Skip to main content

multo ng kahapon.. EX!

tanong: anong hayop ang nagsisimula sa X??

siret na?? edi x girlfriend..

wala lang, may masabi lang, nabasa ko lang yan sa post ng isang barkada na galit na galit sa x ng partner nya, pakshet naman talaga ang mga hinayupak na X na yan (parang may pinaghuhugutan) well oo meron nga.. meron akong narealize, alam ko lahat tayo, o lahat ng taong naiinlove at nagsisimula sa isang bagong relasyon ay may tinatawag na fear of the ex's..

una.. takot na baka bumalik ang ex mo na iniwan ka at pinagpalit sa mas panget pa sa lahat ng pinaka panget, takot na baka mawala ang gayuma na nailagay sakanya at mag iba ulit ang ihip ng hangin, mahalin ka nya ulit, e kaso pumasok kana sa bagong relasyon, nagsisimula na uling bumuo ng pangarap. e pano kung bigla ngang magkatotoo ang kinakatakot mo, balikan ka ng hayop na x mo ano gagawin mo??

ang tanong lang dyan e, mahal mo paba? at handa ka bang mawala ang bago na meron ka, na hindi kapa sinaktan kumpara sa x mo?? kung oo ang sagot sa dalawang tanong na yan..e balikan mo na ang x mo, at iwan mo ang bago, wag na wag mong patatagalin ang pang gagago mo sa bago, dahil iyan tao yan, di kagaya ng x mo na hayop.. at kung nais mo syang balikan, e magsama kayo..parehong hayop! echos!

kung nasa stage kana na mahal mo pa din ang x mo, at handa ka ng iwan ang bago, e may isa pang tanong na dapat sagutin.. seryoso ba naman ang EX mo na balikan ka? o baka naman nasaktan lang ang ego nya na may nahanap ka ng ipapalit sakanya, o baka naman hinahanap nya  lang ang amoy mo, o ang pag lalaba mo sa brief o panty nya, o ang pagaalaga mo sakanya kahit binabalewala ka, kasi kung yan lang dahilan nya, naku kawawa ka, dahil isang malaking FACT na iiwan ka din ulit nyan, gagawin ka lang isang damit, na nahubad, at matapos malabhan e isusuot uli at pag nadumihan at sawa na, e tatanggalin at hihintayin malabhan uli ng iba saka kukunin at isusuot ulit.. cycle lang ang pagkatanga mo diba??

pero di nangangahulugan na di mo iiwan ang bago mo dahil di naman pala seryoso sayo ang hayup mong x! mali pa din yun, ano ginagamit mo lang si bago??dapat iwan mo na din sya maging fair ka hayup ka!, siguro ang maganda dyan mag isa ka muna, hanapin mo sarili mo, (baka nasa outer space na sa kabaliwan mo sa x mo) peace! maganda siguro magstart ka muna magisa, hanggang sa wala ka ng maramdaman at handa ka ng magmahal uli at sigurado kana na hinding hindi kana babalik sa nakaraan..


pangalawang kinakatakot natin ay tayo naman ang iwan dahil gustong bumalik ang bago mo sa x nya... kabaligtaran ng nasa itaas.. minsan kapag nasa isang fresh na fresh tayong relasyon, di maiiwasan ang takot sa mga hayop na x ng partner mo.. may mga x kasi na mapangahas, at baliw, yung tipong parang batang aarteng kala mo naagawan ng laruan? na gusto nya sakanya pa din yung laruang minsang iniwan at tinapon na nya.. tang ina lang!(shit di ako galit) hahaha..

well at dahil bago palang kayo, wala pang matibay na pundasyon, at tiwala na hinding hindi nya babalikan ang X nya, o tiwala na wala na syang nararamdaman sa nakaraan.. kasi di naman totoo yun, dahil mahaba man o maiksi ang naging relasyon nila naging parte na ng buhay nila ang nakaraan. kaya sa pangalawang sitwasyon na to, wala kang magagawa kaibigan.. kundi ang manalig, magdasal at magtiwala. ngayon kung balikan nya ang nakaraan, edi salamat nalang, pasalamat ka dahil may chance ka pa na makakilala ng tao na di ka iiwan at baka mas mahalin ka.


e ano nga bang point ko? at kung ano ano ang sinasabi ko? wala lang.. san nga ba ko sa dalawa?? hmm sabihin natin na dati e ako yung takot na baka bumalik ako sa nakaraan ko, pero nawala yun lahat ng makakilala ako ng tao na magpapawala ng nararamdaman ko sa nakaraan.. minsan FOCUS lang talaga, focus sa kung anong meron ka, yung tipong bawat moments e papahalagahan mo, makikita mo nalang ang sarili mo na nakawala na sa anino ng nakaraan, at yan naramdaman ko!

tapos ngayon? sabihin narin natin na nung nakaraang buwan e lagi akong takot na balikan ng bago ko ang x nya, naging mahigpit ako, dahil hayop na x nya na yun, nagparamdam pa uli. pero last month pa yun. isa sa mga natutunan ko?? though mahirap ibigay.. e ang tiwala! oo tiwala.. hirap man ako ibigay yan nuon dahil sa sakit na naramdaman ko, e ngayon, nakakagulat e nabibigay ko na, kahit paunti unti.. at masaya ko, dahil di naman nya sinasayang..

sikreto ng masayang relasyon?? e maging open sa isat isa.. at IBAON SA LIMOT ANG NAKARAAN.. wag ng pagusapan pa. KAHIT KELAN.. PROVEN AND TESTED.




Comments

  1. di ka pa rin nagbabago....ang dami mo pa ring alam...hahahahhaha pero i agree! ibaon sila sa limot...kung pwede nga lang sa lupa na sila ibaon...joke lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. bex.. san kita machachat?? oo ako na madaming alam, ikaw din, mas marami kang alam! hahaha

      Delete
  2. hahahaha grabe! lalim nito bex ah.. hahahahahaha hey jobologist! imy bex!

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...