Skip to main content

weird feeling..

ewan ko bakit iba ang pakiramdam ko simula kagabi.. something na parang may kulang..pagdating ko sa apartment kaninang 4am, pag upo ko sa kama..napatingin ako sa paligid, sa bawat sulok ng kwarto.. natawa ako.. wala man lang palang laman ang kwarto ko na  gamit.. bukod sa kama, fan, portable dvd, maraming unan at maraming kumot, at isang closet.. hindi siguro uso sakin ang appliances.. laki pa ng space para dagdagan ng gamit..ni wala man lang pala akong mesa..

tapos nun..napatingin ako sa wall na kulay green.. na wala man lang kadumi dumi.. isang calaendar lang ang nakasabit at katabi nito ang isang pilas ng magazine na abstract ang design..haaay.. napahiga ako sa kama.. sabi ko sa sarili ko..''ang lungkot sobrang lungkot'' naramdaman ko na mag isa ako.. naisip ko na sana dun nalang ako sa bahay namin.. sana kasama ko man lang pamilya ko..na kapag dadating ako may makakausap ako kahit papano at di ko mararamdaman na mag isa ako..

paulit ulit lang ang ginagawa ko sa isang araw.. papasok, uuwi ng madaling araw, manunuod saglit ng movie,matutulog, gigigsing, papasok uli.. nakakasawa! walang ka thrill thrill.. di naman ako magimik na tao di rin ako mahilig magtext...wala din naman ako makasama sa apartment, kasi halos lahat ng kaibigan ko may pamilya at yung iba naman kasama yung mga jowa nila.. ako?!eto..super plain ang buhay..

namimiss ko si palaka!!yan ang gusto kong sabihin! namimiss kong guluhin nya ang buhay ko! namimiss ko kapag pumupunta sya sa apartment at guguluhin ang kwarto ko! namimiss ko yung sobrang busy ko sa work tapos pipilitin na kong papauntahin sa bahay nya!namimiss kong problemahin sya!!!pero ayoko narin syang bumalik sa buhay ko..haaayy..

oo.. okay ang buhay ko ngayon.. simple alang problema.. pero hindi masaya!yan ang nararamdaman ko gusto kong gumawa ng bago sa buhay ko ngayon.. nakakasawa na ang pulit ulit.. sisimulan ko ang pagbabago..at sisismulan ko sa paglalagay ng mesa sa apartment ko..

haaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy..............

Comments

  1. damang-dama ko ang kalungkotan mo...
    tagus dito...yeah ako din paulit
    ulit lang ang nanyayari...more on
    tulog naman ako...

    minsan talaga masakit ang tama...
    dahil msarap ang bawal...(anu daw?!)

    tara let's hug in! (hug!!!)

    ReplyDelete
  2. nakakalungkot nga yan..

    ayon c palaka na naman ang nasa-isip, kokak kokak.. hehe

    ReplyDelete
  3. iyan ang mga epekto ng pagmomove on.. hehehe

    ReplyDelete
  4. oo tama... move on!!!
    mag move ka ng lamesa.. ahahah.. may pera at may pambili ng mesa!!! asensado!! share nmn jan! ahahaha....


    namimiss mo bang may gumugulo ng gamit moh?.. ehem... saan yan, at magulo din... sanay ako jan! ahahaha....


    nakakasawa.. paulit-ulit.. nakakabobo...

    ReplyDelete
  5. tara pinturahan natin ang wall ng apartment mo? pwede ba? pero ang lungkot nga niyan. ako nga dati nagdodorm..as in bored na bored pa ako.. ikaw pa na wala man lang kasama..

    ReplyDelete
  6. ang gulo nga. hehe. miss mo pero ayaw mo bumalik. tapos ito k ngayon..nalulungkot. hehe. ganyan ang mga bbae kaya minsan ang hirap intindihin.. ^_^ cheer up. hehe.. kung minsan pkiramdam mo alone ka sa real life mo..tandaan mo meron k pang iternet life na pwede mo takbuhn at pagkuhanan ng lakas para sa pagbalik mo sa real life mo handa ka na ulit.. ^_^

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...