Skip to main content

this might be the last post.

kung nababasa mo to ngayon, isang magandang balita.. nakapasa ako pauntang ibang bansa at nagsisimula ng magayos ng papers, 2 years contract din yun. two years kong mamimiss ang pinas..

habang sinusulat ko to ngayon e naghihintay pa ko ng result, sabi kasi ieemail nalang daw kami exact date 31/01/13. so gaya ng nasa itaas e ipopost ko lang to kung nakapasa ako.at kung hindi e wala at di mo parin makikita na may nag eexist na kwentongpalaka.blogspot.com so congratulations sakin habang binabasa mo to..

bakit nga ba naglahong walang pasabi ang blog ko? ganito kasi yun..uhm.. mas mabuti ng manahimik nalang ako kesa magkaron uli ng malaking issue. sa mga curious talaga. e ganito lang po yun.. may isang tao na dapat di mabasa ang blog ko.. but unfortunately sa di ko malamang dahilan e nakita nya ang blog ko, sabi e basta nalang daw bumuluga sa monitor nya ang blog ko. which is so impossible.. pero bahala na. i dont care. enough for that.pagod na ko.bahala na sila.

gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagtyagang sumubaybay sa mga kwento ni palaka. sa buhay buhay sa palpak na lovelife, sa mga tumulong sa mga charity works,, sa YOLO, sa BMIM na naging malaking bahagi ng buhay ko..sa mga kaibigan na super naging close at nakilala ko dahil sa blog na to..salamat.. kay jenn,mj,jaid,pablo,marty,kuya jay ng the karakas, jaypee,kamil,archie,joleah,zai,phioxee,pinkline,joane,cyron,paokun,rix kwentong iskwater, sa lahat lahat ng mga nagcocoment , maraming salamat!!!!!!!

ang drama ba? di muna ko magboblog at isasara ko muna ang kwentong palaka sa ngayon..pero patuloy parin akong magbabasa at susundan ang mga kwento nyo.. asahan nyo yan!! anyway..pano ba yan mga pare mare, punta muna ko sa kabilang panig ng mundo ha!


salamat at hanggangs a muling pagkekwento ni palaka...mahal ko kayong lahat..(parang artista lang) hahahaha

Comments

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

its up to you..

para kong kanta na kulang ang nota.. para kong ulam na walang sahog.. para kong radyo na walang tugtog.. para kong tv na walang palabas.. para kong cholate na walang tamis.. para kong paruparo na walang kulay.. para kong jip na walang gulong.. para kong malaking TANGA ngayon.. nakikita mo ba??para kong buo pero kulang.. kulang kasi wala kana sa buhay ko.. na nagbibigay ng nota sa mga kanta ko na nagbibigay ng sahog sa buhay ko ng palabas para mapangiti ako ng kulay sa arawaraw ko ng gulong para di ako tumigil lumaban.. a saan kna?!!tuluyan naba tayong ganto.. MASAYA KANA..PANO NAMAN AKO?? dito nagsimula ang lahat.. .. im on halfday, cause im not feeling well first time ko mag vto, I love it.. i want to go home early, para sopresahin ko si palaka  ..kasi miss ko na sya..kasi di kami nagkita ng wekends  kasi umuwi ako sa province.. im really not feeling good, kasi pagod s byahe, kaw ba naman bumyahe ng 5hrs going to province and 5 hrs going back here ...