Skip to main content

buhay bata..

ang tagal ko ding di nagsulat.. bakit? kasi naging busy ako sa pagpapabrace ko.. and until now, ang dami pang dapat gawin..kailangan pang isurgery..at dahil sa madami pang ginagawa sa teeth ko pabalik balik ako sa province, kasi andun si dentist..hmmm..

sa pagbalik balik ko sa province, ang dami kong nakikita, mga barkada.. esp. kagabi elementary friends. halos 5 or 6 years ata kaming di nagkasama at nagkabonding ng mga yun.. 3 lang kami, una apat umuwi na nga lang yung isa..

tamang kwentuhan.. kwentuhan simula 5 ng hapon hanggang 10pm, kumain ng ISAW, uminom ng SANMIG LIGHTS, KUMAIN NG HI-HO CHEEPEE.. NOODLES..sarap.. saya!sarap makasama uli yung mga naging kaibigan kalaro mo nung elementary..bumalik man kami sa pagkabata, pinagusapan mga kalokohan nung ..mga kaaway, mga crush, yung kung ilang beses napagalitan ng teacher, kung ilang beses na office at naguidance..

haay sarap balikan ang nakaraan.. dun nalang namin narealized na ang laki na pala ng pinagbago namin, na ang batang uhugin noon, na mahilig maglaro ng AGAWAN BASE, e isa ng mga profesiyonal..oo, lahat kami may mag tinapos na, may kanya kanya na din buss ang iba, si JOY nagmamanage na ng consignation (bagsakan ng mga isda sa palengke) ang laki ng kita dun..may sasakyan na siya pero sabi nya sa ermat nya.. tapos narin sya ng BS ECO sa UP! totyal! talino ng friend ko.. si KARLA naman nagbabantay din ng shop nila parang appliances shop.. tapos narin sya ng BS EDU mayaman na din nagulat nga ko sa bahay nila may sariling sinehan sa loob..hahaha..(nice takzs!) at ako.. ang pinakapasaway nung bata e tapos na din at may trabaho..pero samin tatlo..ang swerte lang sa lovelife eh si joy! naxs 5yrs na sila.. ewan ko ba kay karla malas din daw sya sa ganun.. just like me.. so pinagtawanan nalang namin yun.. atleast lahat kami marunong magmahal..hehehe

napaisip kami kagabi, na may mga responsibilidad na kami, na hindi na bata, na hindi na palaging bahala na..na kailangan ng isipin ang future.. nakakamiss maging bata..pero we cant control the time.. lahat tayo tatanda.. lahat magbabago..pero ang di mawawala e ang kaibigan mo nuon ay kaibigan parin hanggang ngayon!!!!:))

Comments

  1. sana nga bata na lang tayo forever... kaso lang di uso ang love sa bata e...hahaha

    ReplyDelete
  2. ako mukhang bata!!!! wahahahaha... fresh na fresh! lols

    ReplyDelete
  3. hahaha mas gusto ko pa nga puppy love eh.. kasi mas sweet..w aheheh

    ReplyDelete
  4. oh may! huaaahhh!
    tama..tmatanda n nga tayo...
    assaaarrr!! khit n muka
    pdin kong totoy naeexperience
    ko n ung mga signs of aging..
    sumsket n likod ko at lumalabo
    n pningin ko..madali ndin akong
    mapgod...hanep!

    nice post!(^^,)

    ReplyDelete
  5. huh? eh bakit ung thirdy ko isang araw lang ginugol niya sa bakal bakal na yan hehe!

    ako batang isip.. haha!

    ReplyDelete
  6. jheng: sana bata nalang talaga..hhehe

    rap:weh? kaw mukhang bata??weh???

    kiko: tama.. mas ok yun less presssure din pag pupuy love..

    empi: tara tikman natin..hehehe

    luloy: pacheck up kana..yay..hahaha

    momy: sino si thirdy??hehehe

    ReplyDelete
  7. c thirdy? pangatlo kong anak hehe! fyi babae siya..

    ReplyDelete
  8. gurl bonding ito...

    now nice db old friends make our childhood happy...

    ReplyDelete
  9. OO!!! ahahaha...

    si lhuloy may osteoporosis na... ahaha.

    sa stream global nga pla ako nagapply, sa sm north branch.. pero.... basta. iboblog ko nlng pag sinipag ako para sa whole details. ehehe

    ReplyDelete
  10. kaya pala tagal mo nawala... nakaka-tampo pa kase di ka nadalaw sa blog ko.. ganun na ba kawalang kwenta post ko? hmp.

    lol.. pero buti ka pa nagpa-brace na..at ang saya naman nakipagkita ka sa mga friends mo.. huhuhuhu miss ko na din mga kaibigan ko... hay.. wala lang...

    ReplyDelete
  11. mukha ka naman bata eh. chill ^_^

    ReplyDelete
  12. oo nga buti pa nung bata tayo walang prinoproblema baon lang!! hahaha

    ReplyDelete
  13. momy: ang cute ng name thirdy..san si fourthy?hehe


    uno: tama..hehe

    rap: haha..cge idetalye mo..hehe

    kamila: pasenxa na kapatid.. pasenxa talaga.. hooommmmsoorryyyy..

    ReplyDelete
  14. ako kaaway ko na yung bespren ko nung bata ako...si kemelou

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

usapang lasing

nadaan ako sa isang inuman,pagkaout ko..nauna na kasi sa TOTOS yung mga mabubuti kong kaworkmate..at dahil sa pagdaan ko dun medyo napagalitan lang naman ako ni palaka..sinungaling daw ako kasi una sabi ko di na tuloy ang inuman tapos ngayon tuloy daw pala.. pero napaliwanag ko naman sakanya na biglaan yun at dahil sa ala din akong susi ng apartment dahil nadala nya din..so kailangan ko maghintay ng umaga para makauwi sakanila..dahil na din kung uuwi ako ng 2am sakinla..malamang sa alamang wala akong masakyan na tryk paakyat sa bundok na bahay nila..at yun na nga,,pinayagan na ko magstay dun dahil kasalanan nya din naman.uwi sana ko maaga kung may susi ako sa apartment...( kahit naman no.2 masunurin pa rin ako ) eto na talga ang usapan: mariz : o buti nakarating ka? ako: e ala akong susi ng gate natin..nakay palaka.. mariz : ahhh..san ka uwi maya? sakanila? ako: oo..uwi din ako maya maya pag may tryk na mga 4:30am carmi: maya kana uwi bex.. ako: eehhh.. mapapagalitan ako ...