Skip to main content

silip sa liham para kay 'insertnamehere'



<insert name here>,

una sa lahat gusto kong magpasalamat..saan? wala lang.. sa isang kapirasong ngiti na dala dala mo sa buhay ko.. babalaan na kita, masyadong madrama ang mga susunod mong mababasa..

dati ang akala ko sakit at luha nalang ang magiging bestfriend ko poreber. akala ko wala na kong seseryosohin at patuloy nalang ako maglalaro at susunod nalang sa agos ng kung sinong tao ang nakapalibot sakin, namagtatrabaho,gigising dahil yun ang nakasanayan at kailangan. naging walang kulay ang mundo ko.payak yan ang buhay ko bago ka dumating, isang nagmamahal lang na umaasa na mahalin ng isang taong nakatali na sa iba.pakshet!.

pero nung dumating ka sa buhay ko, something has changed, gumigising na kong masaya, may direksiyon at pangarap.. marami akong natutunan uli, gaya ng tumawa sa simpleng dahilan, magkaron ng mahabang pasensya at pag unawa., natuto uli ako iappreciate ang malilit na bagay na dati'y wala ng importansya sakin.at dahil sayo naramdaman kong muling mahalin at alagaan, masarap pala sa pakiramdam ang ikaw naman ang minamahal yung hindi yung puro ako lang.sana lang wag kang magsawa kahit na isip bata ako minsan.pikon. at negative sa buhay. umaasa ako na patuloy mo lang akong mamahalin at aalagan ang kung anong meron satin..

marami akong gustong ipagpasalamat, pero alam ko kulang ang bawat salita o letra para sabihin sayo.. pero gusto ko lang malaman mo.. na masayang masaya ko at nakilala ka.. alam ko bago palang tayo, at wala pang matibay na pundasyon. ayoko din mangako. pero pipilitin ko at kakayanin ko lahat ng problema na maaring humadlang satin..ang drama diba? minsan lang to.pakshet!hahaha.

nais ko lang naman sabihin na salamat sa pagdating mo.natanggap ko na ang pinakamangang regalo sa darating na kaarawan ko.wala na kong mahihiling pa..


                                                                                                                ''palaka''

Comments

  1. nakakakilig na naman at damang dama ko ang pagkakakilig mo habang sinusulat ito....


    ikaw na ang in love girl...

    so since natanggap mp naman na pala ang greatest gift mo...

    let's forget the funsign na request mo ha... sabi mo yan... hehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. FUNSIGN! FUNSIGN! FUNSIGN! hehehe.. hintayin ko pa rin funsign! :)

      Delete
  2. nakanam! inlababooooo. karirin mo ang happiness! :)

    ReplyDelete
  3. in love na in love talaga si Cheene oh! nag hugis puso pa ang mga mata hehe!

    ReplyDelete
  4. sana hindi na tulad ng dating palaka iyan :)

    ay birth day mo na this month diba?

    happy beerday

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga.. di na sya ang dating palaka.. yes sa jan 15 po. salamat!

      Delete
  5. sino man 'yang si insertnamehere, hindi niya alam na swerte din siya.. hehehe

    happy birthdae saio..

    ReplyDelete
    Replies
    1. sasama ko sya kuya jay.. kapag nagkaron tayo ng sabak uli. para mameet ng bmim! :)

      Delete
  6. positive naman ang epekto ni insert-name-here, karirin na iyan! joke. hinay lang and stay happy. :)

    ReplyDelete
  7. balentayns na balentayns ah... hehehe

    ReplyDelete
  8. at ayun na nga... lumablayp na hihihi..

    ReplyDelete
  9. Kilig to the bones! HAHAH! Ilagay na ang name nyan! :))

    ReplyDelete
  10. huwaw swerte ni ahh
    haha ang chuweet hahaha kaw na teen star!

    ReplyDelete
  11. Waaah lakas mka good vibes nito... Chuvachochoo CheeNee!!!

    ReplyDelete
  12. bex di ba magkakambal tayo sa ganian? sana yung akin din ay tulad nian! =) imissyow! turuan m ncu ng reply reply na yan..

    ReplyDelete
  13. Trik Menang Bermain Situs Judi Sabung Ayam Online Yang Jarang Diketahui Klik Di Sini

    Informasi Terlengkap Mengenai Sabung Ayam
    https://bvayamsate.blogspot.com/2018/12/tehnik-tehnik-berhadapan-yang-dipunyai.html/

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

unang hakbang palayo..

MY HEROINE.. The drugs begin to peak A smile of joy arrives in me But sedation changes to panic and nausea And breath starts to shorten And heartbeats pound softer You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate! You taught my heart, a sense I never knew I had. I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! You won't leave me alone! Chisel my heart out of stone, I give in every time. You taught my heart, a sense I never knew I had I can forget, the times that I was Lost and depressed from the awful truth How do you do it? You're my heroine! I bet you laugh, at the thought of me thinking for myself (myself). I bet you believe, that I'm better off with you than someone else. Your face arrives again, all hope I had becomes surreal. But under your covers more torture than pleasure And just past your lips there's more anger than laughter Not now o...

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...