at pumunta sa kung saan
umaasa na hihilumin ang bawat sugat 
na hatid ng kapusukan

hanggang sa ikaw natagpuan
sa di malamang dahilan
puso kong  uhaw ay biglang nadiligan

ngayon ay sabay tayong humahapyaw 
sa kasiyahang dala na pag ibig ang tanging sigaw

na ang dating sugatan at luhaan
at piniling maglakad nalang
natagpuan na ang tunay na kaligayahan,
na ang dahilan ay walang iba kundi ikaw..



:)

Comments

  1. Awww... glad to know na you're getting better now Cheen :))

    Kinilig namans ako ayeeeee!

    ReplyDelete
    Replies
    1. and im also glad na okey na din ako..hehehe

      Delete
  2. huwaw!!!! oi kwentuhan tayo minsan! marami ka dapt ikwento...sa ocwen na ako ngayon...sa moa yung office kaw ba san ka na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko alam yun bex.. sa dubai na ko e, nung may pa, minsan try mo ko ichat sa fb diba?? may we chat din ako, skype at watsup.. so ano gusto mo??hahaha imissyou!!

      Delete
    2. kakao talk meron? bwaheheheheheh anong ginagawa mo jan? pasalubong pag uwi ha?

      Delete
    3. ano kakao talk mo? di na ko uuwi bex.. hahaha

      Delete
    4. basta...hahahahaha hahanapin mo rin ang pinas...ma kasamaan ata ugali ng mga tao diyan eh....

      Delete
  3. ganyan yan! huli na ko sa chika! da who???

    ReplyDelete
    Replies
    1. nabanggit ko sayo to kapatid ha.. hehe.. nilike mo nga pics namin eh..:)

      Delete
  4. Siguro timing din ang pagdating nya... para sa panahong malulungkot ka eh may dadamay sayo...

    Nice kahit paano nakabalik ka na din sa pagbblog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. minsan kailngan lang talaga ng inspirasyon..hahaha

      Delete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...